Itakda ang tone.

Mahirap makakita ng natatanging logo — at mas mahirap itong gawin. Kung kailangan mo pa ng inspirasyon tungkol sa kung paano gawing katangi-tangi ang logo ng kumpanya mo, subukan ito sa 3D. Pero pag-isipan muna ang tone na gusto mong ipakita ng logo mo.

“Kailangan mong mag-ingat dahil may kasamang tone ang mga 3D logo,” sabi ng designer na si Ashley Lippard. “Epektibo ang mga 3D logo sa mga kumpanyang napakakumplikado, na nangangailangan ng higit pa sa hugis para ilahad ang kanilang kuwento.”

Iyon ang dahilan kaya napakaraming tech company ang gumagamit ng mga design ng 3D logo: Ipinapahiwatig ng mga detalye na may higit pa sa ginagawa nila kaysa sa unang nakikita. Nagbibigay din ang mga 3D logo sa mga brand na may mga flexible na pagkakakilanlan ng kalayaang i-morph at baguhin ang mga ito sa iba't ibang medium. Isaalang-alang ito habang ginagawa mo ang sarili mong logo.

Sumangguni sa gawa ng mga kakumpitensya para madagdagan ang creativity mo. Kapag nakahanap ka na ng direksyon, ilagay sa papel ang anumang maiisip mo. “Mag-sketch nang mag-sketch,” sabi ng designer na si Lenore Ooyevaar. “Dapat magsimulang mag-sketch ang mga graphic designer para lang dumaloy ang mga ideya.” Maghanap sa Google, Instagram, at Pinterest ng mga ideya at inspirasyon. Kung magustuhan mo nang husto ang isa sa iyong mga sketch, madali mo itong magagawang vector drawing gamit ang Image Trace tool sa Illustrator.

Collage ng iba't ibang design ng 3D logo

Makakatulong ang mga moodboard na gabayan ang creative na proseso; gumawa nito para simulan ang mga ideya mo para sa logo. Tandaan ang lahat ng element na kakailanganin mong isama sa iyong bagong logo, kabilang ang pagkakakilanlan ng brand. Kung psychedelic at surreal ang moodboard mo, dapat kang tumuon sa abstract na logo. Kung maliwanag at malinis ito, subukan siguro ang mas direktang logo ng negosyo.

Kapag mayroon ka nang koleksyon ng mga ideya, bawasan ito sa tatlo o limang opsyon na patok sa iyo at gawing pulido ang mga ito.

Isang 3D shape na ginamit bilang logo
Design ng 3D logo na mukhang titik "U"
#EBF3F9

Mag-cast ng mahabang shadow.

Ano ang ilan sa mga element na ginagawang 3D ang isang logo? Isa roon ang mga shadow; nagdaragdag ng complexity at depth ang mga ito sa anumang structure na ginagawa mo. “Pwedeng magdagdag ng dimension ang kaunting shadow,” sabi ni Ooyevaar. “Kung may space sa pagitan ng object at ng shadow, nagmumukha itong lumulutang. Pwede mong ipakita ang drama ng depth gamit ang isang shadow.”

Pero huwag lang umasa sa mga simpleng shadow. Maraming illustrator ang iniisip na kung gagamit sila ng mga drop shadow, visual effects na mukhang shadow ng isang object, awtomatiko nang magiging three-dimensional ang image nila. Hindi masasabing talagang ganoon iyon.

“Hindi nakakagawa ng 3D logo ang mga drop shadow. Pwedeng epektibo ang mga drop shadow sa loob ng structure ng logo. Pero naglalagay ng drop shadow ang mga tao, pagkatapos ay bigla na lang nilang iniisip na lumulutang at 3D ito, pero hindi,” sabi ni Lippard.

Para magmukhang totoo ang mga shadow mo, iwasan ang premade na 3D effects. Pag-eksperimentuhan ang mga flat na hugis sa Adobe Illustrator para mas maunawaan mo kung ano ang magiging hitsura ng mga shadow sa logo mo bago ka magsimula.

Sa kabilang banda, magdagdag ng mga highlight sa sarili mong 3D logo para maging mas kapansin-pansin ang mga shadow. Tandaan lang, huwag itong sobrahan. Hindi mo gustong maging masyadong nakakagambala ang logo mo kapag ginamit ito, sa mga business card man o billboard.

“Kailangan mong magkaroon ng light touch, malayo ang mararating ng kaunti,” sabi ni Ooyevaar.

Hanapin ang tamang angle.

Mahalagang element ng 3D effect ang mga angle. Ginagawang kapansin-pansin ng mga ito ang drama ng makatotohanang hitsura na sinusubukang gawin ng mga 3D logo. Mag-explore ng iba't ibang posisyon para mas magpakita ng range at scope. Gamitin ang Google para pag-aralan ang mga propesyonal na 3D logo at tingnan kung paano ipinoposisyon ng ibang designer ang gawa nila. Kapag may ideya ka na kung ano ang gusto mong gawin, magpursigi ka.

3D logo ng makulay na box

“Kung kukuha ka ng cube at babaligtarin ito, simple lang iyon. Pero napakarami mo pang pwedeng gawin, tulad ng pagpapakita ng mga transparency at pagpapakita ng mga nasa loob. Paano gumagana ang 3D object na iyon sa space — ang space ay tumutukoy sa logo? Kapag binago kung saan nakalagay ang logo, magiging mas interesante ito,” sabi ni Lippard.

I-sketch ang mga ideya mo bago ka magsimula sa Illustrator. Subukang gamitin ang Perspective Grid tool, na partikular na binuo para tumulong sa 3D design, o gumawa ng model gamit ang isang 3D logo creator. Kapag mayroon ka nang likas na pag-unawa sa kung ano ang magiging hitsura ng logo mo, huwag matakot na paghaluin ito o bawasan ito.

“Kung talagang nauunawaan mo nang mabuti ang hugis, pwede kang mag-alis ng mga bagay at pasimplehin ito,” sabi ni Lippard. “Pero kung gayon, paano mo mapapasimple ang 3D object na iyon nang sapat para madali itong matandaan pero napapanatili pa rin ang 3D effects? Pwede mong alisin ang mga shadow at highlight at gawin itong mas graphic. Mag-ingat lang na hindi ito masyadong kumplikado at mahirap gamitin.”

3D design ng mga numero
3D logo ng numero 3

Mag-iwan ng marka mo.

Gamit ang Illustrator, makakagawa ka ng mga 3D logo — nasaan ka man. Narito ang Illustrator sa iPad sa tuwing magpaparamdam ang creativity. Ang mahuhusay na drawing tool, na pinapagana ng Adobe Sensei, ay magbibigay-daan sa imahinasyon mo na maging malaya. Mag-extract ng mga kulay mula sa isang larawan sa Adobe Photoshop at idagdag ang mga ito sa logo mo, freehand na gumuhit gamit ang isang stylus, gawing vector graphic ang isang hand-drawn na sketch, magpatuloy kung saan ka tumigil sa maraming device gamit ang cloud synchronicity, at marami pa.


Mga Contributor

Ashley Lippard, Lenore Ooyevaar


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade