Kapag naalis na ng Photoshop ang background, pwede mong baguhin at i-adjust ang image para mas mukhang makatotohanan ito. Magsimula sa pamamagitan ng pag-edit sa mga edge ng Layer Mask gamit ang Brush tool. Sa pamamagitan ng pag-paint ng layer mask ng black, white, o iba't ibang opacity ng dalawang ito, makakagawa ka ng mga hindi halatang gradient sa pagitan ng dalawang image na maayos na nagbe-blend sa mga ito.
Sa mga karaniwang larawan, ang mga object sa background ay bahagyang wala sa focus, dahil ang depth of field ay mababaw at naka-focus ang camera sa tao o subject sa foreground. I-recreate ang depth of field na ito at bigyan ang image mo ng mas magkaugnay na hitsura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dimension gamit ang Gaussian Blur. Para magdagdag ng pag-blur, piliin ang layer ng background, pagkatapos ay pumunta sa I-filter › Pag-blur › Gaussian Blur. Mula rito, maa-adjust mo ang intensidad ng pag-blur para gumawa ng pagkakaiba sa depth.
“Ang Smart Object ay isang container na naglalaman ng isa o higit pang layer. Nagbibigay-daan ito sa iyo na mag-apply ng mga nondestructive na adjustment, distortion, filter, at pagbabago. Sa madaling salita, pwede kang bumalik at gumawa ng mga pagbabago anumang oras,” sabi ni Ramirez. Kapag ginawang smart object ang mga layer mo, pwede mong ituring na iisang image ang mga na-combine mong layer.
Kapag itinuring na iisang image ang marami mong layer, pwede mo nang i-adjust ang contrast, temperatura, at saturation nang sabay-sabay, na nagbibigay ng mas magkaugnay na hitsura sa pinal na image. Mula rito, i-export lang ito bilang PNG o JPG para madaling i-post online o idagdag sa portfolio mo.