https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Saan natin nakikita ang 3D visualization ngayon.

Ang visualization ay isang mahusay na tool sa anumang kapasidad kapag may gustong ipresenta ang isang creator sa isang user. Makakakita ka ng mga application ng 3D sa iba't ibang larangan, kabilang ang arkitektura, design ng produkto, gaming, produksyon ng pelikula, at kahit pagsusuri ng data.

  • Arkitektura: Nagbibigay-daan ang 3D visualization sa mga arkitekto na magpakita ng mga design ng gusali at landscape sa format na interactive at lubos na makatotohanan.
  • Entertainment: Sa mga pelikula man, video game, virtual reality, o iba pa, male-leverage ng mga studio ang mga 3D tool para mabigyang-buhay ang mga mundo at character.
  • Pagsusuri ng data: Ginagamit din sa mga siyentipikong pananaliksik ang mga tool ng 3D visualization. Pwedeng gamitin ng mga mananaliksik ang mga algorithm para magproseso ng data at gumawa ng mga visualization gaya ng data. Ginagamit ang visualization sa astronomy, geology, at marami pa.

Paano gumagana ang 3D visualization?

Sa pamamagitan ng paggamit ng specialized na software, tulad ng mga Adobe Substance 3D app, pwedeng i-convert ang 2D dimensional data sa isang visual na format na lumalabas sa 3D at napakatumpak na gumagaya sa totoong buhay. Kabilang sa 3D visualization ang paggawa ng mga 3D model, paglalagay ng lighting, mga texture, mga materyal, at mga animation, at pag-render para sa isang panghuling output.

Panoorin ang 3D visualization nang live at ang kakayahan ng photogrammetry sa Substance 3D Sampler.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/discover/3d-visualizations/3d-visualization-work#video-tools1 | ImageLink | :play:

Mga advantage ng 3D visualization.

Sa mundo ngayon, napakahalagang paraan ng immersion at konesyon para kumonekta sa ibang tao, lalo na sa mga customer. Maraming benepisyo ang paggamit ng 3D para magbahagi ng mga ideya, magpakita ng data, o gumawa ng masasayang karanasan:

  • Pagandahin ang experience ng user
  • Magparami ng mga conversion
  • Nakakatipid ng oras at pera


Creating hyper-realistic renders using 3D visualization software

Image ni Daniel Margunato.

Gumawa ng sarili mong 3D visualization.

Depende sa ninanais mong magawa sa tulong ng 3D, mahalaga ang pagkakaroon ng mga tamang tool sa toolbox mo. Binuo namin ang Adobe Substance 3D sa layuning tumulong na pagkaisahin ang mga workflow ng mga 3D artist sa isang sentralisadong lugar.

Ang Substance 3D ay may mga software na makakatulong sa halos bawat hakbang ng proseso ng 3D visualization, kabilang ang modeling, pag-texture, at pag-render. Hindi mabilang ang mga paraan na magagamit ng mga creator ang 3D visualization software para gumawa nang mas mahusay at epektibo. Nasasabik kaming makita ang mga gagawin mo.

Mga Madalas Itanong

ANO ANG DESIGN NG VISUALIZATION NG DATA?

Ito ang paraan kung saan nakakagawa ang software ng mga visual na representasyon ng data sa paraang epektibong nagpapakita ng impormasyon sa mga mananaliksik o sa isang audience. Magagamit ito bilang tool sa pananaliksik, at bilang paraan ng pagpapakita ng impormasyon. Magagamit ito bilang mahusay na tool para gawing simple ang kumplikadong impormasyon at padaliin ang pagsusuri ng data.

PAANO GINAGAMIT SA PAG-ANIMATE ANG 3D VISUALIZATION?

Mahalaga ang tungkulin ng 3D visualization sa pag-animate. Sa karaniwan, ginagamit ng mga animator ang mga 3D model na na-rig na, para maiposisyon nila ang mga model at makagawa sila ng mga sequence ng animation. Kabilang sa pag-rig ang paggawa ng digital na skeleton sa loob ng isang 3D model para mabigyang-daan ang mga animator na tukuyin kung paano dapat gumalaw at ma-deform ang model. Kung wala ang 3D visualization software at mga tool, walang mabibigyang-buhay ang mga animator gamit ang paggalaw.

MAGANDA BANG CAREER ANG 3D VISUALIZATION?

Nahahanap ng 3D ang lunan nito sa dose-dosenang industriya. Kapag may kaalaman at kasanayan sa epektibong paggamit ng software at mga tool sa 3D visualization, maraming oportunidad ang magpapakita. Para sa sinumang interesado sa pagsisimula ng career gamit ang kakayahan nila sa 3D, mahalagang tandaan na dahil napakalawak ng larangan, marami itong application bukod pa sa pelikula at gaming.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection