Mga tip at trick para sa paggawa ng mas magagandang pencil sketch.
Subukan ang mga karagdagang technique na ito para magdagdag pa ng depth at texture sa mga pag-convert sa sketch.
Magdagdag ng ilang flourish.
Isang paraan para gawing mas mukhang natural ang isang sketch drawing ay ang pagdaragdag mo ng ilang linework o doodle. Gamitin ang alinman sa mga tool sa pag-draw na available sa Photoshop para gumuhit ng mga karagdagang linya at bahagyang gawing mas rough ang drawing. Kapag ginawa mo ito, mas magmumukhang natural ang artwork. Pwede ka ring mag-eksperimento gamit ang mga tool tulad ng generative fill para magdagdag ng texture at detalye.
Magdagdag ng mga kulay.
Pwede mong i-adjust ang blending mode ng mga layer sa drawing mo para magdagdag o mag-highlight ng partikular na kulay. Subukang magdagdag ng layer ng adjustment na may partikular na kulay o baguhin ang blend mode sa Kulay sa halip na Normal, at tingnan kung paano magbabago ang drawing para mas magmukhang colored-pencil sketch. Kapag na-adjust ang mga element na ito, magagaya ang pag-draw gamit ang blue na pen, halimbawa. Tingnan kung magagawa mo ang hitsura ng isang oil painting o watercolor.
Huwag matakot sa mga pagkakamali.
Bahagi ng saya sa design ang pag-eksperimento. Karamihan sa mga tool na ginagamit at inilalarawan dito ay nondestructive, na nangangahulugang hindi binabago ng mga ito ang aktwal na data ng maliliit na element ng larawan (mga pixel) ng image mo. Bukod pa rito, palagi mong magagamit ang button na I-undo para alisin ang anumang pagbabago na ayaw mo. Magsimulang mag-eksperimento sa Photoshop ngayon gamit ang mga tutorial at gabay, at makakagawa ka ng mga interesanteng sketch nang hindi mo namamalayan.