DESIGN
Pag-unawa sa mga pangunahin, pangalawa, at pangatlong kulay
Tingnan kung paano makakatulong sa iyo ang iba't ibang kumbinasyon ng kulay na gumawa ng ingay gamit ang makatawag-pansing gawa.
Hinuhubog ng kulay ang ating mundo
Ang mga kulay ay pwedeng pumukaw ng mga emosyon, mag-trigger ng mga partikular na reaksyon, o magpahayag ng mensahe sa paraang hindi napapansin. Kapag pumipili ang mga artist ng partikular na hue o shade sa gawa nila, dapat nilang isaalang-alang kung tumutugma ang color scheme sa tone na balak nilang gawin. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung paano ginagamit nang sama-sama ang mga kulay, makakagawa ng mga pinakamainam na pagpili ang mga artist at designer para mapahusay ang creative work nila.
Paganahin ang color wheel mo.
Kinakatawan ngcolor wheel ang lahat ng nakikitang kulay. Ito ang standard na tool para sa pagtingin at pag-unawa sa mga kumbinasyon ng kulay. Nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng paglabas ng mga kulay sa light spectrum (pula, orange, dilaw, berde, asul, indigo, at violet), ginawa ni Sir Isaac Newton ang unang color wheel noong 1666.
May dalawang uri ng wheel: ang isa ay batay sa mga pangunahing kulay ng RYB (red, yellow, at blue) at ang isa ay batay sa kulay na RGB (red, green, at blue). Karaniwang ginagamit ng mga print artist ang RYB na color model, dahil pinakaangkop ito sa pag-illustrate ng ugnayan ng mga aktwal na kulay sa mga ink at pintura sa proseso ng paghahalo ng kulay.
Para sa mga designer o artist na gumagawa sa digital na medium, pinakakaraniwang ginagamit ang RGB na color palette, dahil nakikita ang mga kulay na iyon sa mga photoreceptor ng mga mata. Ang light source ng isang monitor o screen ay pwedeng gumawa ng anumang kulay na maiisip mo gamit ang kumbinasyon ng iba't ibang shade ng pula, berde, at asul. Gayunpaman, kung pag-print ang pinakalayunin mo, ang mga digital artist at designer ay pwedeng gamitin ang, o mag-convert ng mga file sa, CMYK (Cyan, Magenta, Yellow, at Black). Ito ang apat na basic na kulay ng ink na ginagamit sa pag-print ng mga image na may kulay.
Mga kategorya ng kulay na dapat malaman.
Batay sa tatlong kategorya ng mga kulay ang color wheel:
Mga pangunahing kulay:
Ang mga building block kung saan nagmula ang lahat ng iba pang kulay. Kilala rin bilang mga basic na kulay, dahil hindi magagawa ulit ang mga ito sa pamamagitan ng paghahalo ng kulay, tinatanggap ng tradisyonal na art at color theory ang RYB bilang mga pangunahing kulay. Dahil trichromatic ang mga tao, mahalaga ang RYB para makita ang color spectrum ng ating mundo.
Mga pangalawang kulay:
Mga kumbinasyon ng kulay ito na ginawa sa pamamagitan ng pantay na paghahalo ng dalawang pangunahing kulay. Sa color wheel, matatagpuan ang mga pangalawang kulay sa pagitan ng mga pangunahing kulay. Ayon sa tradisyonal na color wheel, gumagawa ng orange ang pula at dilaw, gumagawa ng purple ang pula at asul, at gumagawa ng berde ang asul at dilaw. Kung gagamit ng RGB na color wheel, may isa pang set ng mga pangalawang kulay na tinatawag na mga additive: gumagawa ng cyan ang asul at berde, gumagawa ng magenta ang asul at pula, at gagawa ng berde ang asul at dilaw.
Mga pangatlong kulay:
Kilala bilang mga pangatlo o intermediate na kulay ang kumbinasyon ng mga pangunahin at pangalawang kulay, dahil sa tambalang katangian ng mga ito. Ang blue-green, blue-violet, red-orange, red-violet, yellow-orange, at yellow-green ay mga kumbinasyon ng kulay na magagawa sa paghahalo ng kulay. Sa isang color wheel, nasa pagitan ng mga pangunahin at pangalawang kulay ang mga pangatlong kulay.
Ano ang color theory?
Ang color theory ay ang creative at siyentipikong paggamit ng kulay. Isa itong system ng lohika na naglalagay ng mga alituntunin at panuntunan sa kung paano nagko-contrast, naghahalo, at nagtutugma ang mga kulay sa isa't isa.
“Pagdating sa color theory, walang nakatakdang listahan ng ‘Huwag gawin iyan,’” sabi ng illustrator na si Alyssa Newman. “Isa itong push-pull na bagay at nakasalalay ito sa preference.” Sa napakaraming opsyon, paano ka magpapasya kung anong color palette ang pinakamainam para sa mga illustration mo? Makakatulong ang color wheel. Pwede mo itong gamitin para tukuyin kung anong color scheme ang tumutugma sa mood na sinusubukan mong itakda.
