Kontrolin ang mga kulay mo.
Bigyan ang gawa mo ng natatangi at consistent na hitsura sa bawat frame at bigyan ng sari-saring kulay na kaaya-ayang tingnan ang lahat, mula sa madidilim na anino hanggang sa maliwanag na kalangitan.
Makalamang sa tulong ng pamamahala ng kulay upang maging maganda ang video mula pa sa simula.
Ang iyong raw at log footage ay na-normalize sa pag-import nang walang mga LUT, para makapag-edit at makapagkulay ka kaagad gamit ang magandang footage at ma-access ang rich color data ng iyong media.
Tiyakin ang color continuity sa bawat eksena.
Gumawa ng mga basic na pagwawasto sa exposure, white balance, at contrast gamit ang Auto Color sa isang iglap. Panatilihin ang mga natural na kulay ng balat at awtomatikong itugma ang kulay sa pagitan ng mga shot gamit ang Color Match. Gamitin ang mga Color Wheel para i-adjust ang mga shadow, midtone, at highlight, at matingnan ang pagkakaiba nang side-by-side gamit ang Comparison View.
Gamitin ang kulay para itakda ang mood.
Panimula pa lang ang natural at consistent na kulay. Hubugin ang mood ng proyekto mo gamit ang mga tool para baguhin ang vibrance, saturation, at tint. Ibukod ang isang partikular na kulay, gumawa ng mga tumpak na pagbabago para i-contrast, o maglapat ng vignette para i-fade ang mga gilid ng clip at ituro ang pansin sa isang focal point.
Gumawa ng natatanging hitsura.
Sulitin ang mga look ng Lumetri para gayahin ang iba-ibang film stock at bigyan ang footage mo ng timeless at cinematic na hitsura. Gamitin din ang Look Up Tables (mga LUT) para gawin at i-save ang sarili mong mga custom na color grade para bigyan ang mga clip mo ng natatangi at consistent na istilo. Gamitin ang mga LUT mo para maging maganda gamit ang anumang RAW o naka-encode na format.
Mas maraming magagawa gamit ang mga advanced na color tool.
Madaling mag-edit ng mga advanced na setting gamit ang Lumetri Color. Subaybayan ang mga level ng kulay at luminance nang may ganap na katumpakan gamit ang mga hardware-accelerated Lumetri scope tulad ng Vectorscope, Histogram, Parade, at Waveform.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Anong pinagkaiba ng color correction at color grading?
Ano ang Lumetri?
Pwede ba akong mag-import ng mga custom na LUT sa Premiere Pro?
Dapat ba akong mag-color correct ng mga video bago mag-edit?
Saan ko malalaman kung paano gamitin ang mga tool sa color correction ng Adobe?
Tumingin pa ng mga feature ng {{premiere-pro}}.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/see-more-pr-features