Ano ang technique na box modeling sa 3D?

Mahalaga ang 3D modeling para sa entertainment, arkitektura, pagmamanupaktura, at kahit sa medisina. Anuman ang sitwasyon ng paggamit, may dalawang paraan para bumuo ng mga 3D model: box modeling at sculpting. Sa gabay na ito, ipapaliwanag namin kung ano ang box modeling, bakit lubos itong kapaki-pakinabang, at kung paano ito naiiba sa sculpting.

realistic rendering of soccer shoes

Ano ang box modeling?

Ang box modeling ay isang technique sa 3D modeling kung saan magsisimula ka sa isang primitive na hugis, na karaniwang isang cube o “box,” at papagandahin ito hanggang makuha mo ang gusto mong design. Mamanipulahin mo ang mga vertex, edge, at face ng pangunahing hugis, na karaniwang sa pamamagitan ng pag-subdivide sa mga surface nito para makapagdagdag pa ng detalye.

Pundasyon ang box modeling sa 3D design, na karaniwang kilala rin bilang polygonal modeling. Deka-dekada na ang technique na ito, pero popular pa rin ito dahil napaka-intuitive nito. Para lang itong pag-uukit ng piraso ng kahoy para maging bagong gawa.

Popular din ang box modeling para sa versatility nito. Isa man itong character ng video game, isang furniture para sa isang architectural visualization, o mga bahagi ng isang mechanical design, ibinibigay ng box modeling ang mga tool para makagawa ng halos kahit ano.

Sa pangunahing antas, nagsisimula ang box modeling sa isang primitive na hugis, gaya ng cube. Mula roon, papagandahin mo ang hugis sa pamamagitan ng paglilipat, pag-scale, o pag-rotate ng mga vertex, edge, at face nito. Ang pag-subdivide sa surface ng model at pagpapaganda sa hugis ay magdaragdag ng mas marami pang detalye sa model.

Mga benepisyo ng box modeling.

Tingnan natin ang ilan sa mga advantage ng box modeling:

  1. Beginner-friendly. Accessible ang box modeling para sa mga taong bago sa 3D design. Pinapadali ng step-by-step na proseso na subaybayan ang mga pagbabago at adjustment, na nagbibigay-daan para sa mas madaling learning curve.
  2. Naaangkop para sa mga low-poly na model. Nagsisimula ang box modeling sa mababang bilang ng mga polygon, kaya likas itong angkop para sa mga low-poly na model. Dahil dito, magandang opsyon din ito para sa mga real-time na paggamit sa mga video game.
  3. Kahusayan at katumpakan. Nagbibigay sa iyo ang box modeling ng higit pang katumpakan at kontrol. Ikaw ang magpapasya kung saan magdaragdag ng detalye, na tinitiyak na mahusay na magre-render ang model nang hindi nagdaragdag ng mga hindi kailangang polygon.

Box modeling vs. sculpting

Kapag bubuo ng 3D model, pipili ka sa pagitan ng box modeling at sculpting. Magkaiba ang dalawang pamamaraang ito sa ilang paraan:

  • Starting point. Nagsisimula ang box modeling sa isang pangunahing hugis na papagandahin mo. Nagsisimula ang sculpting sa isang tipak ng digital “clay” na huhubugin mo gamit ang iba't ibang tool.
  • Detalye. Nakakagawa ang dalawang pamamaraan ng matataas na level ng detalye, pero mas mainam ang sculpting kung kailangan mo ng mga napakadetalyadong model.
  • Workflow. Mas structured ang box modeling, habang mas freeform ang sculpting.

Kapaki-pakinabang ang dalawang pamamaraan para sa iba't ibang uri ng mga proyekto. Naaangkop ang box modeling para sa mga hard-surface na model gaya ng makinarya, mga sasakyan, at mga architectural element. Naaangkop din ito para sa mga low-poly na model. Pinakamainam ang sculpting para sa mga organic na model na kailangan ng maraming kumplikadong detalye, gaya ng mga character, mga hayop, o kalikasan.

Pagsisimula sa box modeling.

Narito ang mabilisang gabay para tulungan kang magsimula sa box modeling:

  1. Unawain ang mga pangunahing kaalaman. Una, maging pamilyar ka sa mga pangunahing konsepto ng 3D modeling gaya ng mga vertex, edge, at face. Mas papadaliin nito para sa iyo na magmanipula ng mga 3D model.
  2. Pumili ng 3D modeling software. Piliin ang software na may mga robust na tool sa polygonal modeling kung plano mong gumamit ng box modeling.
  3. Sumubok ng simpleng proyekto. Magsimula sa pamamagitan ng pag-model ng mga basic na object, gaya ng isang lamesa o mga upuan. Makakatulong sa iyo ang hands-on na pag-aaral na maunawaan ang proseso para sa mas malalaking proyekto sa hinaharap.
  4. Magsanay sa pagmamanipula. Maglipat, mag-scale, at mag-rotate ng mga vertex, edge, at face para mapahusay ang mga kasanayan mo sa box modeling.
  5. Subukan ang pag-subdivide. Kapag mas nagsa-subdivide ka, mas magiging kumplikado at detalyado ang isang model. Mag-eksperimento sa technique na ito para makabuo ng mga mas makatotohanang model.

Magandang ideya rin ang tuloy-tuloy na pag-aaral. Tumingin ng mga online na tutorial, forum, at gabay gaya nito para patuloy na mapahusay ang kaalaman mo sa 3D modeling.

Pagbabagong-bihis sa box modeling: Mga innovative na tool ng Adobe Substance.

Naaangkop ang box modeling para sa maingat na pagsisimula ng mga baguhan sa mundo ng 3D modeling. Mas structured ito kaysa sa sculpting pero nagbibigay pa rin ito ng mataas na antas ng detalye para sa mga design mo.

Sa 3D modeling, huhusay ka kapag nagsanay ka. Mag-eksperimento sa pundasyong technique na ito para makabuo ng mga de-kalidad na model at mabigyang-buhay ang mga gawa mo. Subukan ang box modeling sa Adobe Substance 3D ngayon.

Mga Madalas Itanong

ANO ANG PAGKAKAIBA NG BOX MODELING AT EDGE MODELING?

Nagsisimula ang box modeling sa isang pangunahing hugis, gaya ng cube, na papagandahin mo. Nagsisimula ang edge modeling sa isang polygon face na papalawakin mo sa pamamagitan ng paghila palabas ng mga edge at paggawa ng mga bagong face. Binibigyan ka ng edge modeling ng higit na kontrol sa mga partikular na area ng isang model, habang tumutuon ang box modeling sa object bilang kabuuan.

MAYROON BANG URI NG 3D MODELING NA KATULAD NG BOX MODELING?

Ang subdivision surface modeling ay katulad ng box modeling. Magsisimula ka sa isang pangunahing hugis at magdaragdag ka ng detalye sa pamamagitan ng pag-subdivide. Gayunpaman, mas tumutuon ito sa topology para matiyak ang makikinis at well-defined na model.

ANO ANG ILANG DRAWBACK SA BOX MODELING?

Pwedeng magresulta ang box modeling sa magulong geometry kung hindi ka mag-iingat, lalo na sa mga mas kumplikadong 3D design. Mahirap ding gumawa ng malalaking pagbabago sa istruktura ng model kapag mas malayo na ang naging pag-usad mo sa proseso ng modeling.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection