DESIGN
I-explore kung paano gumawa ng pixel art.
Nagbigay-inspirasyon ang art style ng Final Fantasy at Super Mario World sa isang bagong henerasyon para gumawa ng retro na digital art. Humuhugot ng ideya ang mga pixel artist sa nakaraan para gumawa ng mga bagong vision at gumawa pa nga ng mga sarili nilang laro.
Paano ka magsisimulang gumuhit ng pixel art?
Ang visual style ng Atari 2600, Nintendo Entertainment System, Sega Genesis, at naunang computer graphics ay nakaimpluwensya — at patuloy na nakakaimpluwensya — sa milyon-milyong creative na isip. Humuhugot ng ideya ang pixel art sa impluwensya at nostalgia na iyon. Mas maganda ang modernong graphical resolution kaysa sa anumang naibigay ng mga mas lumang gaming system, pero mayroon pa ring panghalina ang partikular na aesthetics at emosyonal na kaugnayan ng pixelated na style.
Para gumawa ng pixel art, kailangan mong:
Ano ang pixel art?
Ang pixel art ay hindi lang art na gawa sa mga pixel — isa itong art na nagpapakita ng hitsura ng lumang imagery ng computer at video game. Kasama rito ang lahat mula Pong hanggang Sonic the Hedgehog.
Mas mababa ang resolution ng mga lumang video game — imposibleng itago ang maliliit na parihabang gumawa ng mga mundo ng Space Invaders at Donkey Kong — kaya lumitaw ang pixel art dala ng pangangailangan. Kinailangang mag-innovate ng mga artist na gumagawa ng mga video game noong 1970 at 1980s at kinailangan nilang pasimplehin ang mga image hanggang sa diwa ng mga ito. Kailangang ipahiwatig ng ilang pulang pixel ang sumbrero ni Mario, at kailangang maunawaan ang isa o dalawang pixel bilang mga kamay o mukha niya.
Sa panahon ng 16-bit ng 1990s, naging mas detalyado ang pixel art pero pareho pa rin ang diwa. Nagkaroon ng mas malaking canvas na magagamit ang mga artist, pero gumagawa pa rin sila ng mga indibidwal na pixel — na ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paggawa ng kabuuang image.
Mahirap bang matutunan ang pixel art?
Madaling matutunan ang pixel art, at walang limitasyon sa pwede mong gawin dito. Isa itong anyo ng art na gumagamit ng mga natatangi at simpleng element ng kulay para gumawa ng mga image. Ganito rin ang ginagawa sa cross-stitch, pointillism, at Ben Day process. Tulad ng iba pang medium na iyon, madaling maunawaan ang pixel art, at kapag alam mo na ang mga pangunahing kaalaman, wala nang katapusan ang magagawa mo rito.
Magsimulang gumuhit gamit ang mga pixel.
Nangangailangan ng mataas na antas ng atensyon ang pixel art. Hindi tulad ng isang painter na pwedeng gumamit ng malalapad na stroke, dapat tumuon ang isang pixel artist sa placement ng bawat isang unit sa kanyang image. Ang isang mahusay na pixel artist ay kayang makuha ang pangunahing anyo ng isang subject habang pinapasimple pa rin ito.
Magsimula sa pixel art sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga pixelated na character na hinahangaan mo na mula sa gawa ng mga dating artist. “Ang mga reference mula sa tunay na buhay ay hindi umaangkop sa pixel art nang kasing ganda ng sa iba pang disiplina ng digital art,” sabi ng pixel artist na si Emi Monserrate. “Kailangan mong matuto ng mga paraan ng pagpapasimple ng mga kumplikadong hugis gaya ng mga kamay o ekspresyon ng mukha.”
Pwedeng maging mabusising proseso ang muling paggawa ng classic na pixel art, pero pwedeng makapagbigay-kaalaman ang pagsunod sa landas sa pixel ng ibang artist. Siyempre, hindi mo kailanman dapat angkining sa iyo ang isang bagay na kinopya mo — kapag gumagawa gamit ang dati nang art, i-credit nang tama ang mga creator.
Mga image ni Gerardo Quiroz
Ano ang pinakamagandang software para sa pixel art?
