Mas pagandahin ang creative work mo sa Substance 3D.
Napapasaya ng Get It Studio ang mga kliyente sa pamamagitan ng mga 3D design na hitik sa texture na talagang kamangha-magha.
Mas pagandahin ang gawa mo sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga Creative Cloud app sa Substance 3D
Mula sa Illustrator hanggang sa Substance 3D Painter, gawing 3D ang mga 2D mong proyekto.
HAKBANG 1
Mag-design sa 2D
Simulan ang proyekto mo sa Illustrator: gumawa ng mga vector shape, magdagdag ng mga kulay, at pagandahin ang design mo. Mag-render ng 2D image gaya ng ginawa ng Get It Studio dito o magpatuloy para gawing 3D model ang design mo.
HAKBANG 2
Gawin itong 3D
I-import ang design mo sa 3D modeling software o i-extrude ito nang direkta sa Illustrator.
HAKBANG 3
Maghanap ng mga materyal at texture
Pumili ng mga 3D material at texture mula sa library ng Mga Asset sa Substance 3D o gumawa ng sarili mo.
HAKBANG 4
I-paint at i-render ang bawat detalye
Gamitin ang Substance 3D Painter para i-paint at ilagay ang mga materyal nang direkta sa model mo. Gumawa ng mga sira ng tulad ng pagkaluma gamit ang mga dynamic na brush at tool para magmukhang totoo ang mga model mo.
“Pagkatapos lumipat sa 3D gamit ang Substance, nagawa naming mag-manage ng maraming proyekto nang sabay-sabay, magbigay ng mabibilis na variant sa mga kliyente namin, at hanapin ang angkop na materyal.”
Alexandre Armand at Sandra Golay, Get It Studio
Inirerekomenda para sa iyo
Branded na design ng packaging
Ipagsanib ang Illustrator sa kakayahan ng Substance 3D para gumawa ng mga mockup.
Gawing 3D ang mga 2D logo
Gumawa ng 2D logo sa Illustrator at gawin itong 3D sa Substance 3D.
Mga tip sa 3D design
Alamin kung paano ginagamit ng mga designer, studio, at kumpanya ang Substance 3D.