Alamin pa ang tungkol sa lahat ng bagong feature sa Photoshop.
Gumawa ng higit pa nang may mas kaunting limitasyon.
Mula sa napakahusay na mga tool kagaya ng Generative Fill at Generative Expand, na pinapatakbo ng Adobe Firefly generative AI, hanggang sa Content-Aware Fill and Object Selection, patuloy na binabago ng inobasyon ang Photoshop para makasabay ka sa imahinasyon mo saan ka man nito dalhin.
Nasa Generative AI ang hinaharap ng Photoshop.
Bigyang-buhay ang anumang creative vision nang may ganap na kontrol sa bawat konsepto gamit ang generative AI ng Adobe Firefly sa Photoshop. Subukan ang mga generative AI feature sa iyong browser ngayon mismo gamit ang Photoshop sa web.
Bigyang-buhay ang anumang creative vision nang may ganap na kontrol sa bawat konsepto gamit ang generative AI ng Adobe Firefly sa Photoshop. Subukan ang mga generative AI feature sa iyong browser ngayon mismo gamit ang Photoshop sa web.
Magkaroon ng higit pa.
Magdagdag ng higit pa sa anumang larawan gamit ang Generative Fill. Pumili ng bahagi ng image mo, ilarawan kung anong gusto mong idagdag sa pamamagitan ng text prompt — mula sa mga pink na paruparo hanggang sa mga kabundukang nababalot ng niyebe — at hintaying lumabas ang mga opsyon sa loob lang ng ilang segundo.
Bagong background, walang problema.
Walang kahirap-hirap na baguhin ang setting sa mga larawan gamit ang Generative AI. Piliin lang ang background, mag-type ng text prompt, at i-transport ang subject mo mula sa isang kalye sa lokal na lungsod papunta sa lokasyon saanman sa mundo, o saanman sa kalawakan.
BAGONG FEATURE
Lampasan ang mga limitasyon.
Walang kahirap-hirap na mag-expand ng larawan sa anumang direksyon gamit ang Generative Expand. Piliin at i-drag ang Crop tool nang lampas sa mga orihinal na border ng isang larawan hanggang sa gustong laki, pagkatapos ay i-click ang Generate. Awtomatikong mapupunan ang pinalawak na canvas ng content na talagang nagbe-blend sa kasalukuyang larawan. O, mag-type ng prompt para makakuha ng mas partikular na resulta.
Mag-alis at magpalit ng content sa ilang hakbang lang.
Walang kahirap-hirap na alisin ang mga hindi gustong elemento. Piliin lang ang bagay na gusto mong alisin at piliin ang Generate (nang hindi nagdaragdag ng anumang text sa prompt). Papalitan ng Firefly ang mga linya ng telepono ng malawak na kalangitan o papalitan nito ng mga bulaklak at halaman ang mga napasamang tao.
Gumawa nang mas mabilis nang may mas kaunting workflow gamit ang AI sa Photoshop.
I-explore ang mga makabagong tool na pinapagana ng Firefly na makakapagpadaling gumawa ng anumang naiisip mo sa pamamagitan ng mas kaunting hakbang.
Pagpili ng subject sa isang click lang.
Ihiwalay ang pangunahing element ng isang larawan sa pamamagitan ng mas kaunting hakbang, gamit ang Piliin ang Subject. Pumunta sa Piliin > Subject at awtomatikong pipiliin at idaragdag ng Photoshop ang pangunahing subject mo sa sarili nitong layer.
Mas magagandang background, mas magagandang image.
Idagdag ang background na gusto mo sa kahit anong larawan. Sa panel na Mga Quick Action, i-click ang Alisin ang Background, at pagkatapos ay mag-drag at mag-drop ng bagong backdrop sa canvas mo.
I-refine pa ang pagpili ng buhok sa mas madaling paraan.
I-capture ang bawat hibla o kulot nang walang kahirap-hirap. Subukan ang button na I-refine ang Buhok sa workspace ng Piliin at Mask at hayaang AI na ang gumawa nito.
Mabilis na mag-edit out ng mga element.
Piliin, alisin, at palitan ang mga bahagi ng anumang larawan gamit ang Content-Aware Fill. Gamit ang AI, pumili at i-refine lang ang anumang element at papalitan ito ng Content-Aware Fill ng magandang kapalit.
Higit pang tool sa Photoshop na pinapagana ng AI.
Napakarami pang tool sa Photoshop na nakakapagpabilis at nakakapagpadali ng trabaho gamit ang kakayahan ng AI. Narito ang ilan:
- Remove Tool: Palitan ang mga hindi gustong bahagi sa image mo ng parehong content sa pamamagitan lang ng pag-brush sa gusto mong alisin.
- Curvature Pen Tool: Walang kahirap-hirap na gumuhit ng mga tuwid na linya at smooth na curve, pagkatapos ay baguhin ang mga ito.
- Match Font: Humanap ng mga tugma para sa mga font na gusto mo sa mga image o larawan mo.
- Preserve Details 2.0: Mag-resize ng mga image nang hindi nagdudulot ng pagbabago sa mahahalagang detalye at texture.
- Sky Replacement: Baguhin ang langit sa image mo sa ilang click lang at awtomatikong ima-mask at ibe-blend ng Photoshop ang kapalit nito.
- Object Selection tool at Refine Edge: Gumawa ng mga precise na selection at mask nang walang kahirap-hirap.
- Mga Neural Filter: Gawing ilang click lang ang malalaking workflow gamit ang library ng mga filter na pinapagana ng machine learning.