Isang potensyal na pixel editor ang anumang nagbibigay-daan sa iyong maglagay ng mga parisukat sa isang grid. Halimbawa, nasa Adobe Photoshop ang lahat ng pangunahing function na kailangan mo para gumawa ng mga pixel image, at sa Adobe Illustrator, maa-align mo ang gawa mo sa isang pixel grid para makuha ang granular na kontrol na kailangan mo para sa magagandang retro na image.
Anuman ang program na gagamitin mo, gugugol ka ng maraming oras gamit ang mga Pencil and Line tool. Gumagamit ang mga pixel artist ng mga Fill and Brush tool sa gawa nila, pero sa paraang maingat at kaunti lang — napakahalaga ng kaibahang magagawa ng isang pixel. Mahalaga ang kakayahang mailipat ang mga iyon nang kusa at walang kahirap-hirap pagdating sa napili mong software.
Tiyaking iwasang i-save ang pixel art mo bilang JPG. Pinakamainam ang PNG o GIF file. Isa itong karaniwang uri ng file at kadalasang default, pero pwedeng makompromiso ng pag-compress na inilalagay ng JPG ang kalidad ng pixel art at pwede nitong magulo ang pixel-by-pixel na gawa ng artist.
Mga tool na makakatulong sa iyong gumawa ng pixel art.
Ang unang bagay na kailangan mo para gumawa ng pixel art ay isang grid kung saan mo pwedeng ilagay ang iyong mga parisukat ng kulay. Narito ang dalawang mabilis na paraan para gumawa ng grid na iyon, isa sa Adobe Photoshop at isa pa sa Adobe Illustrator:
Gumawa ng pixel art sa Photoshop.
Simple ang paggawa ng pixel art sa Photoshop kapag nag-set up ka na ng canvas na naka-optimize para sa paggawa ng mga pixelated na image.
Gumawa ng pixel art sa Illustrator.
Pagkakaroon ng career bilang pixel artist.
May umuunlad na online na komunidad ang pixel art. Nagbibigay-daan ang mga komunidad tulad ng Behance sa mga artist na i-share ang gawa at mga portfolio nila para maiharap ang gawa nila sa mga potensyal na employer. Palaging masaya ang pagguhit ng mga classic tulad ng Kirby, Pokémon, o Pac Man, pero hinihikayat ng mga social media account tulad ng Pixel Dailies ang mga artist na gumawa ng gawa na batay sa isang theme, gaya ng almusal, epic na hero, biglang paglitaw ng zombie, o pagpapahinga. Pwedeng kaunting inspirasyon ang kailangan mo para magsimulang gumawa ng pixel art.
May demand para sa pixel art, pero may posibilidad itong maging medyo niche. Ang karamihan sa mga ito ay mula sa industriya ng video game. Ginagaya ng marami sa mga modernong video game tulad ng Shovel Knight at Enter the Gungeon ang NES-style graphics, kahit na idinisenyo ang mga ito para sa mga modernong console at PC.
Mga image ni Ryan Haight
Group effort ang mga video game, at ang pakikilahok sa mga game jam (mga aktibidad kung saan nagko-collaborate ang mga developer, artist, manunulat, at designer sa isang mahigpit na deadline para gumawa ng laro) ay pwedeng magandang paraan para sa isang naghahangad na maging pixel artist na isama ang sarili niya sa mas malaking team. “Kailangan ang art. Magandang paraan ito para lumahok sa isang bagay na mas kumplikado,” sabi ni Monserrate. “Ang pagkakaroon ng team ng mga taong tumutulong sa iyo sa isang proyekto sa loob ng napakapartikular na time frame ay makakatulong sa iyong matuklasan ang mga kalakasan at limitasyon mo.”
Maaaring tapos na ang mga araw kung kailan kinakailangan ang pixel art, pero nananatili pa rin ito bilang isang partikular na artistic choice. Paggawa man ito ng stand-alone na art, mga animated na sprite, o mga sarili mong video game, palagi kang makakapukaw ng nostalgia kapag gumamit ka ng mga pixel. Pero hindi lang isang throwback ang pixel art. Maaaring simple ang mga sprite, pero kasing kumplikado pa rin ng dati ang art.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade