Mga design ng envelope na may dating.

Alamin kung paano i-level up ang stationery mo o bigyan ng magandang bentahe ang brand mo gamit ang mga malikhaing design ng sobre.

Nakaayos ang maraming sobre nang magkakatabi

Ano'ng nasa sobre?

 

Bagama't pinapadali ng email, mga text message, at social media ang pakikipag-ugnayan, mahalagang paraan pa rin ang hand-delivered mail para makipag-ugnayan ang mga brand at indibidwal. Mula sa mga bank statement hanggang sa mga birthday card hanggang sa mga coupon mula sa lokal na tindahan ng grocery mo, makikita ang direktang mail. Ang isang paraan para mapahusay ang design ng pagkakakilanlan ng brand at mga marketing material mo ay sa pamamagitan ng custom na sobre.

 

Makakatulong ang elegante at minimalist na sobre sa kumpanya mo na gumawa ng mahusay at propesyonal na unang impression. Magagawa ng maliwanag na sobreng may mga illustration at graphics na hindi malilimutan ang brand mo at matutulungan ka nitong mamukod-tangi. Sa alinmang paraan mo ito gawin, isama ang mga kulay ng brand mo o design ng logo ng kumpanya mo sa sobre na makakatulong na mapataas ang pagkilala sa brand.

 

Mag-design ayon sa mga panuntunan.

Sa aktwal na mail, may ilang panuntunan at regulasyon na dapat tandaan. Kailangan mong mag-iwan ng tamang espasyo para sa address at mga stamp. Kung masyadong malaki o masyadong mabigat ang sobre mo, nanganganib itong awtomatikong maibalik sa tagapadala.

 

Masasabi ito para sa pagsasama ng mga wax seal sa labas o sa lokasyon ng clear plastic na puwang sa isang window envelope. Nag-iiba ang mga detalyeng ito depende sa laki ng mailer, kaya bago mo simulan ang proseso ng pag-print, tiyaking nakakasunod ang design mo sa mga panuntunan sa koreo.

Isang bukas na sobreng may bahagyang nakalabas na stationery
Ang harap at likod ng custom na design ng sobre

Iba't ibang uri ng mga custom na sobre.

 

Iniuugnay ng mga tao ang iba't ibang laking sobre sa iba't ibang uri ng mail. Ang sulat mula sa bangko mo ay ibang-iba sa imbitasyon sa charity gala. Nagagawa ng mas mabigat na papel na magmukhang mas opisyal, de-kalidad, at pasadya ang sobre, samantalang mukhang mas pangkaraniwan ang magaan at manipis na sobre. Malaki ang maipapahiwatig ng laki ng sobre at kalidad ng papel. At walang iisang sobre na babagay para sa lahat ng pangangailangan mo sa pag-mail o pagmemensahe.

 

Mga business mailer

Ang mga opisyal na bill at packet ng impormasyon ay mga halimbawa ng mga business mailer. Sa iba't ibang content, kadalasang kailangan ng mga negosyo ng ilang iba't ibang laki ng karaniwang sobre. Kapag magde-design ng sarili mong sobre, tiyaking pare-pareho sa lahat ng materyal ang mga kulay ng kumpanya mo. Mamuhunan sa de-kalidad na pag-print para palaging maayos at malinaw ang logo ng brand at return address.

 

Mga imbitasyon sa event

Kapag nag-design ka ng mga imbitasyon para sa mga auction ng kawanggawa, event sa networking, o party sa negosyo, kadalasang naka-customize ang sobre para tumugma sa mga nilalaman. Ito man ay kaunting scroll effect sa sulok, tumutugmang sticker, o splash ng kulay sa font, tiyaking magkakaugnay ang mga design mo. Kung kailangan mo ng lugar para magsimula, i-browse ang ilang libreng template para kumuha ng ilang ideya sa design at maipagpatuloy ang pagkamalikhain mo.

 

Mga notification card

Ang mga paalala sa appointment, pagbati sa holiday, at note card ng pasasalamat ay nakapaloob lahat sa partikular na uri ng sobre, at malalaman mo ito kapag nakita mo ito. Ito man ay matingkad na kulay o mas parisukat ang hugis, namumukod-tangi ang greeting card sa tumpok ng mail mo. Dahil kadalasang medyo magkakaiba ang laki ng mga card na ito, tiyaking tumutugma ang mga ito sa laki ng sobreng ide-design mo.

 

Sa mas partikular na hugis ng mga ito, pwedeng maging magandang paraan ang mga greeting card para makakonekta ang mga brand sa audience ng mga ito. Kung gusto mong bigyan ng reward ang matagal nang customer, halimbawa, pag-isipang magdagdag ng naka-personalize na note o maliit na gift card. At h'wag matakot na magdagdag ng ilang element ng graphic design sa labas ng mga sobre ng notification mo. Gusto mong mamukod-tangi ang mga ito sa iba pang mail, kaya gawing kakaiba ang mga ito. Matutulungan ka ng mga kaunting detalyeng ito na dalhin ang direktang mail sa marketing plan mo.

Ang harap at likod ng custom na design ng sobre

Paano gumawa ng custom na sobre.


Sundin ang mabilis na tutorial na ito para bumuo at mag-design ng sarili mong sobre para sa kahit anong gusto mong ipadala.

1. Maghanap ng inspirasyon ng design.

I-explore ang mundo ng design ng envelope sa Behance at tingnan kung paano binibigyang-buhay ng iba pang creative ang mga brand nila.

2. Mag-browse ng mga template ng sobre.

Kapag alam mo kung ano ang laki at style na gusto mo, tingnan ang mga nae-edit na template ng design sa Adobe Stock para simulan ang design mo.

Pag-design ng custom na sobre sa Adobe InDesign

3. I-personalize ang design mo.
Buksan ang template mo sa Adobe InDesign at i-adjust ito para maisama ang pangalan, address, mga kulay ng brand, at logo ng kumpanya mo.

4. I-save ang design ng sobre mo.

I-save ang sobre mo para ma-edit mo ito nang walang kahirap-hirap sa ibang pagkakataon. Pagkatapos, i-export ito bilang image file para i-print ito.

5. Lagdaan, selyuhan, at ipadala.

Kapag alam mo kung ilang sobre ang kailangan mo, i-send ang mockup mo sa isang envelope print shop. Kapag naihanda na ng printer ang mga ito, oras na para i-mail ang mga sobreng iyon.

Gawin ang design ng stationery mo. 


Pagdating sa pagbuo ng pangkumpanyang pagkakakilanlan ng brand mo, dapat magkakaugnay ang lahat ng marketing material — at isang piraso lang ng puzzle ang mga sobre. Kakailanganin mo ring bumuo ng design ng business card, design ng packaging, at stationery ng kumpanya. At kung ide-design mo nang sabay-sabay ang lahat ng materyal, mabibigyan nito ng bentahe ang brand mo. 

 

Magsimula sa pamamagitan ng pag-explore sa mga tutorial sa letterhead na ito para matiyak na magkatugma ang laman ng sobre mo at ang design sa labas. At kapag natapos mo na ang stationery ng kumpanya mo, gawing mga template ang mga design mo na mako-customize ng buong team mo.

Mag-explore ng mga app na nagbibigay ng mga tool para mag-design ng mga propesyonal na sobre.

Logo ng InDesign
Logo ng Illustrator

Piliin ang plan mo ng Creative Cloud para sa mga team.

Ang lahat ng plan ay may kasamang Admin Console para sa madaling pag-manage ng lisensya, 24/7 na tech support, unlimited na job posting sa Adobe Talent, at 1TB na storage.

Single App

  


Ikaw ang pipili ng gusto mong Adobe creative app tulad ng Photoshop, Illustrator, lnDesign, o Acrobat Pro.*

PINAKASULIT

All Apps

  

 

Makakuha ng 20+ Adobe creative app kasama ang Photoshop, Illustrator, InDesign, Adobe Express, XD, at marami pa.

Ipinapakilala ang Pro Edition ng Creative Cloud para sa negosyo. Lahat ng app na gusto ng mga team, may unlimited na Adobe Stock na ngayon. Alamin pa

 

 

 Tumawag +65 3157 2191 o humiling ng konsultasyon

May mga tanong? Mag-chat tayo.

Bibili para sa malaking organisasyon? Alamin ang tungkol sa Creative Cloud para sa enterprise


* May kasamang 100GB na storage ang mga single app ng Acrobat Pro, Lightroom, at InCopy.