

Mga Feature ng Premiere Pro
Mag-extend ng mga video at audio clip gamit ang Generative Extend.
Tuloy-tuloy na makapagdagdag ng mga frame sa simula o dulo ng shot gamit ang generative AI sa Adobe Premiere Pro. I-click, i-drag, at i-extend lang ang haba ng anumang clip nang lampas sa mga umiiral na hangganan nito para makagawa ng bagong footage o audio at ihanay nang perpekto ang mga pag-edit mo.
Free trial | Free trial ng Premiere Pro Bilhin ngayon | Bilhin ngayon ang Premiere Pro


Iwasan ang mga awkward na pag-cut ng video at audio.
Kung gusto mong panatilihin ang isang shot ng mukha ng isang character para sa isang dagdag na beat o panatilihin ang tunog ng pagsirit ng mga gulong mula sa paghabol ng kotse sa background, madaling gumawa ng mas maraming footage o audio at panatilihing walang distraction sa mga pag-edit.
Linisin ang storyline mo na may mga seamless na transition.
Hindi mo na kailangang gumamit ng slow motion o mag-duplicate ng mga tig-iisang frame para mag-extend ng shot. Gamit ang Generative Extend, may kakayahan kang mag-blend ng mga scene nang magkasama kahit na maubusan ka ng media.


Mag-extend ng mga video clip mula mismo sa toolbar mo.
I-adjust ang haba ng clip sa timeline mo na kasing dali ng pag-ripple at pag-roll ng lugar ng pag-edit. Palaging may label ang mga na-generate na sequence, para alam mo kung saan nagtatapos ang orihinal na footage at magsisimula ang mga ginawang frame.
Gumawa nang may kumpiyansa.
Ang Generative Extend ay pinapagana ng ligtas sa pang-komersyal na generative AI ng Adobe Firefly at sinasanay lang sa content kung saan may pahintulot ang Adobe — gaya ng Adobe Stock at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright — at hindi kailanman sa content ng user ng Adobe.

Paano gamitin ang Generative Extend sa Firefly.
Mag-extend ng mga video at audio clip nang walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pagsunod sa mabibilis na hakbang na ito:
1. Buksan ang Premiere Pro.
Magsimula sa pag-log in sa Premiere Pro.
2. Pumili ng shot.
Tumukoy ng clip sa sequence mo na gusto mong i-extend. Kailangan hindi bababa sa 2 segundo ang haba ng mga video clip, at may minimum na haba na hindi bababa sa 3 segundo ang mga audio clip.
3. Piliin ang Generative Extend Tool sa Toolbar.
Piliin at i-drag ang gilid ng video o audio clip sa gustong haba.
4. Suriin ang clip mo.
Kapag natapos na ang pag-extend, lalagyan ng label ang mga AI-generated na frame sa timeline mo.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
May limitasyon ba sa kung gaano ko mae-extend ang isang video?
Anong mga uri ng video ang naaangkop para sa paggamit ng Extend Video Length?
Libre bang gamitin ang Generative Extend?
Kaya ba ng AI na i-extend ang haba ng isang video?
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/premiere/features/download-beta-app