{{adobe-substance-3d}} sa VRED
Native na naka-integrate ang {{substance}} sa VRED
Ang Autodesk VRED ay isang software sa 3D Visualization na tumutulong sa mga designer at inhinyero na gumawa ng mga presentasyon ng produkto, pagsusuri at pag-validate ng design, at virtual na prototype gamit ang CPU at GPU raytracing.

Isang mahalagang bahagi ng VRED ang kakayahang magbigay ng mga tumpak na material at texture para mapahusay ang pagiging makatotohanan ng mga na-render na image. Naka-integrate sa VRED ang Substance Engine para magbigay-suporta sa lahat ng material ng {{substance}}.
Walang hirap na mag-import ng kahit anong material ng {{substance}} at i-edit ang mga naka-embed na preset at parameter sa loob ng VRED Material Editor para magpakita ng walang hanggang variation nang real-time, hanggang sa mahanap mo ang perpektong setting. Sinusuportahan ng VRED ang Substance Engine sa CPU at GPU mode, nang may mga resolution na hanggang 8K sa GPU mode.