https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/firefly.svg Adobe Firefly
Gumawa ng mga 2D at 3D na animation gamit ang AI animation generator.
Gumawa ng mga animation na ligtas gamitin sa paraang komersyal at may propesyonal na kalidad mula sa mga image, sketch, o text, at maayos na i-integrate ang mga ito sa workflow mo.
- image
- video
- Maglarawan ng subject, aksyon, lugar, mood, o style.
- Mga Tuntunin ng Adobe Generative AI
- https://main--cc--adobecom.aem.page/creativecloud/animation/testdoc/unity/generate.svgMag-generate
- Ilarawan kung ano ang gusto mong i-generate
- Prompt
- Tip
- ff_campaign=embed_generate_acom&promoid=ZSV7DV82&mv=other
- Hindi maproseso ang hiling
- Ilarawan kung ano ang gusto mong i-generate.
- Lumampas ang prompt sa max na habang 750 character
Bigyang-buhay ang naiisip mong creative gamit ang AI animation generator online.
Gawin ang mga ideya mo sa video gamit ang AI animation generator na pinapagana ng Adobe Firefly. Gawing mga dynamic na animation na may propesyonal na kalidad ang mga static image at text sa loob lang ng ilang minuto. Kahit na nagsisimula ka pa lang o ilang taon ka nang gumagawa, madali mong mae-explore ang walang limitasyong creative possibility.
Gumawa ng mga character gamit ang AI animation generator mula sa image o text.
Magsimula sa isang sketch, isang natapos na disenyo ng character, o sa ilang salita lang. Pinapadali ng AI video generator ang paggawa ng mga character na binibigyang-buhay. Mula sa mga simpleng expression hanggang sa mga parang buhay na paggalaw, makakapag-animate ka nang direkta mula sa mga image o text prompt — walang kailangang kumplikadong tool o advanced na kasanayan.
Mag-eksperimento sa 2D at 3D na AI-generated animation.
Gumawa ng AI animation sa anumang style na naaakma sa naiisip mo, 2D man ito o 3D, o pinagsama. Sa pamamagitan ng mga simpleng text-to-image na prompt, makakapag-generate ka ng mga karakter, eksena, at galaw sa loob lang ng ilang minuto. Isa itong mabilis at madaling paraan para sa mga baguhan at pro para mag-explore ng iba't ibang hitsura at style.
AI generated na animation para sa bawat format ng screen.
Saan ka man gumagawa ng content, aakma rito ang mga animation mo. Pinapadali ng AI animation generator na gumawa ng mga video sa iba't ibang format nang walang dagdag na gagawing pag-edit o pag-resize.
- Gumawa ng mga vertical na video para sa mga platform tulad ng TikTok, Instagram Reels, at YouTube Shorts.
- Magdisenyo ng mga horizontal na animation para sa mga presentation, pitch, at marketing campaign.
- Pagalawin ang mga static image gamit ang image to video.
- Magpalipat-lipat nang mabilis sa mga format para gamitin ulit ang content sa maraming channel.
Gumawa ng animation sa pamamagitan ng AI gamit ang model na ligtas gamitin sa paraang komersyal.
Gumawa ng animation gamit ang AI na idinisenyo para sa kapanatagan ng isip. Sa una pa lang, ginawa na talaga ang Adobe Firefly para gamitin sa komersyo at sinasanay lang ito sa lisensyadong content at mga source na mula sa public domain. Ibig sabihin nito, mabibigyang-buhay mo ang mga ideya mo nang hindi nag-aalala tungkol sa mga claim sa copyright o karapatan sa paggamit. Mag-generate nang may kumpiyansa dahil alam mong ligtas gamitin ang content mo sa trabaho para sa kliyente, mga campaign sa brand, social media, at iba pa. Pinapadali ng Firefly na manatiling compliant habang nananatiling creative.
Paggawa ng mga animated na video gamit ang AI.
Nagsisimula ka man sa isang image, isang sketch, o ilang linya ng text, madali mong maisho-showcase ang mga ideya mo sa video. Narito kung paano gumawa ng animation sa pamamagitan ng AI gamit ang Adobe Firefly:
- Magsimula sa input mo.
Mag-upload ng umiiral nang image, sketch, o disenyo ng karakter, o i-type lang ang text prompt para ilarawan ang eksena o karakter na nasa isip mo. Naiintindihan ng AI animation video generator ng Adobe Firefly ang natural na wika at visual input, kaya makakapagsimula ka sa paraang pinakakomportable para sa iyo. - Piliin ang mga setting ng video mo.
Pumili ng gustong resolution (hanggang 1080p) at aspect ratio na angkop sa proyekto mo. Madali mong ma-customize ang output format, para man ito sa social media, web, o mga pitch at presentation. - I-export at i-share ang animated video mo.
I-export ang animation mo. Para man ito sa social media, pitch deck, o buong kampanya, handa na ang animated video mo na mukhang gawang propesyonal.
Animation AI para sa mga creative na team at indibidwal.
Propesyonal na animator ka man, creator ng content, o nag-e-explore lang ng mga bagong tool, akma sa proseso mo ang animation AI generator. Mula sa mga unang konsepto hanggang sa mga na-polish na final cut, tumutulong ito sa iyo na makakilos nang mas mabilis, manatiling creative, at mabilis na maka-adapt sa kahit anong proyekto o platform.
Instant na gumawa ng mga AI animation para makatipid sa oras at budget.
Mabilisang makapag-generate ng mga animated na konsepto nang walang kumplikadong pag-aayos o frame-by-frame na pagguhit, na perpekto para sa pag-pitch ng mga ideya o pagsubok ng mga creative direction.
Gawing animated na content ang mga sketch, larawan, image, o text.
Magsimula kaagad. Gumagana ang AI animation video generator sa mga visual na input o nakasulat na prompt, kaya masisimulan mong buuin ang mga ideya mo tuwing may bigla kang maiisip.
Gumawa ng mga karakter sa mga 2D at 3D na style ng AI animation.
Piliin ang pinakamagandang hitsura para sa artistic style mo. Mag-generate ng mga flat o dimensional na animation na may mga opsyon sa style na sumusuporta sa lahat mula sa mga cartoon hanggang sa mga cinematic na eksena.
Gumawa ng mga horizontal at vertical na format.
Gumawa ng content na akma para sa TikTok, Reels, YouTube, o mga widescreen presentation — nang hindi kinakailangang manual na mag-resize o mag-reformat.
Gumawa ng mga expressive na karakter nang may kontrol sa galaw at mga adjustment sa timing.
I-fine-tune ang pagkilos, paggalaw, at pag-react ng mga karakter gamit ang mga built-in na tool para sa timing, emosyon, at pacing.
I-integrate sa iba pang Adobe Creative Cloud apps.
Ang ibig sabihin ng maayos na integration ay madali mong mailalagay ang animated content mo sa {{premiere}}, After Effects, o Photoshop para i-refine, i-edit, o ituloy na buuin ang proyekto mo.
Magsimulang gumamit ng AI animation generator.
Mabilis na gawing video na mukhang gawang propesyonal ang mga creative na ideya gamit ang AI animation video generator na pinapagana ng Adobe Firefly. Mag-generate ng mga flat o dimensional na eksena sa iba't ibang style mula sa guhit-kamay hanggang sa kakaiba at hindi pangkaraniwang style sa loob lang ng ilang minuto.
Gallery ng Inspirasyon
Tuklasin ang mga nakakamanghang generative AI video na may remixable na prompt sa Adobe Firefly.
Ang ultimate sa creative AI. May video na ngayon.
Gumawa ng mga nakakamanghang image, audio, at ngayon ay pati na video, lahat sa iisang lugar, gamit ang Adobe Firefly. Mula sa pagbuo ng ideya hanggang sa produksyon nang walang sagabal gamit ang paborito mong Adobe apps at mga Firefly model na ligtas gamitin sa paraang komersyal. Kontrolin ang iba pang mga detalye sa bawat hakbang para mas mabilis na makuha ang pinal na resulta.
Mga FAQ tungkol sa AI animation generator.
Puwede bang mag-generate ng 3D animation ang AI?
Anong mga uri ng mga animation ang puwedeng gawin ng AI ng Adobe Firefly?
Ano ang mga generative credit?
Puwede ko bang i-customize ang style o bilis ng animation?
Saan sinasanay ang model na AI animation generator ng Adobe Firefly?
Ligtas bang gamitin sa paraang komersyal ang mga AI-generated na animation?
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng AI animation generator ng Adobe at mga feature ng image-to-video?
Mababagayan ba ng mga AI generated na animation ang kasalukuyang style ko ng animation?
Puwede ba akong gumawa ng animation gamit ang AI para sa mga komersyal na proyekto ko?
Tumuklas pa ng mas maraming feature.
AI image generator AI painting generator AI video generator Isalin ang video Isalin ang audio Scene to image Image style transfer Mga character animation AI dubbing