Adobe Illustrator
Substance 3D Stager
Substance 3D Assets

I-blend ang Adobe Illustrator sa kakayahan ng Substance 3D.

Gumawa ng photorealistic na mockup na may naka-customize na packaging.

Nagbibigay ng kumpiyansa ang Adobe Substance 3D sa mga creative na magpakita ng mga design sa totoong buhay.

Pahangain ang mga kliyente mo sa mga makatotohanang mockup na nagpapakita ng mga design mo nang may konteksto mula sa anumang anggulo. Humingi ng pag-apruba sa mas madaling paraan at mas mabilis na makatapos.

Mag-design ng logo sa Illustrator.

Gumawa ng natatanging logo sa Illustrator o pumili ng kasalukuyang design. Direktang gumagana ang workflow na ito sa mga Illustrator at Photoshop file.

Pumili ng 3D packaging model at mga material sa library.

I-browse ang malaking koleksyon ng mga 3D packaging model sa library ng mga 3D asset ng Adobe Substance. I-download ang selection mo sa iyong device. Pagkatapos, pumili ng mga premade na material mula sa library para bigyan ng buhay at kulay ang mga object mo.

Ilagay ang mga object mo at i-set up ang scene mo sa Stager

Magbukas ng bagong proyekto sa Adobe Substance 3D Stager. Mula sa Mga Starter Asset, i-drag at i-drop ang object na Cloth Backdrop sa scene. I-import ang model mo sa scene. I-rotate, ilipat, at i-adjust ang scale kung kinakailangan gamit ang mga tool sa pagbabago.

Ilagay ang mga material, lighting, at logo mo gamit ang Decal mode

I-import ang mga na-download mong material sa proyekto at i-drag at i-drop ang mga ito sa bawat object. Pumili ng isa sa mga lighting preset para itakda ang scene. Piliin ang 3D object, gamitin ang File > I-import > Ilagay ang image sa model para ilagay ang logo mo, at pagkatapos ay ilagay at i-scale ito sa surface ng model gamit ang tool na Piliin.

I-capture ang scene at i-render ang pinal na image mo

Piliin ang perpektong anggulo ng camera at ilagay ito sa gusto mong posisyon. Pagkatapos, mag-navigate sa window na I-render. Gamit ang mga default na setting, i-render ang pinal na image mo.

Ipakita ang design ng packaging mo gamit ang Substance 3D.

Bigyan ang mga designer ng ganap na creative control gamit ang walang katapusang creative variation at makatotohanang visualization sa loob ng ilang segundo.

Artwork nina Justin Patton at Maximilien Vert

SUBSTANCE 3D STAGER

I-set up ang perpektong shot.

Kunin ang Adobe Substance 3D Stager bilang bahagi ng Substance 3D Collection plan sa halagang   .

Icon ng Modeler
Icon ng Sampler
Icon ng Designer
Icon ng Painter
Icon ng Stager
Icon ng Mga Asset

I-explore ang Substance 3D Collection