#234D37
{{adobe-substance-3d}} sa Maverick Render
Ang Maverick ay isang hiwalay na application na nakatuon sa 3D visualization ng produkto na nagbibigay-daan sa mga designer, inhinyero, at espesyalista sa marketing na bigyang-buhay ang mga proyekto nila sa tulong ng tunay na walang kapantay na bilis, kalidad, at dali sa paggamit. Ganap na GPU-based, walang kinikilingan, at tumpak sa totoong buhay ang Maverick Render.

May dalawang pangunahing uri ang Maverick:
- Maverick Studio, para sa mga user ng CAD at designer ng produkto.
- Maverick Indie, para sa mga CG artist at render generalist.
Sa tulong sa integration ng {{substance}} sa Maverick, madali mo nang mai-import at magagamit ang mga de-kalidad na material ng {{substance}}. Binibigyang-daan ka ng suporta ng {{substance}} na pahusayin pa ang makatotohanang visualization ng mga material.
Tingnan ang native na suporta ng Maverick para sa mga Substance SBSAR file.
Nang dahil sa integration ng {{substance}}, madaling mag-drag at mag-drop ng kahit anong material ng {{substance}} (.sbsar) sa isang object sa Maverick Indie o Maverick Studio. I-adjust ang resolution ng mga texture (hanggang 4K), pumili ng preset at baguhin ang mga parameter: kapag na-edit ang isang value, makikita mo ang mga variation nang real-time sa viewer ng Maverick.
Tingnan ang praktikal na halimbawang gumagamit ng {{substance}} sa Maverick:
Dagdag pa, nagdagdag ang Maverick ng mga “one-click” na workflow para madaling mag-import ng mga model mula sa {{substance}} 3D Painter, kaya madali para sa mga artist na paliwanagin at i-render ang kanilang mga model at material sa makatotohanang kalidad.
Panoorin ang mga tutorial ng Maverick sa YouTube
Mga Link sa Suporta:
Magpadala sa gorilla@maverickrender.com
Mag-chat sa website namin www.maverickrender.com