https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Ano ang 3D art?

Ang 3D art ay ang perpektong kumbinasyon ng mga teknikal na kasanayan at artistic na creativity. Gumagamit ang mga 3D artist ng software para gayahin ang totoong mundo sa lahat ng tatlong dimension. Karaniwang nagsisimula ang prosesong ito sa pag-sculpt o pag-model ng 3D asset. Binibigyang-buhay ng mga artist ang isang model sa pamamagitan ng pagte-texture at pagdaragdag ng mga materyal sa surface nito. Ang kabuuan ng mga character, environment, at scene ay pwedeng buuin sa ganitong paraan, pagkatapos ay i-render sa mga animation o still image.

{{free-trial}} {{buy-now}}

Paano gumawa ng 3D art gamit ang Adobe.

Ang 3D art ay ang perpektong kumbinasyon ng mga teknikal na kasanayan at artistic na creativity. Gumagamit ang mga 3D artist ng software para gayahin ang totoong mundo sa lahat ng tatlong dimension. Karaniwang nagsisimula ang prosesong ito sa pag-sculpt o pag-model ng 3D asset. Binibigyang-buhay ng mga artist ang isang model sa pamamagitan ng pagte-texture at pagdaragdag ng mga materyal sa surface nito. Ang kabuuan ng mga character, environment, at scene ay pwedeng buuin sa ganitong paraan, pagkatapos ay i-render sa mga animation o still image.

Hakbang 1: I-install ang mga Substance 3D app sa device mo.

Magsisimula ang susunod mong gawang 3D sa pamamagitan ng pag-access sa mga tamang tool para sa gawain. Mag-subscribe ngayon at gamitin ang Adobe Substance 3D nang free trial sa loob ng 30 araw.

Hakbang 2: Gumawa ng bagong proyekto sa Substance 3D Modeler o pumili ng model mula sa Substance 3D Assets library.

Ang Adobe Substance 3D Assets library ay may libo-libong model, light, at materyal para tulungan kang magsimula. Ang paggamit ng premade na asset na na-curate ng mga propesyonal na 3D artist ay kasing dali ng pag-download, pag-import, pagkatapos ay paggawa. Kung minsan, posibleng kailanganin mo ng isang bagay na mas partikular para sa mga layunin mo, at doon makakatulong ang Substance 3D Modeler. Gamit ang Modeler, pwede kang mag-sculpt ng mga 3D object gamit ang digital clay para sa natural na dating at hands-on na diskarte sa paggawa ng 3D.

Hakbang 3: Mag-texture at magdagdag ng mga materyal sa model mo sa Substance 3D Painter.

Kapag mayroon ka nang tamang model, bigyan ito ng buhay at kulay. Sa 3D, kilala ang prosesong ito bilang pagte-texture. Pwede ka ring gumamit ng asset na tinatawag na materyal para mabilis na maglagay ng image data sa surface sa model mo. Magandang paraan ang Substance 3D Painter para magawa ito. I-import ang model mo sa Painter. Gamit ang Substance 3D Painter, pwedeng maging canvas ang kahit anong 3D object.

Hakbang 4: I-stage at i-render ang model mo sa Substance 3D Stager na may studio perfect na lighting.

Ang Substance 3D Stager ay parang isang in-house na photography studio. Isa itong perpektong paraan para i-stage at i-render ang pinal na image ng gawa mo. Hindi mo kailangang maging propesyonal sa studio lighting dahil marami nang kasamang opsyon sa lighting ang Stager na pwede mong idagdag sa scene mo. Pwede kang magposisyon ng mga model, magdagdag ng mga decal at materyal, at bumuo ng scene mo. Piliin ang pinakaakmang anggulo ng camera, at kapag handa ka na, ire-render ng Stager ang scene mo.
3D rendering of crab with 3D paint
Mga image ni Pablo Muñoz Gómez.
crab 3D model in 3D art maker tool

Gumawa at mag-share ng sarili mong 3D art gamit ang Substance 3D.

Ngayong na-experience mo na ang kakayahan ng mga Substance 3D app, handa ka nang gumawa ng mga mas kamangha-manghang 3D project. Habang patuloy kang nagiging bihasa sa mga teknikal na tool, lalo lang lalago ang mga kakayahan mong bigyan ng bagong bihis ang realidad gamit ang 3D.

Mga Madalas Itanong

ANO ANG DAPAT KONG I-MODEL SA 3D BILANG BAGUHAN?

Ang kagandahan ng 3D ay posible ang kahit ano. Bilang baguhan, magandang ideya na magsimula sa mga object na gumagamit ng mga basic na hugis. Anuman ang ginagawa mo, magandang paraan ang magsimula sa pag-block out ng mga simpleng hugis na bumubuo sa kabuuan.

PAANO KO IKO-CONVERT ANG ISANG 2D IMAGE SA 3D?

Posibleng mag-convert ng mga 2D image sa mga 3D asset. Bilang bahagi ng Substance 3D collection, pwede mong gamitin ang Adobe Substance 3D Sampler para mag-convert ng mga image sa object, materyal, at light. Pwede ka ring maglagay ng mga 2D image sa surface ng anumang 3D object sa Substance 3D Painter at Stager gamit ang feature na decal mode.

PAANO KO MAGAGAWANG 3D DRAWING ANG ISANG LARAWAN?

Kung mayroon kang isang serye ng mga image na nagtatampok sa lahat ng panig ng isang object, pwede mo itong awtomatikong i-convert sa isang 3D model gamit ang Adobe Substance 3D Sampler. Kung hindi, pwede mong gamitin ang image bilang reference habang sinu-sculpt ang object mula sa simula sa Substance 3D Modeler.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection