Higit pang mga katanungan sa lagda? Narito ang mga sagot sa iyo.
Ano ang isang orihinal na lagda?
Ang isang "originally signed" o "original signature" ay naglalarawan ng isang lagda na hindi pinarami mechanically o electronically. Sa ibang salita, ibig nitong sabihin na may sumulat ng lagda nila, nang personal at gamit ang kanilang sariling kamay.
Ano ang isang signature release?
Ang isang signature release form — online man o sa papel — ay nagbibigay-daan sa nilalayong recipient ng isang shipment na tanggapin ito nang hindi nangangailangan ng lagda. Nagbibigay-daan ito sa mail carrier o courier na iwan ang sulat o parcel sa delivery address nang hindi na nangangailangan ng pisikal na lalagda para rito.
Kailangang bang cursive ang isang lagda?
Kinaugalian na ng mga tao na lumagda nang cursive, pero walang legal na pangangailangan na ang isang lagda ay dapat na nasa ganoong estilo. Ang mas mahalaga ay kung anong marka ang piniling gamitin ng lalagda — cursive man o naka-print na pangalan, thumbprint, selyo, o kahit isang simbolo — na maliwanag na nagve-verify ng kanilang pagkakakilanlan. At sa paglalagay nito sa dokumento, ipinahahayag ng lagda ang kanilang intensyon na pumayag sa mga nilalaman nito.
Anong ibig sabihin ng “wet signature”?
Ang isang wet signature ay nakagawa ka ng imprenta sa isang pisikal na piraso ng papel. Sa madaling salita, “lumagda” ka sa isang dokumento gamit ang isang ballpen, selyo, o ibang marka na nagbibigay pagkakakilanlan. Bagaman naging mas karaniwan ang mga e-signature, may mga pagkakataon na ang pagpirma ng mga will, trust, pag-aampon, divorce preceeding, at marami pa kung saan patuloy na kinakailangan ang mga wet signature. Dagdag pa rito, sa US, kinakailangan ng isang notary public ang isang wet signature upang ma-verify ang pagkakakilanlan ng pumipirma.