Photoshop
Baguhin ang mga image, gumawa ng kamangha-manghang art, at mag-design ng magagandang graphics tulad ng isang pro, kahit na hindi ka pro.
Nariyan ang Photoshop para sa lahat ng maiisip mo.
Mula sa malilikhaing pag-edit ng larawan hanggang sa ganap na pagbabago ng image, ang pamilya ng mga app ng Adobe Photoshop ang bahala sa iyo.
I-explore ang pamilya ng mga app ng Photoshop.
Photoshop Lightroom
Gawing maliwanag ang mga shot, patingkarin ang mga kulay, maghanap at magbukod-bukod nang walang kahirap-hirap, at gawing maganda ang mga larawan mo.
Photoshop Express
Mabilis na mag-edit, mag-collage, at mag-retouch ng mga larawan para mamukod-tangi ang mga ito sa social at saanpaman.
Paganahin ang imahinasyon mo gamit ang Photoshop.
Mula sa mga social post hanggang sa pag-retouch ng larawan, mga banner hanggang sa branded na merchandise, mga kapansin-pansing image hanggang sa kamangha-manghang artwork — anumang maiisip mo, magagawa mo ito sa Photoshop.
Mainam para sa:
Advanced na pag-edit at pag-retouch
Pagsasama-sama ng mga image sa maraming layer at effect
Digital drawing at painting
Design ng website

I-edit ang mga larawan mo saanman gamit ang Photoshop Lightroom.
Hindi palaging kamukha ng mga larawan mo ang nakita mo. Pagandahin ang mga ito sa paraang gusto mo gamit ang mahusay at madaling gamiting app kung saan pwede mong i-edit, i-store, i-share, at ayusin ang mga larawan mo nasaan ka man.
Mainam para sa:
Mga basic at advanced na pag-edit ng larawan
Pag-edit ng mga larawan sa anumang device
Pag-store at pag-aayos ng mga larawan
Paglalagay ng mga bagong hitsura gamit ang mga preset
Pag-alam ng mga bagong kasanayan sa pag-edit ng larawan

Gumawa ng mga nakakatuwang larawan sa telepono mo gamit ang Photoshop Express.
Kunin ang mobile app na magbibigay-daan sa iyong gumawa ng mabibilis at madadaling pagbabago ng larawan, malikhaing pag-edit, at magdagdag ng mga tema, sticker, at effect — lahat sa isang tap lang. Humanap ng inspirasyon at i-post ang mga larawan mo mula mismo sa app.
Mainam para sa:
Madadaling pag-edit at pag-adjust
Pag-cut out at pagsasama-sama ng mga larawan
Pagpapaganda gamit ang mga filter, effect, text, at sticker
Pag-retouch ng mga portrait at selfie
Paggawa ng mga collage
Aling Photoshop app ang bagay sa iyo?
Creativity para sa lahat.
Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.