Ang pangkalahatang color scheme ng mga bagay.
Gusto mo ba ng mga kulay na bumabagay sa isa't isa? Pumili ng mga kulay na magkakatabi sa color wheel. Tinatawag ang mga ito na mga analogous na kulay. Kakailanganin mong magkaroon ng tamang contrast, kaya ang karamihan ng mga illustrator ay pumipili ng isang dominant na kulay, pati na rin isang pangalawang pansuportang kulay at isang pangatlong kulay na gagamitin bilang accent o highlight.
Isa itong simpleng paraan para bumuo ng system ng kulay, pero may mga kapintasan din ito. “May magkakahalong opinyon tungkol sa diskarteng ito dahil napakadaling magkaroon ng nakakakalmang color palette, pero mayroon ka ring napakababang contrast, at nagbe-blend ang lahat ng kulay,” sabi ni Newman. Halimbawa, matitingkad na kulay lahat ang yellow-green, dilaw, at yellow-red, bawat isa ay may complexity, pero kapag sama-samang ginamit sa isang painting, pwede itong magmukhang pangunahing dilaw. Mabuti na lang, iba ang mga property ng digital illustration sa tradisyonal na art, kaya pwede rito ang kaunting flexibility sa kung paano mo gagamitin ang pipiliin mong color palette.
“Sa illustration, talagang makakalusot ka sa paggamit ng analogous na color palette para sa mga pangalawang kulay mo. At pagkatapos ay pagpili ng pangunahing kulay mo na nasa kabilang bahagi ng color wheel,” sabi ni Newman. Ito ang tinatawag na complementary na color scheme. Kung pipili ka ng kulay sa kabilang bahagi ng wheel, magbibigay ito sa anumang kukulayan mo ng pinakamataas na contrast habang nananatili itong magandang tingnan. Panatilihing may color wheel malapit sa iyo para matukoy ang pinakamaiinam na complementary na kulay para sa susunod mong proyekto.
Gawing sakto ang temperature.
Nakaayos ang mga color wheel ayon sa pagkakasunod-sunod ng kung paano lumalabas ang mga partikular na kulay na iyon sa visible light spectrum. May mga warm na kulay ang kaliwang bahagi, na batay sa pula, habang may mga cool na kulay ang kanang bahagi, na makikita sa asul. Bagama't stable ang mga klasipikasyong ito, magkakaugnay ang mga mas subtle na koneksyon ng kulay, ibig sabihin, pwedeng ituring na cool na kulay ang isang warm na kulay at vice versa, depende sa kaugnayan nito sa kalapit nitong kulay. Ang mga kulay mula sa parehong hue ay pwede ring ituring na mas cold o mas warm kaysa sa isa't isa batay sa kung anong kulay ang makikita sa tabi ng mga ito.
Bago ka gumawa, pag-isipan kung anong uri ng emosyon ang gusto mong ipakita. May mga natatanging property ang mga cold at warm na kulay na pwedeng baguhin ang isang image sa iba't ibang paraan. Nagbibigay ang mga cool na kulay ng kalmado at nakakaginhawang pakiramdam, habang nakakasigla at masaya ang mga warm na kulay. Ang mga warm na kulay ay pinagmumukhang mas malapit sa tumitingin ang mga bagay, habang nagbibigay ng malayong hitsura sa isang image ang mga cool na kulay.
Gawin ang susunod mong gawa nang may makatotohanang kulay gamit ang Adobe Creative Cloud.
Palayain ang iyong imahinasyon at pag-eksperimentuhan ang iba't ibang kumbinasyon ng kulay para makuha ang isang natatanging hitsura, na naka-customize sa susunod mong proyekto. “Binuksan ng mga pangalawang kulay ang posibilidad ng mga interesanteng kumbinasyon ng kulay na nagpaparamdam sa mga tao na parang proyekto nila ito, orihinal ito,” sabi ng designer na si Jacob Obermiller. “Hindi na lang ito asul, dilaw, pula, o itim. Mayroon na itong kaunting character at pagmamay-ari.” Nasa Adobe Creative Cloud All Apps plan ang lahat ng tool na kailangan mo para bigyan ang anumang gagawin mo ng sarili nitong character.
Kung interesado kang matuto pa tungkol sa mga kulay, i-explore ang color photography, paano lagyan ng kulay ang mga black-and-white na larawan, o paano i-calibrate ang monitor mo para sa mas matitingkad na kulay. Kapag mas nauunawaan mo ang kulay, mas mahahanap mo ang perpektong hitsura para sa bawat bagong obra na gagawin mo.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/creativity-for-all-blade