Maging mabilis at gumawa.
Gaya ng printing press noong ika-15 siglo at ng personal computer noong ika-20, binabago ng artificial intelligence kung paano gumagawa ang mga tao sa ika-21. Bagama’t hindi madali na masanay sa mga bagong AI-powered na tool, makikita mong magagawa ng mga ito na alisin ang mga dating sakit sa ulo at magbukas ng mga bagong posibilidad para sa gawa mo.
Hindi na bago ang graphic design na ginamitan ng AI.
Ang kakayahan ng machine learning.
Sa pamamagitan ng machine learning, ino-automate ng mga gumagawa ng software, tulad ng Adobe, ang mga pinakamatrabahong proseso para gawing mas madali at mas mabilis ang paggawa ng design. Bago nagkaroon ng mga smart na tool sa pag-select, halimbawa, kung gusto mong palitan ang background ng isang image sa Adobe Photoshop noon, ilang oras ang gugugulin mo para maingat na i-outline ang subject. Posibleng oras na ang abutin ng pag-trace lang sa buhok ng isang tao. Pero salamat sa Auto Selection at Piliin ang Subject, ilang minuto na lang ang inaabot ng prosesong iyon (nang may kaunti pang pagpupulido).
Ang Content-Aware Fill tool sa Photoshop ay isa pang magandang halimbawa ng AI na normal na lang nating ginagamit ngayon. Kapag gusto mong punuin ang isang bahagi ng image, sa halip ng paggamit ng trial and error para itugma ang kulay at tone, mabilis at madali mo na itong mapupuno ng content na kinuha sa ibang bahagi ng image. Dahil ito sa napakabilis na pagkalkula ng app batay sa mga value ng mga nakapaligid na pixel.
Gaya ng pangangailangan ngayon ng mga designer sa mga AI-powered na feature na ito, nakakahanap na ng kanilang lugar sa toolset ng designer ang mga nakakamanghang bagong generative AI tool.
Ang pagpapakilala sa generative AI.
Sa mga kamakailang taon, nakapag-develop ang mga computer scientist ng mga AI model na nagbigay-daan sa pangmalawakang paggamit ng generative AI. Sinanay sa milyon-milyong data point, natuto ang mga modelong ito kung paano bumuo ng mga image batay sa mga simpleng text prompt.
Habang mas dumarami ang data na pinagsanayan ng mga ito, mas humuhusay ang mga modelong ito, para makabuo ka ngayon ng mga nakakamanghang image sa pamamagitan ng pag-type lang ng ilang salita sa field ng prompt. Magagawa mong mag-eksperimento sa mga bagong ideya, mag-explore ng iba't ibang color palette, mag-expand ng image, mag-generate ng mga background para sa mga larawan ng produkto, at marami pa, nang mas mabilis kaysa dati.
Alamin pa ang tungkol sa epekto ng generative AI sa creative work.
Tatlong pangunahing benepisyo ng AI sa graphic design.
AI o generative AI man ang ginagamit mo, makakatulong ang teknolohiyang ito na gawing mas madali, mas mabilis, at mas masaya ang trabaho mo, at posibleng matulungan ka nito na tumuklas ng mga bagong direksyon sa paggawa ng art.
- Higit na kahusayan: Matutulungan ka ng mga AI tool na mag-automate ng mga paulit-ulit na gawain, tulad ng paghihiwalay ng mga subject sa background, pag-resize ng mga image, at paggamit ng mga pare-parehong istilo, para makapag-focus ka sa mga mas kumplikado at creative work. Inaalis din ng mga tool na ito ang pisikal at pangkaisipang pagod na resulta ng pagbusisi sa pinakamaliliit na detalye sa screen mo para piliin ang tamang mga pixels o pagtugmain ang mga font.
- Walang katapusang creativity: Magandang tool sa pag-brainstorm ang Generative AI. Mas mabilis ka nang makakasubok ng mga bagong ideya at konsepto, para mas ma-explore mo ang pinakamagaganda mong ideya at makita kung paano gagana ang mga ito gamit ang isang ai art prompt.
- Higit na accessibility: Sa pamamagitan ng mga naka-automate na accessibility check, nakikita ng AI ang mga isyu sa readability, contrast ng kulay, at marami pa. Mas mabilis at mas maaasahan ito kaysa sa kung ikaw mismo ang titingin sa accessibility.
Paano gamitin ang AI para sa graphic design.
Photoshop
Sa Generative Fill, makakapagdagdag o makakapag-alis ka na ng content sa mga image mo gamit ang simpleng text prompt. Kung gusto mong palitan ng surfboard ang isang briefcase, o mag-alis ng nakakagulong tao sa background, mabilis mo na itong magagawa. Pwede mo ring i-expand ang canvas o baguhin ang aspect ratio gamit ang Generative Expand. (Wala na ang mga araw na kailangan mong pagkasyahin ang text sa image na wala nang space para doon.)
Bukod pa sa mga generative AI tool, may iba pang AI tool ang Photoshop gaya ng Face Aware Liquify na awtomatikong nagde-detect ng mga mukha at feature ng mukha sa isang image. Gamit ang mga intelligent na kontrol, pwede mong manipulahin ang mga feature ng mukha nang tumpak at walang kahirap-hirap. Kung kailangan mong gumuhit ng mga kakaibang curve, gumagamit ang Curvature pen tool ng AI para mabigyang-daan ka na gumawa ng mga path nang walang kahirap-hirap at banatin ang mga segment para baguhin ang mga ito.
Illustrator
Sa pamamagitan ng mga feature ng generative AI sa Illustrator, napakadali nang gumawa ng mga napapalawak na image. Ngayon, magagawa mo nang ganap na nae-edit na vector graphic ang isang simpleng text prompt gamit ang Text to Vector Graphic. Sa pamamagitan ng Generative na Pag-recolor, pwede ka nang gumamit ng mga text prompt para mag-eksperimento sa iba't ibang color palette. Kaya i-type lang ang inspirasyon mo, gaya ng “pumpkin spice” o “spring wildflowers” at tingnan kung anong mangyayari. Bukod pa rito, binibigyang-daan ka ng bagong feature na Retype na pumili ng mga static na image o naka-outline na text at mabilis na tukuyin ang mga katugmang font mula sa Adobe Fonts.
Kasama sa iba pang AI feature sa Illustrator ang feature sa global na pag-edit na awtomatikong tumutukoy sa magkakahugis na vector sa isang dokumento para mababago mo ang lahat ng hugis nang sabay-sabay. Binibigyang-daan ka ng Puppet Warp na gumawa ng mga pagbabago sa mga object nang hindi ginuguhit ulit o binabago ang bawat anchor point, para makagawa ka ng mga variant nang mas mabilis. At gamit ang Content-aware Crop, nagbibigay ka ng image at nakakakuha ka ng mga suhestyon ng AI sa kung paano ito i-crop.
Adobe Firefly web app
Sa pamamagitan ng Firefly web app bilang AI generator mo, makakagawa ka ng mga image sa kahit anong style at nang may iba't ibang aspect ratio, gamit ang text-based na prompt ng AI graphic design. Gamitin ito para sumubok ng mga bagong ideya, makaalis sa mga creative rut, o para magsimula ng bagong design kapag kulang ka na sa oras. Pwede mo ring gamitin ang Firefly para gumawa ng mga kakaibang text effect at magdagdag o mag-alis ng mga object sa pamamagitan ng Generative Fill. Makikita mo rin ang mga feature na ito sa Adobe Express.
Idinisenyo ang mga generative AI model ng Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, na nangangahulugang makakagawa ka ng content nang may kumpiyansa dahil alam mong pwede mong gamitin ang content para sa mga personal at propesyonal na proyekto.
Adobe Fresco
InDesign
Adobe Photoshop Lightroom
Idagdag ang mga panghuling pagsasaayos para pagandahin ang isang buong portrait sa isang pag-click o pag-tap lang gamit ang Polished Portrait at/o Darken Beard.