Napakaraming kulay, napakakaunting oras.

Hindi tulad ng bright blue aquamarine o rich pink magenta, hindi gaanong kilala ang kulay na chartreuse. Sa katunayan, “Sa tingin ko, maraming tao ang hindi alam kung anong kulay ang tinutukoy ng chartreuse,” sabi ng designer na si Emma McGoldrick. Pero hindi na bago ang green-yellow na kulay na ito sa mundo ng design.

Paikot-ikot ang art, design, fashion, at kulay. Ang nauuso ngayon ay nawawala sa kasikatan kinabukasan, at madalas na bumabalik ang mga retro na aesthetic ilang taon pagkatapos malaos ang mga ito. Pero may ilang partikular na hue na pwedeng kumatawan sa buong trend sa design. Halimbawa, ang “millennial pink” ay isang warm na shade ng light pink na nangibabaw sa mundo ng design sa kalagitnaan ng 2010s. At bagama't matagal-tagal nang mayroong chartreuse, sumisikat na naman ito.

Likido sa isang baso na kulay chartreuse
#f1faea

Ano'ng meron sa pangalan ng kulay?

Ipinangalan ang chartreuse sa isang greenish-yellow na liqueur sa France, na orihinal na ginawa ng mga mongheng Carthusian sa unang bahagi ng 1600s. Sa pagsikat ng natatanging inuming ito noong 1800s, naging magkasingkahulugan ang kulay at pangalan ng inumin. Mula roon, napasok ng chartreuse ang pambabaeng fashion at decor, kabilang ang mga feather fan, beaded purse, at silk gown. Partikular na sikat ito noong 1920s, dahil itinuturing itong mapangahas, masigla, at mapanghimagsik.

Gayunpaman, kamakailan lang, “ang talagang naging dahilan kaya ito sinimulang pag-usapan ng mga tao ay ang chartreuse na gown at jacket na isinuot ni Michelle Obama,” paliwanag ng designer na si Emma McGoldrick. “Doon nagsimula ang matinding pagkahumaling sa chartreuse.” Ngayon, ayon sa Etsy, chartreuse ang opisyal na kulay ng 2020.

#f1faea
Iba't ibang yellow-green na color palette

Mga shade ng chartreuse.

Tulad ng iba pang hue sa color wheel, may iba't ibang tint, shade, at tone ang chartreuse. “Ang chartreuse ay talagang kumbinasyon ng mga warm at cool na kulay,” paliwanag ng designer na si Aliza Ackerman. “Mayroong mas bagong tagsibol at retro na dating ang mga mas berdeng shade ng chartreuse, habang pwedeng medyo mas masigla ang mga dilaw na shade ng chartreuse. Sa pangkalahatan, isa itong kulay na talagang nakakawala ng pangamba at nakakapagpasigla. Kinakatawan nito ang buhay, paglago, at sigla.”

Ang ilang halimbawa ng chartreuse ay mas matingkad, gaya ng lime green o apple green. Ang iba ay mas banayad at muted, gaya ng pistachio o avocado green.

Paano gamitin ang chartreuse.

Matingkad at nakikita.

Ang mga kulay na nakikita at nae-experience natin ay resulta ng kung aling mga wavelength ng liwanag ang nagre-reflect sa mga bagay at bumabalik sa ating mga mata. Pagkatapos, isinasalin ng mga rod at cone sa mata ng tao ang impormasyong iyon at tina-transmit ito sa utak. Dahil dito, may ilang partikular na kulay na mas madali para sa atin na makita at maunawaan. “At chartreuse ang kulay sa spectrum na pinakanakikita ng mata ng tao. Kaya magandang desisyon sa design na gamitin ang kulay na iyon bilang isang call to action o para i-accent ang isang bahagi na gusto mong makahimok ng pansin,” paliwanag ni Ackerman. Isaalang-alang ang kulay na chartreuse sa susunod na mag-design ka ng app o website.

Mga nababagay na color palette para sa chartreuse

Mga makatawag-pansing kumbinasyon ng kulay.

Pinakamainam gamitin ang chartreuse bilang highlight o accent na kulay. Dahil maraming shade ang medyo matingkad at makatawag-atensyon, pwedeng mabigla ang tumitingin kapag ginamit ito bilang pangunahing kulay. “Sa halip, ipares ang chartreuse sa isang warm na dark gray o parang ganoon,” sabi ni Ackerman. Kapag nagdagdag ka ng mga mas neutral o kalmadong hue sa iyong system ng kulay, gaya ng cream, black, gray, o blue, magagawa mong i-tone down ang matitingkad na shade o i-highlight ang contrast. Mag-eksperimento lang sa iba't ibang shade at tone, at tingnan kung ano ang pinakanababagay para sa design mo.

Mga kulay ng pintura sa dingding at dekorasyon sa bahay.

Bukod sa web design at mga illustration, magandang opsyon din ang chartreuse para sa mga color scheme ng interior design. Ang Pantone color na Bright Chartreuse ay paborito ng marami nitong huli. “Pero tandaan, ibang-iba ang hitsura ng chartreuse sa iba't ibang medium, digital man, sa fashion, o pintura,” paliwanag ni McGoldrick. Kaya bago ka pumili ng mas madilim na berdeng chartreuse para sa iyong dining room, o isang matingkad na chartreuse yellow para sa living room, kumuha ng mga sample at tingnan kung ano ang pinakabagay sa espasyo, lalo na kung plano mong kumuha ng mga larawan para sa real estate.

Matingkad at masigla ang kulay na chartreuse, at dahil sa napakalawak na hanay ng mga shade at hue, isa itong versatile na kulay para sa mga pangangailangan mo sa design. Kaya kung isasama mo ang chartreuse sa susunod mong design ng website, digital drawing, o still life na larawan, gamitin ang Adobe Creative Cloud para i-fine tune ang lahat ng proyekto mo at hanapin ang perpektong shade ng chartreuse.


Mga Contributor

Emma McGoldrick, Aliza Ackerman


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade