DESIGN
Isang panimula sa design ng flat na logo.
Pinagsasama ng two-dimensional na style ng design na ito ang pagiging simple, minimalism, at modernong dating para sa isang logo na namumukod-tangi sa karamihan. Tuklasin ang mundo ng flat na design at alamin kung paano gumawa ng sarili mong flat na logo.
Flat ang bagong kamangha-mangha.
Posibleng isang logo na flat ang talagang kailangan mo para ma-boost ang brand mo. Ang isang design ng flat na logoay two-dimensional, simple, at nakabatay sa silhouette, na madalas na dine-design nang walang highlight, shadow, o kumplikadong detalye.
Mula Instagram hanggang Spotify, Netflix, at Apple, malamang na lumipat sa flat na logo ang mga paborito mong brand sa isang punto sa kanilang kamakailang kasaysayan. At madaling maintindihan kung bakit: Hindi makalat, moderno, at simpleng maunawaan ang mga flat na logo. Kailangan mo mang mag-update ng kilalang brand o gusto mo lang maging bihasa sa mga pangunahing prinsipyo ng flat na design, kunin ang mga tip na kailangan mo para magsimula sa susunod mong flat na logo.
Mga benepisyo ng design ng flat na logo.
Nababasa
Ang mga logo ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga customer at pagkakakilala sa brand. “Kailangan mong mabilis na makipag-ugnayan, at para magawa ito, kailangang simple ang logo mo,” sabi ng designer na si George Bokhua. “Kapag mas maraming impormasyon sa logo, mas maraming oras ang kailangan para iproseso ito, at mas humihirap ang pakikipag-ugnayan.” Dito pumapasok ang mga flat na logo. Alisin ang dimensional depth, mga highlight, mga shadow, texture, at mga kumplikadong detalye, at may maiiwan sa iyong mas simpleng hugis na madaling maunawaan sa isang iglap kung kaya't mas hindi ito malilimutan sa huli.
Flexible
Ang pagiging simple ay nangangahulugan ding madaling i-scale up at down ang mga logo na may flat na design. Kailangang magmukhang maganda ang isang logo ng kumpanya sa lahat ng bagay mula sa isang business card hanggang sa letterhead at icon ng mobile app. Dahil sa mga minimalist na element at kulay ng design nito, ganap na naaangkop ang mga flat na logo na ilipat-lipat sa media na kahit anong laki.
Nasa uso
Hindi lang sobrang praktikal ang flat na design, isa rin ito sa mga pinakasikat na trend sa graphic design sa ngayon. Ang mga pinasimple at two-dimensional na design ay nauugnay sa minimalism, isa pang sikat na pilosopiya ng design. Maraming kumpanya na gustong gawing bago ang kanilang pagkakakilanlan ng brand ang pumipili ng pagbabago ng design na minimalist at flat na logo para matulungan silang magkaroon ng modernong dating.
Mga katangian ng mga design ng flat na logo.
Mga strong na hugis
Ang mga pangunahing geometric na hugis ay ang mga building block ng isang mabisang flat na logo. Katulad ng mga minimalist na logo, ang layunin ay gumawa ng natatanging silhouette nang walang anumang hindi kinakailangang detalye. “Lahat ng di-malilimutang simbolo sa buong kasaysayan — isang krus, isang bituin, isang simbolo ng buwan, o kahit mga painting sa kuweba o mga watawat — flat ang lahat ng ito,” banggit ni Bokhua. “Para tumagal nang husto ang isang logo, kailangan muna nitong gumana nang maayos bilang isang flat na design.”
Simpleng typography
Halos palaging ipinapares ang mga flat na logo sa isang sans serif font. Hindi ka matutulungan ng mga detalyadong font na makuha ang walang kahirap-hirap na di-malilimutan at modernong dating na malamang na gusto mong makuha sa isang flat na logo. Gumamit ng simple at crisp na typeface at panatilihing kaunti lang ang text para sa pinakamalaking epekto.
Contrast at kulay
Nilalaktawan ng mga design ng flat na logo ang mga kumplikadong detalye at depth at sa halip ay binibigyang-diin ang contrast. Kung walang tool gaya ng mga gradient o texture, madali kang makakapag-render ng mga contrast sa kulay para hindi magbi-bleed sa isa't isa ang mga hugis mo.
Panatilihing may isa o dalawang bold na hue ang color palette mo para sa malinis na hitsura. Tandaang kailangan ding magmukhang maganda ang anumang logo sa grayscale, kaya isipin muna kung paano mo maipapahayag ang form mo sa pamamagitan ng mga contrast sa black and white, pagkatapos ay pag-isipan ang mga kulay.
Paano gumawa ng design ng flat na logo.
Magsaliksik
Ang magagandang logo ay hindi nagsisimula sa sketch, kundi sa masusing pananaliksik. Kilalanin nang mabuti ang mga produkto o serbisyong gusto mong i-promote. Kung isa itong trabaho para sa kliyente, itanong ang kasaysayan, misyon, mga pinapahalagahan, kumpetisyon, at target na audience ng kumpanya. Kapag mas marami kang alam tungkol sa organisasyon, mas huhusay ang logo mo dahil magagawa mong isama ang lahat ng impormasyong nalaman mo sa design.
Mangalap ng inspirasyon
Magandang paraan ang mga moodboard para i-conceptualize ang logo mo, i-explore kung ano ang mayroon na, at tulungan ang kliyente mong i-visualize ang art direction. Maghanap sa Behance para mangalap ng inspirasyon sa logo at mga halimbawang design mula sa iba pang artist, at gumawa ng compilation ng mga logo, mga color palette, typography, at imagery na baka magustuhan mong isama sa sarili mong design.
Mag-design
Gumawa ng napakaraming mabibilis na iteration at huwag mag-alala tungkol sa pagiging perpekto. “Magsimula sa isang silhouette,” payo ni Bokhua. “Kailangan mo ng strong na silhouette, pagkatapos ay pangalawa na lang ang anumang ilalagay sa loob ng logo. Tulad ng arkitektura, kailangang makilala ang anumang iconic na istruktura sa pamamagitan ng silhouette nito.”
Kapag nag-sketch ka na ng ilang konsepto, pumili ng ilan na mas bubusisiin pa. “Black and white ko ginagawa ang karamihan sa gawa ko,” sabi ni Bokhua. “Ipinapakita nang black and white ang bawat unang presentasyon sa kliyente. Kalaunang karagdagan ang kulay.” Sa huling bahagi pa ng proseso isaalang-alang ang kulay para ikaw at ang iyong mga kliyente ay hindi maagang maabala ng kulay, para makatuon ka sa design.
Kung ayaw mong magsimula mula sa umpisa, makakuha ng head start gamit ang mga template ng logo o gumamit ng libreng logo maker, na mahusay para sa pag-design nang mabilisan o pagsisimula ng iyong imahinasyon.
Ngayong hawak mo na ang mga susi sa isang magandang flat na logo, handa ka nang gumawa. Kahit na hindi ka siguradong iyon ang gusto mong kahantungan, “kung magaling kang gumawa ng mga flat na logo, magiging mas madali na ring i-design ang iba pang logo,” sabi ni Bokhua. Magsaya, mag-eksperimento, at tuklasin kung saan ka dadalhin ng proseso.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade