Sanayin ang iyong mga sariling AI model gamit ang Mga Custom Model ng Firefly (beta).
Sumali sa waitlist para sa invite-only na beta na ito para magamit mo ang mga sarili mong image, illustration, o character para magpa-generate sa Firefly ng content na natatangi lang para sa iyo.
Paunti-unti kaming mang-iimbita ng mga piling miyembro ng Adobe Creative Cloud. Kapag nakasali ka na, sanayin ang custom model mo at gamitin ito para mag-generate ng content sa Firefly at Mga Firefly Board gamit ang mga generative credit na kasama sa plan mo. Makakatiyak ka na sa iyo lang ang mga image na gagamitin mo para magsanay ng mga custom model at hindi gagamitin ang mga ito para magsanay ng iba pang model.
Makakuha ng eksklusibong unang tingin sa Mga Custom Model (beta) at tumulong sa pagbuo ng feature sa pamamagitan ng feedback mo.
Gawing parang sa iyo ang Firefly.
Gamitin ang mga sarili mong asset sa pagsasanay ng generative AI model ng Firefly na nagpapakita ng natatangi mong aesthetic at tumutulong na gawing pare-pareho ang gawa mo sa lahat ng proyekto.
Magsanay sa pamamagitan ng ilang pag-click.
Mag-upload lang ng mga sample na asset na nagpapakita ng hitsura at dating na gusto mo para masimulan kaagad ang pagsasanay — hindi kailangan ng kasanayan sa AI.
I-scale ang style mo.
Gamitin ang custom model mo para madaling makapag-generate ng graphics at mga image na nagpapakita ng creative aesthetic mo — sa lahat ng pagkakataon.
Mananatiling sa iyo ang gawa mo.
Para sa iyo lang ang mga custom model mo — hindi nagsasanay ang Adobe ng mga Firefly model gamit ang content mo — at puwede mong piliin na secure na ibahagi ang mga ito sa mga teammate o client kung kinakailangan.
Sumali sa waitlist para sa Mga Custom Model ng Firefly (beta).
- Sagutan ang isang maikling survey para idagdag ang pangalan mo sa waitlist. Paunti-unti kaming mang-iimbita ng mga piling customer na may mga binabayarang membership sa Creative Cloud.
- Kung naimbitahan kang sumali, makakatanggap ka ng email na nagsasaad ng mga susunod na hakbang.
Gagamitin mo ang mga kasalukuyang generative credit na kasama sa plan mo para magsanay at mag-generate ng content gamit ang Mga Custom Model ng Firefly (beta). Hindi mo kailangan ng karagdagang subscription para makapagsimula.
Kung mauubusan ka ng mga credit, puwede kang maghintay sa buwanang pag-reset mo o bumili ng mga dagdag na credit para patuloy na makagawa at makapag-eksperimento gamit ang Firefly.