Mag-edit ng text at mga image.
Manatiling produktibo sa bahay o on the go gamit ang Adobe Acrobat. Ang mga madaling gamiting tool na idinisenyo para sa mga telepono, tablet, at desktop ay magbibigay sa iyo ng kakayahang mag-edit ng text at mga image nang mabilis sa PDF mo kahit saan. Pwede kang mag-flip, mag-crop, mag-resize, o magpalit ng mga image, magdagdag ng text, at mag-ayos ng mga typo para matiyak na perpekto ang PDF mo nang walang kahirap-hirap.

Mag-annotate ng mga PDF.
Magkomento at mag-mark up ng PDF na dokumento gamit ang mga tool sa pag-edit na magbibigay-daan sa iyong mag-type, mag-highlight o mag-underline ng text, at gumamit ng mga freehand na drawing at marking — kahit saan sa file.

I-compress ang file mo.
Hindi lang ang mga pagbabago sa content ang nag-iisang paraan para ma-edit mo ang mga PDF file. Kung mayroon kang file na masyadong malaki para i-send, i-compress lang ito. Kapag binawasan ang laki ng file, mas madaling i-share ang PDF mo para sa mas mahusay na collaboration.

Mag-extract at mag-edit ng text gamit ang OCR.
Ang built-in na teknolohiya namin ng optical character recognition (OCR) ay may kakayahang mag-extract ng text mula sa anumang scan at i-convert ito sa nae-edit na PDF. Pwede kang maghanap sa text sa PDF mo para maghanap ng mga salita o parirala at mag-edit on the spot. Matutukoy din ng OCR ang mga font at formatting, para tumugma ang PDF sa orihinal mong dokumentong papel.

Mag-merge at mag-split.
Sa ilang click lang, pwede kang magsama-sama ng maraming file para makagawa ng isang PDF — o gawin ang kabaligtaran at mag-split ng isang file sa maraming PDF file.

Sa Acrobat, pwede ka talagang gumawa kahit saan.
Mag-edit ng mga PDF kahit saan, sa kahit anong device nang walang kahirap-hirap. Gamit ang Acrobat, magkakaroon ka kaagad ng access sa mahahalagang PDF tool na kailangan mo — sa desktop, mga mobile device, at web. Tingnan kung gaano kadaling mag-edit, gumawa, mag-share, mag-ayos, at maglagay ng e-sign sa mga PDF on the go.
Subukan ito online.
Pwede mong subukan ang ilan sa mga PDF tool namin ngayon mismo — online, on the spot. Tuklasin kung gaano kadali at kahusay gumamit ng mga PDF sa Adobe Acrobat.
Mag-compress ng mga PDF
I-compress muna ang malaking file para ma-share ito.
Mag-merge ng mga PDF
Gawing isang PDF ang maraming file.
Mag-annotate ng mga PDF
Magkomento, gumawa ng mga tala, at gumawa ng mga marking sa anumang PDF.
Umasa sa Adobe. Kasama ng limang milyong organisasyon.
Adobe Document Cloud ang pinipili ng milyon-milyong organisasyon sa buong mundo para sa mga makabagong tool para gumawa, mag-edit, at mag-convert ng mga PDF. Pahusayin ang collaboration at panatilihing tuloy-tuloy ang negosyo gamit ang mga digital na dokumento at workflow mula sa Adobe — ang kumpanyang nag-imbento ng PDF format.
Magkaroon ng higit na kakayahan.
Ang Acrobat Pro ang all-in-one na tool sa pag-edit ng PDF na pwede mong dalhin para mag-edit ng mga PDF na dokumento sa desktop, web, at mobile. Gamit ang lahat ng kakayahang iyon sa isang package — at cross integration sa lahat ng Adobe application — walang makakapigil sa iyo.
Acrobat Pro
Taunang subscription, magkansela sa loob ng 14 na araw para sa buong refund. Windows at Mac.

Secure na transaksyon