Ang mga ilong ay ang playground mo pagdating sa pag-exaggerate ng mukha ng tao. “Karaniwan akong nagsisimula sa ilong,” sinabi ni Bigoni. “Pag-iisipan ko muna ang hugis ng mukha — mabilisan kong ia-outline gamit ang lapis kung saan ko ipupuwesto ang iba't ibang bahagi — pagkatapos ay magsisimula ako sa ilong, dahil iaayon ang laki ng lahat mula doon.” Subukang magsanay ng mga technique sa pagguhit ng ilong bago ito gawing cartoon.
Kapag nagsanay ka ng iba't ibang paraan para gumuhit ng mga mata, tingnan kung paano mo mapag-iiba-iba ang mga ito para mapag-iba ang drawing mo. “Mag-isip ng iba pang bagay sa drawing na pwedeng magdulot ng reaksyon sa character mo,” sinabi ni Bigoni. “Mas makikita iyon sa mga mata kaysa sa anupamang feature.” Maraming mapaglalaruan sa caricature na nakatuon sa mga mata pati na rin sa mga hugis ng mata, pilikmata, at kilay.
.
Isipin ang hugis ng mga labi ng tao pati na rin kung paano niya iginagalaw ang bibig niya. Sumisigaw ba siya? Nakatikom ba ang labi niya? Nakangiti ba siya? Pwedeng maging kasing expressive ng mga mata ang bibig. “Mahalaga ang mga expression,“ paliwanag ni Bigoni. “Lalo na ang isang expression na nagpapakita ng katangian niya o ng reaksyon niya sa mga bagay.”
Kung walang pagkakahawig pagkatapos mong iguhit ang lahat ng feature ng mukha ng caricature mo, posibleng hindi naaangkop ang spacing at proportion. “Mas nakatuon ang aking pagbura at pagbabago ng ayos sa spacing ng mukha ng isang tao, kumpara sa mga hugis ng anumang feature,” sinabi ni Bigoni. Makakatulong ang pagguhit sa digital application gaya ng Adobe Fresco. Subukang iguhit ang bawat feature sa isang hiwalay na layer, para mabago mo ang laki at ayos ng mga ito hanggang sa magmukha itong tama.