Adobe Acrobat
Ayusin ang mga gamit mo.
Alamin kung paano mag-ayos at baguhin ang ayos ng mga page ng PDF mo nang mabilis, madali, at tuwing kailangan mo.
Gamit ang Adobe Acrobat, napakasimple lang na ayusin ang PDF file mo at gawing dokumentong propesyonal tingnan. Baguhin ang ayos ng mga page ng PDF at ayusin ang mga page na iyon sa paraang gusto mo, lahat sa loob lang ng ilang segundo.
Mag-ayos ng mga page
Mag-drag at mag-drop ng mga thumbnail ng page para ayusin ang mga ito sa paraang gusto mo. Pwede mo ring baguhin ang ayos ng mga page pagkatapos pagsama-samahin ang maraming PDF.
Baguhin ang ayos ng mga page
Mag-delete, baguhin ang ayos, at mag-ayos ng mga page ng anumang PDF na dokumento, anumang laki ng file, kahit saan, sa anumang browser o gamit ang Acrobat Reader mobile app.
Maglagay ng mga file
Mag-drag at mag-drop ng ibang file sa orihinal na dokumento mo para mag-merge ng PDF. I-drop lang ang bagong file sa thumbnails view, at pagkatapos ay baguhin ang ayos ng mga isahang page o isang hanay ng mga page para magawa ang perpekto at bagong PDF file para sa mga pangangailangan mo.
Paano baguhin ang ayos ng mga page sa PDF:
- Buksan ang tool na “Mag-ayos ng Mga Page mula sa menu sa itaas o sa kanang pane (Mga Tool > Mag-ayos ng Mga Page)
- Pumili ng isa o mas marami pang thumbnail ng page (nasa ilalim ang bilang ng page). Gamitin ang Shift para pumili ng hanay ng page.
- Gawin ang isa sa mga sumusunod:
- Mag-drag at mag-drop ng mga page para baguhin ang ayos ng mga page ng PDF sa paraang gusto mo.
- Kumopya ng page sa pamamagitan ng pag-click sa thumbnail at paggamit ng Ctrl+drag para i-drop ito sa pangalawang lokasyon.
- I-save ang file mo. Pumili ng folder o i-click ang “Pumili ng Ibang Folder” at mag-navigate sa folder na gusto mo. Pangalanan ang dokumento mo at i-click ang “I-save.”
Mga nauugnay na feature
Mas masulit pa ang Adobe Acrobat gamit ang mga tip na ito:
Mag-merge ng maraming file sa PDF ›
Mag-delete ng mga page sa PDF ›
Subukan ito
Tingnan ang madaling gamitin na online na tool namin para mabilis na baguhin ang ayos ng mga page — ngayon mismo, sa browser mo.