Design ng fashion gamit ang Adobe Substance 3D.
Ilang taon lang ang nakalipas, ang mga tool sa 3D design ay itinuturing ng marami na kabilang sa mga domain tulad ng pagmamanupaktura ng automotive o illustration ng arkitektura — ibig sabihin, ang design ng mga hard-surface na gawa. Iniisip ng karamihan na ang pag-design ng mga mas flexible na item gaya ng mga tela o damit ay masyadong kumplikado para sa mga kasalukuyang tool sa 3D design.
Paano binago ng 3D design ang fashion.
Hindi na ito totoo. Binabago ng teknolohiya ng design ng 3D fashion ang paraan ng diskarte ng mga creative sa industriya ng apparel, fashion, at luxury (AF&L) sa pagbuo ng produkto, paggawa ng pattern, pagsusukat, at marami pa. Sini-steamline ng 3D clothing design software ang proseso ng pagbuo ng design, na nakakabawas sa oras at gastos pati na rin sa epekto sa kapaligiran. Binibigyang-daan ng mga experience sa 3D & AR ang mga brand ng fashion na kumonekta sa mga audience sa buong mundo, na nanghihikayat ng mas malakas na affinity ng brand.
Ngayon, pwedeng magpakita ang 3D technology ng mga ultrarealistic na image ng cloth drape at hitsura at patuloy nitong binabago ang industriya ng AF&L. Gumagamit ang mga kumpanya tulad ng Adidas, Hugo Boss, Louis Vuitton, at marami pang iba ng mga 3D solution bilang bahagi ng workflow ng design ng mga ito.
Syempre, nananatili ang ecommerce bilang umuunlad na larangan ng interes para sa mga creator ng damit. Binubuksan ng paggamit ng mga 3D tool ang posibilidad na isama ang augmented reality at mga immersive experience sa ecommerce, na nakakatulong na mapataas ang perception ng brand at mapabuti ang mga ugnayan ng customer. Sa loob ng ilang taon, nagtanong ang mga designer ng damit, “Pwede bang maging sapat na kaakit-akit ang virtual na damit para bigyang-daan ang mga potensyal na customer na magpasyang bumili?” Matunog na oo ang sagot sa tanong na ito.
Isang mas mabilis at mas flexible na paraan ng pagbuo ng produkto.
“Binibigyang-daan kami ng Substance na maging mas creative at mapag-eksperimento, habang binabawasan ang mga oras ng produksyon namin — pero higit sa lahat, makamit ang mga kamangha-manghang resulta.”
— BASTIAAN GELUK, INDG
Malaki ang mga advantage na maibibigay ng mga tool sa 3D design sa mga kumpanya ng damit. Ang isa sa mga pangunahing benepisyo ay kung paano nakakatulong ang mga ito na madagdagan ang pangkalahatang bilis ng produksyon. Ang mga designer ay pwedeng magsagawa ng maraming pag-uulit ng isang kasuotan nang virtual, na posibleng mabawasan ang oras ng produkto sa market nang ilang linggo o buwan. Pwede silang gumawa at mag-share ng mga photorealistic na visual ng produkto kung kinakailangan nang hindi naghihintay ng mga aktwal na sample, at lubos na binabawasan ng paggawa sa 3D ang mga gastos na nauugnay sa aktwal na pag-prototype.
Kaakibat ng nadagdagang bilis ang kakayahang magmungkahi ng mas malawak na hanay ng mga opsyon sa creativity. Binibigyang-daan ka ng toolset ng Adobe Substance 3D na baguhin nang sabay ang mas maraming prospect ng design kaysa sa posibleng mangyari gamit ang mga mas karaniwang tool. Bukod pa rito, pwede kang gumawa ng mga makatotohanan at detalyadong visual ng lahat ng ideya ng design mo, na nagbibigay-daan sa iyo na ipakita ang gawa mo nang may totoong epekto.
Ang sustainability ay malaking alalahanin para sa negosyo ng damit tulad sa kahit anong industriya. Tinutugunan ng proseso ng 3D ang alalahaning ito — lubos na binabawasan ng pag-design ng mga kasuotan sa 3D ang basurang nauugnay sa paggupit at pagsusukat ng pattern. Sa madaling salita, ang paggawa sa 3D ang pinaka-etikal at sustainable na pamamaraan sa design ng damit. I-design ang koleksyon mo sa 3D, magsagawa ng mga virtual na pagsusukat sa 3D, o kahit na ilabas ang koleksyon mo nang virtual.
Ibahin ang anyo ng proseso ng pag-design ng damit mo gamit ang Substance 3D.
Binibigyang-daan ka ng toolset ng Adobe Substance 3D na gumawa ng kahit anong materyal na maiisip mo. Pwede kang gumawa ng mga sarili mong materyal mula sa simula o mag-extrapolate ng mga 3D material mula sa mga larawan ng mga resource sa tunay na buhay, na pwedeng baguhin kung kinakailangan. Pwede ka ring tumukoy ng mga sarili mong preset ng materyal para bigyang-daan ang madaling pag-export ng mga resource, gumawa ng mga materyal na pwedeng i-tile nang walang kahirap-hirap, at gumawa ng mga image na may napakataas na resolution (8K).
