Sumagot, lumagda, at magbayad. Napakadali na lang nito.
Sa mga pagbabayad sa Acrobat Sign, madali na lang para sa mga customer na kumumpleto ng mga transaksyon sa form, mula sa simula hanggang sa katapusan, sa kahit anong device.
Mabayaran nang mas mabilis gamit ang Acrobat Sign.
Naka-integrate ang Braintree, isang serbisyo ng PayPal, sa bagong serbisyo namin na nagpapadali sa pagkolekta ng mga pagbabayad mula sa mga customer mo — kapag sumagot at lumagda mismo sila ng mga form.
Magpaalam na sa mga pagkaantala sa koleksyon.
Ngayon, secure ka nang makakapangolekta ng mga fee ng kontrata, donasyon, online na order, at marami pa — nang walang anumang abala.
Pabilisin at gawing ganap na digital ang proseso mo.
Tumanggap ng mga pagbabayad tulad ng mga credit card, debit card, at PayPal.
Pasayahin ang mga customer sa buong mundo.
Bilang isang merchant sa isa sa 44 na sinusuportahang bansa ng Braintree, pwede kang tumanggap ng mga multi-currency na pagbabayad.
Mag-prompt ng mga pagbabayad para sa bawat negosyo.
Napakaraming pagkakataon para gumawa ng napakahuhusay na customer experience sa pamamagitan lang ng pagbibigay-daan sa mga customer mo na lumagda ng mga form, mag-order, at magbayad sa isang simpleng proseso.
Sales
Mga kasunduan sa sales at lease
Mga invoice
Mga serbisyong pinansyal
Mga bagong application sa account
Mga patakaran at premium sa insurance
Marketing/Mga Nonprofit
Mga pagpaparehistro sa event
Kawanggawang donasyon
Procurement
Mga purchase order
Pamahalaan
Mga license permit
Mga service fee
Maliit na negosyo.
Accounting at paghahanda ng buwis
Serbisyo ng contractor
Madali para sa iyo. Madali para sa mga kliyente mo.
Makakalagda at mababayaran ka ng mga customer sa ilang click lang. At pwede nilang piliin ang paraan ng pagbabayad na gusto nila.
Mapapanatag ka, seryoso kami sa seguridad.
Parehong sumusunod ang Acrobat Sign at Braintree sa PCI DSS na pamantayan sa payment card industry para tumulong na protektahan ang data sa pagbabayad ng customer.
Magsimula kaagad.
Ang kailangan mo lang ay inaprubahang merchant account sa Braintree. Ilagay lang ang impormasyon sa Braintree merchant account namin online at makakapagsimula ka nang mabilis.
Marami ka pa bang gustong malaman?
Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.
FAQ sa Mga Pagbabayad sa Braintree at Acrobat Sign
Ano ang Braintree at paano sila nagpapatakbo ng negosyo?
Ang Braintree ay isang serbisyo ng PayPal at isa sa mga nangungunang payment gateway provider sa buong mundo, na nagbibigay-daan sa mga malaki at maliit na negosyo na secure na tumanggap ng mga pagbabayad online. Ginagamit ng mga customer ang paraan ng pagbabayad na gusto nila, kabilang ang mga credit card, debit card at PayPal. Pwedeng magbago ang mga opsyon depende sa bansa. May mga naaangkop na karagdagang fee para sa pagpoproseso ng mga transaksyon sa pamamagitan ng Braintree. Basahin ang FAQ sa Braintree.
Kailangan ko bang mag-sign up sa Braintree para gamitin ang mga pagbabayad sa Acrobat Sign?
Oo. Nag-a-apply ang mga kumpanya para maging mga merchant ng Braintree at dapat silang sumang-ayon sa lahat ng tuntunin. Pagkatapos ay secure na nagli-link ang Acrobat Sign sa online Braintree merchant account mo. Mag-sign up sa Braintree; may mga naaangkop na karagdagang fee. Suriin ang mga legal na tuntunin.
Ano ang online na serbisyo sa pagbabayad ng PayPal?
Ang PayPal ay ang sikat na online na serbisyo sa pagbabayad na ginagamit ngayon. Iparehistro ang credit card, debit card, o checking account mo sa PayPal, at pagkatapos ay piliin ang PayPal bilang paraan mo ng pagbabayad kapag bumibili online.
Makakakuha ba ako ng Braintree merchant account sa bansa ko?
Kung nasa alinman sa 44 na bansa sa listahan namin ang negosyo mo, handang makipagtulungan sa iyo ang Braintree. Tingnan ang listahan ng bansa.
Sino-store ba ng Adobe ang impormasyon sa pagbabayad ng mga customer ko?
Hindi. Hindi nagso-store ang Adobe ng data sa pagbabayad. Parehong sumusunod ang Acrobat Sign at Braintree sa PCI DSS na pamantayan sa payment card industry, na tumutulong na tiyaking nananatiling secure ang data sa pagbabayad ng mga customer mo. Alamin pa ang tungkol sa Braintree at pagsunod sa PCI.