https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Paglampas sa hamon ng pagbuo ng mga 3D model mula sa mga video.

Tingnan natin ang dalawang pangunahing hamon na maaari mong harapin kapag sinusubukang gumawa ng mga 3D object mula sa video kumpara sa mga still image.

1. Resolution.

Napakahalaga ng resolution sa pagkakaroon ng pinakamagagandang resulta sa proseso ng 3D scanning. Ang resolution ay tungkol sa kung gaano karaming detalye ang nilalaman ng isang espasyo at maaapektuhan nito kung gaano kaganda ang 3D scan mo sa huli. Magiging malaking hadlang sa proseso ng pag-capture ang mas mababang resolution at anumang artifact na maaaring mangyari sa isang image. Tandaan, kung mas maraming detalye ang image mo, ganoon din ang 3D object mo.

Kahit na may mga 8k na camera na mabibili, sobrang mahal ng mga ito. Sa huli, hindi makatwirang gumamit ng magastos at high-end na video camera para pataasin ang resolution, kung magagamit naman ang mga still image. Sa bawat kategorya, magbibigay ng mga mas malinaw at mas mataas na resolution na image ang mga larawan, nang mas mura pa.

2. Motion blur.

Ang susunod na pangunahing hamong haharapin mo kung gagamit ng video para gumawa ng mga 3D model ay ang motion blur. Nangyayari lang ang blur sa mga still image na kinuha nang may mabagal na shutter speed mula sa isang gumagalaw o hand-held na camera. Pagdating sa 3D capture, hindi dapat ito maging isyu. Sa pamamagitan ng paggamit ng isang tripod, makakakuha ng malilinis na image na walang blur mula sa bawat anggulo ng object na kailangan mo.

Para sa video, sa kabilang banda, hindi kasindaling malulutas ang isyu ng motion blur. Ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang motion blur sa video ay ang pag-shoot nang may mas mabibilis na shutter speed. Makakaya naman ang pag-shoot ng mas maraming frame per second, pero tandaan na nangangahulugan din ang mas mabilis na shutter speed ng mas kaunting liwanag na makakarating sa mga sensor ng camera. Para makabawi rito, gugustuhin mong maging nasa isang environment kung saan nakokontrol ang lighting para sa pinakamagagandang resulta. Kapag nagdagdag ng masyadong malakas na liwanag, maaaring magkaroon ng mga shadow at highlight na hindi rin maganda sa panghuli mong na-scan na object.

Dinosaur 3d model from video
Image ni Andrew Palmer.

Ang benepisyo ng videogrammetry: madaling gamitin.

Tinalakay natin ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit dapat kang gumamit ng mga still image sa halip na video, kaya pag-usapan natin ang lugar ng video sa larangang ito at kung bakit mo posibleng pag-isipang gamitin ito.

Maaaring nakakaubos ng oras ang pagkuha ng dose-dosenang indibidwal na image na kailangan para sa maayos na 3D scan. May ilang solusyon, madalas ay mga smartphone app, na nagbibigay ng mga opsyong video to 3D dahil madaling gamitin ang video. Mas mabilis mag-record ng object kaysa kumuha nang kumuha ng larawan.

Kung naghahanap ka ng mabilis na paraan at may access ka sa smartphone, posibleng ang paggawa ng mga 3D model mula sa video ay ang pinakasimpleng solusyon para sa iyo. Gayunpaman, magkakaroon ka pa rin ng mas magagandang resulta gamit ang mga still image na may matataas na resolution. Mahalagang tandaan na gumagamit ang mga app na ito ng mga indibidwal na frame mula sa video mo, na kung tutuusin ay mga still image. Dapat tanungin ng bawat artist na gumagawa ng mga model mula sa video ang mga sarili nila kung mas matimbang ba ang natitipid na oras kaysa sa mas magandang kalidad na makukuha sa pamamagitan lang ng pagkuha mo ng mga still image gamit ang tripod at camera.

3d eye model from video using videogrammetry
Mga image ni Andrew Palmer.
videogrammetry software

Mga kinakailangang hardware.

Kung gumagamit ka ng telepono, para makuha ang pinakamagagandang resulta, pwede kang gumamit ng smartphone na may mga LiDAR sensor tulad ng iPhone 12 at 13 Pro.

Bilang bahagi ng Adobe Substance 3D, ibinibigay namin angg Substance 3D Sampler, isang mahusay at madaling gamiting 3D capture software para sa paggawa ng mga 3D object mula sa mga larawan. Malakas na processing power ang kailangan para tumpak na makapag-photo o video scan ng object. Para sa Sampler sa 2023, inirerekomenda namin ang Intel i7 o AMD Ryzen 7 CPU o katumbas. Gugustuhin din ng mga user ang malakas na GPU tulad ng isang nasa 30-level series o pataas. Para sa RAM, sapat ang 32GB, pero para sa maraming proyekto, 64 ang mainam.

Para sa kumpletong gabay sa mga kinakailangan at inirerekomendang hardware ng Sampler, suriin ang dokumentasyon namin.

Mag-capture ng mga nakakaakit na 3D asset sa Adobe.

Isang magandang paraan ang Substance 3D Sampler para magsimula sa photogrammetry. Kahit na hindi namin sinusuportahan ang video to 3D object na solution, ginagawang simple ng teknolohiya naming pinapagana ng AI ang proseso. Kung magagawa mong kumuha ng malilinis na larawan na may magandang lighting, ang Sampler na ang bahala sa iba pa.

Gamit ang parehong masking technology na nasa Photoshop, awtomatikong ima-mask ng Sampler ang mga image mo para ang pangunahing subject lang ang mare-recreate. Kung sapat na sa iyo ang masking, ipoproseso ng Sampler ang mga image, gagawa ito ng point cloud, at gagawa ng 3D mesh na may mga texture.

Nagbibigay-daan sa iyo ang Sampler na mag-mix at mag-blend ng mga materyal para mabilis na makagawa ng mga nakakamanghang pagbabago sa mga hitsura ng model.

I-explore ang 3D capture gamit ang Substance 3D Sampler.

Gaya ng nakikita mo, kawili-wili ang paggawa ng mga 3D model mula sa video, pero hindi ito ang pinakamagandang solusyon sa karamihan sa mga sitwasyon. Para alamin pa ang tungkol sa 3D capture at lahat ng magagawa mo gamit ang Adobe Substance 3D Sampler, tingnan ang panimulang video na ito kung saan isa sa mahuhusay na 3D artist namin ang nagpapakita ng proseso ng pag-capture mula umpisa gamit ang mga still image.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/discover/create-3d-models-from-video/explore-3d#video-tools1 | ImageLink | :play:

Mga Madalas Itanong

ANO ANG PAGKAKAIBA NG PHOTO AT VIDEOGRAMMETRY?

Ang photogrammetry ay ang proseso ng pag-extract ng data ng sukat mula sa mga larawan. Gamit ang sapat na mga image ng isang object mula sa iba't ibang anggulo, makakagamit tayo ng software para i-reconstruct ang object na iyon bilang 3D model. Gumagana ang videogrammetry sa parehong paraan, bukod sa gumagamit ito ng footage ng video bilang source ng mga sukat na ito.

GUMAGAMIT BA ANG SUBSTANCE 3D SAMPLER NG VIDEO PARA GUMAWA NG MGA 3D MODEL?

Hindi direktang sinusuportahan ng Sampler ang videogrammetry. Para magamit ang tool sa 3D Capture ng Sampler, magsusumite ka ng isang serye ng mga still image sa wizard. Gayunpaman, kahit sino ang makakagamit ng tool tulad ng Photoshop, o isang software na pang-edit ng video para mag-extract ng mga still image mula sa video. Para sa pinakamagagandang resulta, inirerekomenda namin ang pag-capture ng mga still image na may mataas na resolution.

KAILAN MAGANDANG GAWIN ANG 3D CAPTURE SA 3D?

Isang magandang paraan ang paggawa ng mga 3D object mula sa mga image para dagdagan ang 3D pipeline mo. Bagama't maaaring kailanganin ng mga object na prominenteng itatampok sa isang shot ang detalye at pag-iingat ng hands-on modeling, maraming shot ang binubuo ng napakaraming object. Maraming oras ang matitipid ng isang artist o team sa paggamit ng photogrammetry sa paggawa ng mga makatotohanang 3D asset.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection