Gabay sa 3D rendering
May 3D visualization kahit saan, mula sa mga simpleng ad hanggang sa immersive na virtual reality. Gumagamit ang mga architect, designer ng produkto, industrial designer, at branding agency ng 3D rendering para gumawa ng magaganda at makatotohanang image na gumagaya sa tunay na buhay. Alamin kung ano ang 3D rendering, kung paano ito gumagana, at kung anong Adobe software ang magagamit mo para gumawa ng mga sarili mong 3D object at environment.
Ano ang 3D rendering?
Ang 3D rendering ang proseso ng paggawa ng photorealistic na 2D image mula sa mga 3D model. Ang 3D rendering ay ang huling hakbang sa proseso ng 3D visualization, kung saan kasama ang paggawa ng mga model ng mga object, pagte-texture sa mga object na iyon, at pagdaragdag ng lighting sa scene.
Kinukuha ng 3D rendering software ang lahat ng data na nauugnay sa 3D model at nire-render ito sa isang 2D image. Salamat sa mga bagong kakayahan sa pagte-texture at lighting, posibleng hindi matukoy ang 2D image na iyon mula sa isang tunay na larawan, o pwedeng sadya itong inistilo — depende iyon sa artist at sa layunin ng visualization.
Paano gumagana ang 3D rendering?
1. Gumawa ng mga 3D object o model gamit ang 3D modeling software.
May ilang paraan para gumawa ng 3D model, o buong scene. Binibigyang-daan ka ng ilang sculpting application na gumawa at maghubog ng mga polygon, at bumuo ng 3D asset sa huli. Halimbawa, ang ganitong uri ng pagmomodelo ay posibleng partikular na naaangkop sa paggawa ng mga organic na asset — tulad ng mga halaman o hayop — dahil naaangkop ito sa artistic na interpretation ng mga medyo hindi regular na hugis.
May mga alternatibo sa ganitong pamamaraan. Nakatuon ang iba pang tool sa pagmodelo sa paggawa ng mga edge at surface, sa halip na mga polygon, sa isang three-dimensional na space. Ang paggawa ng mga 3D asset sa ganitong paraan ay nagbibigay-daan para sa mahusay na mathematical na katumpakan, at kadalasang ginagamit ang mga ganitong tool sa industrial design o computer-aided design (CAD) na pagmomodelo.
O pwede mong piliing “mag-scan” ng kasalukuyang object sa tunay na buhay gamit ang isang specialized na tool — bibigyang-daan ka ng data na na-capture mula sa ganitong scan na gayahin ang object sa isang 3D space. O posibleng mas gusto mo ang ruta ng procedural generation, kung saan magsu-sculpt ang software mo ng model para sa iyo batay sa isang set ng mga dating naitatag na mathematical rule.
Paano mo man gagawin ang 3D model mo, 3D texturing ang susunod na hakbang.
2. Magdagdag ng mga materyal sa mga 3D object.
Tinutukoy ng mga polygon ang hugis ng mga 3D object, pero ang mga ito lang mismo ay kulang sa kulay o mga detalye ng surface. Magagawa ng mga artist na magtalaga ng texture sa bawat polygon sa isang 3D object. Ang mga texture ay pwedeng mga simpleng monochrome na kulay, o pwedeng gayahin ng mga ito ang hitsura ng anumang surface, mula sa mga natural na materyal tulad ng bato o kahoy hanggang sa industrial na metal o mga plastic na surface.
Ang isang 3D object ay pwedeng buuin mula sa libo-libo, kung hindi milyon-milyong polygon. Posibleng may moderno at industrial na kinis ng kitchen blender o magaspang na balat ng isang elepante ang object, pero sa loob nito, isa pa rin itong object na binubuo ng mga polygon at medyo blangkong surface. Gayunpaman, gamit ang mga tamang 3D material, posibleng gawin ang ilusyon ng depth ng 3D. Marami pang magagawa ang mga texture na ito bukod sa pagdaragdag lang ng reflectivity o kulay sa isang object — makakapagdagdag ang mga texture ng maliliit na detalye tulad ng tahi sa tela ng damit, o hanay ng mga rivet sa gilid ng isang industrial na metal surface. Lubos na makakaubos ng oras ang mga ganitong detalye para gawin kung manual mong idaragdag ang mga ito sa geometry ng isang object.
3. Magdagdag ng lighting sa 3D environment.
Kailangang magmukhang nasa tunay na mundo ang mga 3D object. Napakatotoo nito para sa mga karaniwang sitwasyon ng paggamit tulad ng mga architectural rendering at architectural visualization, kung saan ang isang basic na floor plan ay pwedeng gawing malinaw na vision ng kung ano ang kalalabasan.
Malaki ang ginagawang pagkakaiba ng mga makatotohanang source ng ilaw para gawing space na mukhang totoo ang isang koleksyon ng mga polygonal na object. Pero karaniwang hindi nagpe-paint ang mga 3D artist sa mga mismong ilaw o shadow. Sa halip, kasama sa isang 3D scene ang mga setting para sa direksyon, intensity, at uri ng source ng ilaw na nagpapaliwanag sa iba't ibang object.
Default na sumusunod ang mga texture na ginawa gamit ang toolset ng Adobe Substance 3D sa mga prinsipyo sa physically based rendering (PBR), at samakatuwid ay magmumukhang makatotohanan ang mga ito sa lahat ng kundisyon ng lighting. Kaya ang mesang gawa sa kahoy ay magmumukha pa ring kahoy kahit na ilagay ito sa maaraw na balkonahe, loob ng bahay, o kahit sa ilalim ng lupa.
Ang ilang surface at materyal ay nagbe-bend ng ilaw o nag-i-interact dito sa mga katangi-tanging paraan. Translucent ang salamin at yelo, kaya nagre-reflect at nagre-refract ang mga ito ng ilaw. Nagbabago-bago ang ilaw sa surfacr ng tubig at iba pang likido, at gumagawa ang mga prisma ng maliliit na bahaghari kapag tinatamaan ang mga ito ng ilaw. Ang isang scene na tumpak na na-texture, at masining na nailawan, ay pwedeng magmukhang kapani-paniwala at dramatiko.
4. I-render ang 3D image.
Kapag nagawa at na-texture na ang mga 3D object at nailawan na ang environment, magsisimula ang proseso ng 3D rendering. Isa itong computer-driven na proseso na sa madaling salita ay kumukuha ng “snapshot” ng iyong scene, mula point of view na tutukuyin mo. Ang resulta ay isang 2D image ng iyong 3D scene.
Ang rendering software ay pwedeng gumawa ng isang larawan, o pwede itong mag-render ng maraming mabilis na sunod-sunod na image para gawin ang ilusyon ng real-time na motion.
Hindi pare-pareho ang proseso ng pag-render — maraming magagamit na pamamaraan tulad ng real-time, ray-tracing, at marami pa na makakaapekto sa kalidad ng pag-render. Para malaman pa ang tungkol sa mga kakayahan ng GPU at CPU, bisitahin ang page ng Kinakailangan sa hardware ng Adobe 3D.