3D architectural rendering gamit ang Substance 3D.

Ang kalikasan, sa pinakanatural na anyo nito — na hindi nagalaw ng mga kamay ng tao — ay hindi maikakailang maganda. Isa ito sa mga kaligayahan sa mundong tinitirhan natin. Gayunpaman, ang pagbibigay ng parehong kagandahan sa mga urban na espasyo ay nangangailagan ng kaunting kasanayan. Dito papasok ang architect.

rendering of an office building

Sa sentro nito, nakatuon ang arkitektura sa pagseserbisyo sa iba sa pamamagitan ng pag-design ng itinayong environment. Pero sa pang-araw-araw na antas, dapat gampanan ng mga arkitekto ang tungkuling ito habang nahihikayat sa isang hanay ng mga direksyon ng iba't-iba, at kadalasan ay magkakasalungat, at praktikal na kahilingan — mga kliyenteng binabago ang mga paunang konsepto, alalahanin tungkol sa sustainability, kahit na ang karaniwang mahihigpit na deadline. Pwedeng gampanan ng lahat ng salik na ito at ng marami pang iba ang tungkulin sa pagpapasya ng pinal na resulta ng mga proyekto sa arkitektura.

Mabuti na lang, kapag gumamit ng pamamaraang nakatuon sa 3D sa isang workflow ng arkitektura, malayo ang mararating nito sa pagtupad sa marami sa mga kinakailangang ito.

Syempre, ang kalidad ang pinakamahalagang alalahanin sa kahit anong gawain sa arkitektura. Ang trabaho ng isang arkitekto ay dapat pinakamahusay niyang magagawa, sa bawat pagkakataon. Dito, mainam na solusyon ang mga 3D tool gaya ng mga tool sa toolset ng Adobe Substance 3D. Nagbibigay-daan ang mga tool na ito sa mga architect na gumawa ng mga lubos na photorealistic na image. Madaling mailalagay ang mga ginawang asset sa buong 3D scene, para ipakita ang mga proyekto sa buong konteksto ng mga ito.

Pero ang bilis at reactivity sa mga nagbagagong kinakailangan ay mahahalagang pangangailangan din sa trabaho ng isang arkitekto. Nagbibigay din dito ng iba't ibang solusyon ang isang diskarteng nakatun sa mga 3D tool. Binibigyan ng toolset ng Substance 3D ang mga architect ng kakayahang gumawa at magbago ng mga asset nang madali at mabilis, kung kinakailangan. Bukod pa rito, nagbibigay ang library ng asset sa Substance 3D ng iba't ibang madaling gamiting 3D model at materyal.

Dahil ang real-time na 3D visualization, kabilang ang virtual reality at augmented reality, ay lalong nagiging inaasahang paraan para magpresenta ng mga proyekto sa arkitektura, nakatuon ang Adobe sa pagbibigay ng iba't ibang 3D tool na nagbibigay-daan sa mga architect na pataasin ang kahusayan, flexibility, at pagkamakatotohanan ng kanilang mga proyekto sa architectural visualization.

Mga digital na materyal: Isang malaking hakbang patungo sa mas mainam na kahusayan.

Digital Materials
Mahalaga ang mga ultrarealistic at ganap na nako-customize na materyal sa paggawa ng mga de-kalidad na visual. Halimbawa, kung gusto mong magmungkahi ng marmol na surface sa isang kliyente, kailangan itong magmukhang marmol sa bawat paraan — ito ay dapat nasa tamang kulay at may tamang antas ng pagka-reflective, at dapat tumpak ang mga pattern ng ugat sa loob ng surface nito. Kahit anong mas kaunti, at hindi magiging kapani-paniwala ang visual. Higit pa rito, kailangan mong makagawa ng mga makatotohanan at nakakahikayat na eksena nang mabilis.

“Ang Substance ay ang pinakamahalagang bahagi ng workflow ng materyal ko.”

— ROBERTO DE ROSE, ART DIRECTOR, STATE OF ART STUDIO

Mabuti na lang, binibigyang-daan ka ng toolset ng Substance 3D na lagyan ng texture ang mga asset at scene mo gamit ang mga parametric at nababagong materyal. Ang paggamit sa mga materyal na ito ay kasing simple ng pag-drag at pag-drop sa mga ito sa mga asset mo at pag-aayos ng mga slider para makuha ang eksaktong hitsurang kailangan mo.

May iba't ibang source para sa mga materyal na ito

Gawin ang mga photorealistic na materyal na kailangan mo.

photorealistic materials

Hindi umiiral ang perpekto at lubos na tunay na materyal. Sa katunayan, ang mga imperpeksyon ng isang materyal ang nagre-render dito na maging kapani-paniwala. Nasa mga detalye ang katotohanan.

Binibigyang-daan ka ng toolset ng Substance 3D na gumawa at maglagay ng mga sarili mong makatotohanang materyal, imperpeksyon, at marami pa. Pwede kang gumawa ng mga materyal nang ganap na mula sa simula gamit ang Substance 3D Designer, o pwede kang bumuo sa data mula sa mga gusto mong scanner ng materyal, tulad ng mga ginawa ng Vizoo o X-Rite. Pwede mong gamitin ang materyal nang eksakto kung ano ito, o pwede mong baguhin pa ito, na magbabago sa mga bahagi nito, o magdaragdag ng mga ganap na bagong katangian — halimbawa, sa aming halimbawa ng marmol, pwede mong piliing baguhin ang kulay ng marmol, o magdagdag ng mga ugat kung saan walang ganito dati.

Pwede mo ring gamitin ang Substance 3D Sampler para gumawa ng mga sarili mong digital na materyal. Kumuha lang ng larawan ng materyal na sample mo at ilagay ang image sa Sampler — iko-convert ito ng tool sa isang 3D material. Tulad sa Designer, palagi kang may kakayahang baguhin ang mga katangian ng isang materyal kung kinakailangan.

Alinmang pamamaraan sa paggawa ng materyal ang gamitin mo, pwede kang gumawa ng mga tillable na materyal na hanggang 8K ang resolution, at mag-save ng mga materyal na may mga preset kung kinakailangan. Pwedeng i-export ang kahit anong image na ginawa sa toolset ng Substance sa iba't ibang format, sa lahat ng pangunahing 3D tool.

Isang koleksyon ng mga magagamit nang 3D architectural asset.

A treasure trove of ready-to-use assets

Kung mas gusto mong gumamit ng mga kasalukuyang resource, pwede kang mag-import ng mga 3D material kung kinakailangan, mula man sa mga third-party na source o mula sa library ng asset sa Substance 3D. Naglalaman ang marketplace ng 3D Assets ng libo-libong nakahanda nang 3D material — kasama ang, halimbawa, maraming iba't ibang uri ng mga kumpletong batayang kahoy, marmol, konkreto, salamin, at marami pang iba — pati na rin iba't ibang modelo, HDRI, at image-based lighting (mga IBL).

“Ang library ng asset sa Substance 3D ay isang mahusay na tool na magagamit para sa paggawa ng mga makatotohanang materyal nang hindi kinakailangang gawin ang mga ito mula sa simula. Halimbawa, ginawa ang carpet ng lugar ng trabaho simula sa library ng asset sa Substance 3D.”

— MIRKO VESCIO, CEO, ONEIROS

Ang paggawa o paghahanap ng asset na makakatugon sa mga pangangailangan mo ay madali, at mabilis, at magbibigay-daan sa iyong mabilis na magtatag ng sarili mong indibidwal na library ng materyal.

Katumbas ng higit na pagkamalikhain ang higit na kahusayan.

Greater efficiency equals greater creativity

Pinapadali ng toolset ng Substance 3D ang paggawa ng mga variation ng mga proposal sa design mo. Binibigyang-daan ka ng mga procedural na materyal ng Substance na mag-generate ng walang katapusang matrix ng mga materyal, na nagbibigay-daan sa iyong mag-eksperimento sa mga posibilidad ng mood at materyal hangga't kinakailangan — at i-render ang bawat isa bilang de-kalidad na image, kung kinakailangan.

Ang net na resulta ay pwede mong dagdagan ang creative proposal na output mo, kumpara sa mga mas karaniwang paraan ng pag-design, habang pinapanatili ang mga napakataas na antas ng kalidad ng image para sa bawat proposal na ito.

Hindi mapapantayang presentation.

Unparalleled presentation

Isa pang advantage ng workflow ng arkitektura na nakatuon sa 3D: Magagamit ang mga 3D asset sa iba't ibang format ng presentation. Kasama sa mga posibilidad ang high-end na pag-render ng image, mga pelikula, 360-degree na immersive na experience, at mga virtual na tour na ginawa sa mga tool tulad ng Unreal Engine o Unity.

Pwedeng sumakto ang mga 3D asset mo sa alinmang style ng presentation ang pinakabagay sa iyo.

Dali ng paggamit sa workflow ng arkitektura mo.

Ease of use in your architecture workflow

Nagtatampok ang toolset ng Substance 3D ng madaling interoperability sa pagitan ng iba't ibang application nito, pati na rin ng tuloy-tuloy na integration sa lahat ng pangunahing 3D tool, nang offline at real-time. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga plugin ng Substance 3D na mag-import, mag-edit, at mag-visualize ng mga material ng Substance 3D nang direkta sa mga tool sa pagguhit tulad ng Sketchup; sa mga tool sa modeling tulad ng Revit, 3ds Max, Maya, Rhino, Cinema 4D, at Modo; sa mga engine ng 3D rendering kasama ang Lumion, V-Ray, o Corona; sa plugin ng Enscape VR; at sa mga pangunahing engine ng laro, tulad ng Unreal Engine, o Unity. Anuman ang pipiliin mong tool, pwedeng bumagay ang toolset ng Substance 3D sa workflow mo.

Interesado ka bang gamitin ng kumpanya sa arkitektura mo ang Substance 3D? Alamin pa.