Procedural ang mga materyal ng Substance — ibig sabihin, kailangan mo lang itakda ang mga napili mong parameter para sa materyal mo, at bubuo ang software ng photorealistic na materyal na may pagkakapantay-pantay o pagiging natatangi tulad ng kinakailangan mo. Halimbawa, kapag gumagamit ng leather na materyal, pwede mong tukuyin ang mga parameter na kinabibilangan ng kulay nito, ang direksyon at pagkakapantay-pantay ng grain nito, kung gaano ito kagaspang o kakinis, at ang antas ng pagkasira nito. Ang paggamit ng maraming parameter hangga't kailangan mo, pwede kang gumawa ng walang katapusang matrix ng mga materyal. Maglapat ng mga karagdagang element tulad ng mga tahi o decal para gumawa ng walang katapusang resulta.
I-integrate sa ibang 3D clothing design software.
Pwede kang walang kahirap-hirap na magpalipat-lipat sa pagitan ng toolset ng Substance 3D at iba pang tool sa workflow ng design ng damit. Kapansin-pansing pwede mong isama ang 2D content na ginawa kasama ng iba pang tool ng Adobe Creative Cloud, tulad ng Illustrator o Photoshop, at dalhin ang mga ito sa toolset ng Substance para magamit sa 3D. Halimbawa, pwede kang maglapat ng logo bilang 3D decal, o gumamit ng 2D design bilang alpha para maglapat ng kulay sa isang materyal sa 3D. Walang kahirap-hirap ang pagpapalipat-lipat sa pagitan ng Substance 3D at iba pang tool.
Pwede mo ring i-export sa mga external na application ang ginawa mo gamit ang mga tool ng Substance 3D. Halimbawa, pwede kang gumawa ng experience sa augmented reality, o kahit isang virtual na catwalk. Lubos na pinapadali ng toolset ng Substance ang mga ganitong uri ng proyekto.
Higit pa rito, direktang naka-integrate ang mga magagamit nang materyal ng Substance sa maraming pangunahing software tool na ginagamit sa industriya ng damit. Pwede mong baguhin at gamitin ang mga materyal ng Substance nang direkta sa mga third-party na application, nang hindi bumabalik sa Substance 3D software mo. Posible ito sa mga tool sa pagmomodelo tulad ng CLO, Marvelous Designer, Vstitcher ng Browzwear, at Maya, pati na rin sa Unreal Engine game engine at mga rendering engine na V-Ray at Redshift.
“Ang benepisyo ng paglalapat ng isang materyal ng Substance sa CLO sa isang gawaing isinasagawa at ang kakayahang baguhin ang mga parameter ng materyal on the go ay talagang nagtatakda ng bagong pamantayan.”
— JOHN-DANIEL ISACSSON, H&M
Isang mundo ng mga digital na materyal.
Para gumawa ng mga nakakahikayat at photorealistic 3D garment, kailangan mo ng mga kahanga-hangang 3D material. Dito, sagot ka ng toolset ng Substance 3D.
Nagbibigay ang library ng asset sa Substance 3D ng iba't ibang ganap na parametric na materyal. Makakahanap ka ng mga leather, gantsilyo, hinabing materyal, denim, o espesyal na tela ng sportswear — at, dahil parametric, pwedeng i-adjust ang bawat isa sa mga materyal na ito kung kinakailangan para makuha ang eksaktong hitsurang kailangan mo. Bilang alternatibo, kung nahanap mo na ang hinahanap mo sa ibang lugar, pwede kang mag-import ng mga materyal mula sa mga third-party na library para magamit.
O pwede kang bumuo ng sarili mong library ng materyal mula sa simula. Isang posibilidad: Pwede mong gamitin ang Substance 3D Designer para gumawa ng mga sarili mong materyal mula sa simula. Tukuyin ang mga batayang kalidad ng nilalayon mong materyal, at pagkatapos ay mag-eksperimento sa node-based na workflow hanggang sa tumugma ang materyal sa vision mo.
Ibang solusyon: Pwede mong gamitin ang Substance 3D Sampler para i-digitize ang mga kasalukuyang materyal sa totoong mundo at ilagay ang mga ito sa mga 3D project mo. Maglagay ng mga larawan ng mga pinili mong sample, at ie-extrapolate ng Sampler ang data na kinakailangan para i-convert ang mga ito sa mga 3D material, na pwedeng ilapat sa mga kasuotan kung kinakailangan. Pwede mong ilapat ang mga materyal na ito “nang ganoon mismo,” o magpatuloy pa sa pamamagitan ng pagbabago ng ilang bahagi o pagdaragdag ng mga bago. Walang hanggan ang mga posibilidad.
Mag-paint ng mga detalye at graphics sa iyong 3D asset.
“Binabawasan ng Substance ang hadlang sa pagpasok ng mga user na mas kaunti ang experience at binibigyang-daan nito ang kahit sino na gumawa ng mga aplikasyon ng materyal gamit ang mga kamangha-manghang antas ng pagiging makatotohanan. Bahagi dapat ito ng workflow ng mga digital na materyal ng lahat.”
— SAFIR BELLALI, VF CORPORATION
Pwede kang maglapat ng mga naka-print na design sa mga kasuotan, habang nagsasama ng mga detalye tulad ng pagbuburda, flocking, glitter, at plastic injection. Binibigyan ka ng mga 3D tool ng kumpletong kontrol sa mga katangian tulad ng kulat, kintab, kapal, at metallicity ng mga print, at marami pa. Bukod pa rito, pwede mong i-visualize ang kahit anong pagbabago nang real time, habang mabilis na ginagawa ang mga pagbabago kung kinakailangan. Subukan ang kahit anong ideyang maiisip mo at panatilihin ang magagandang resulta.
Interesado ka bang gamitin ng kumpanya mo ang Substance 3D? Alamin pa.