#1E1E1E

Adobe Acrobat Sign

Padaliin ang paperwork gamit ang mga e-doc.

Alamin kung paano masi-streamline ng mga electronic na dokumento ang mga proseso ng negosyo at system ng pag-file habang tinitiyak ang simple at secure na access sa mga partner mo.

I-explore ang Acrobat Sign

Person wearing glasses staring into the camera

Ano ang mga e-doc?

Ang electronic na dokumento, o e-doc, ay isang digital na file na pamalit sa pisikal na kopya o printout. Tulad ng mga PDF, mas madali ang pag-share, pag-aayos, at pag-collaborate sa mga e-doc, nasa iisang opisina man ang mga team o nasa iba't ibang lugar sa mundo. Secure ang mga ito at magagawa mong tingnan, suriin, at lagdaan ang mga ito — at subaybayan ang pag-usad ng mga ito — mula sa kahit anong device.

Tumuklas pa tungkol sa mga e-signature

Multiple e-docs on mobile devices

Ang mga pakinabang ng paggamit ng mga electronic na dokumento.

Lahat ng nagagawa ng papel, nagagawa nang mas mahusay ng mga electronic na dokumento. Nananatili lang sa opisina ang papel, habang naa-access mo ang mga e-doc kailanman at saanman, salamat sa cloud-based na storage. Ang organisado, laging available, at secure na electronic workflow na ito ang tutulak sa mga negosyo na magpatuloy at tutulong sa bottom line ng kumpanya mo.

Nakakatipid sa pera at pisikal na storage space ang pagiging paperless, at binabawasan nito ang mga karagdagang gastos sa pagpapa-print ulit ng mga na-update na dokumento. Pinapadali rin ng mga electronic na dokumento ang collaboration at pinapahusay nito ang serbisyo sa customer, na nakakatulong na i-streamline ang mga proseso at pabilisin ang kakayahan mong magpatakbo ng negosyo. Bukod pa rito, makakatipid ka ng oras sa paghahanap ng mga partikular na salita, parirala, o detalye sa mga e-doc.

Paano ginagawang mas secure ng mga PDF ang pag-manage sa dokumento.

Ang mga kumpidensyal na e-doc tulad ng mga kontrata, invoice, purchase order, form ng HR, at mga release ay pwedeng i-store at protektahan gamit ang mga firewall at i-back up mula sa pagkasira at file corruption. Pwedeng i-lock sa pamamagitan ng password ang mga na-e-sign na dokumentong ito para paigtingin ang seguridad, kahit na kumikilos ka sa bilis ng negosyo para mabilis na iproseso ang mga kontrata o kumpidensyal na digital na form.

PDF document on a laptop

Mga uri ng electronic na dokumento.

Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang uri ng mga e-doc.

1. Mga dokumento.

Mula sa mga kontrata at proposal hanggang sa mga gabay para sa user at manuscript, mako-convert mo ang anumang Microsoft Word na dokumento o text file sa PDF na madaling i-share, i-annotate, o lagdaan.


2. Mga presentation.

Pwede kang mag-convert ng mga PowerPoint file at iba pang slide presentation para i-send bilang resource pagkatapos mong i-present ang mga ito. Matitingnan ang mga file na ito sa kahit anong computer o mobile device nang walang kahirap-hirap, kaya nagiging mas accessible pa sa audience mo ang impormasyon.


3. Mga spreadsheet.

Pinakamagandang subaybayan ang mga numero at data sa mga spreadsheet, at pinapasimple pa ng kakayahang i-convert at ipakita ang data na iyon sa mga PDF na madaling basahin — na pwede sa kahit anong screen — ang secure na pag-share ng siksik na impormasyon.


4. Mga larawan.

Sa pamamagitan ng pag-convert ng mga image file sa mga PDF, makakagawa ka ng nahahanap at nashe-share na database ng madadaling i-store na image, larawan, at marami pa.


Paano pinapadali ng Adobe Acrobat Sign ang pagsagot at paglagda sa mga e-doc.

Legal na may bisa ang mga electronic signature, kaya may bentahe ang mga e-doc pagdating sa paglagda ng mga dokumento. Higit na mas secure ang mga e-signature kumpara sa mga signature sa mga tradisyonal na papel na dokumento. Naglalaman ang e-signature ng impormasyong mate-trace tungkol sa kung sino ang lumagda sa dokumento, at saan at kailan niya nilagdaan ito. Pwede ka ring gumamit ng mga e-signature para palitan ang mga sulat-kamay na signature sa mga kontrata, application form, form sa onboarding ng bagong na-hire, nondisclosure agreement, dokumento sa vendor onboarding, pati na mga kahilingan para sa mga proposal, change authorization, enrollment form para sa benepisyo mula sa pamahalaan. Madali, mas secure, at nakakatipid, nasa mga e-signature ang tatlong mahahalagang katangian ng e-doc.

Tingnan ang mga kwento na ito ng tagumpay sa e-doc.

Nakatipid ang mga negosyong ito ng mahalagang oras gamit ang mga electronic na dokumento at Acrobat Sign.

Ang Acxiom ay may transparent na status ng kontrata at pinabilis na onboarding.

Nagbibigay ang Acxiom ng data sa mga marketer sa buong mundo na nagbibigay-daan sa kanila na gumawa ng mga naka-target na sales at marketing campaign. Mataas ang demand, at lumalago ang kumpanya. Para gawing mas maayos at mas mabilis ang experience sa dokumento at kontrata, nagsimulang magpatupad ang Acxiom ng e-signature solution ilang taon na ang nakalipas. Naging sobrang matagumpay ito kaya lumipat na ang Acxiom sa Acrobat Sign Solutions sa lahat ng departamento. Nagbibigay ang team ng Salesforce ng humigit-kumulang 200 client change request kada buwan gamit ang Acrobat Sign, pero pinapanatili nito ang lahat ng record sa Salesforce.

Samantala, mas mabilis na nag-o-onboard ng bagong talent ang HR sa Acxiom gamit ang Acrobat Sign Solutions na naka-integrate sa Workday. “Ang oras na natitipid namin sa pangangasiwang nauugnay sa kontrata ay inilalaan sa pandaigdigang recruitment at pagsuporta sa mga pangangailangan ng mga empleyado,” sabi ni Kathy Brand, senior human resources manager.

E-doc on a mobile phone

Mas mabilis na kinukumpleto at binabago ng PGi ang mga kontrata.

Hindi madali ang paglago sa pagiging provider ng business communications mula sa pagiging kumpanya sa conferencing, at mas mahirap pa ito kapag walang system sa pag-manage ng kontrata sa buong enterprise. Pero pagkatapos gamitin ang integration ng Acrobat Sign Solutions sa Salesforce, nabawasan ng PGi ang tagal ng pagkumpleto ng kontrata sa average na 33 oras mula sa ilang linggo.

Dahil sa integration, sa unang pagkakataon ay nagkaroon ang PGi ng visibility sa buong proseso sa pagkumpleto ng mga kontrata. “Ine-enable ng integration ng Acrobat Sign at Salesforce ang analytics na nagpapakita sa amin ng mga pagkukulang sa proseso at kung paano namin matutugunan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga workflow namin,” sabi ni Cody Royster, director of IT, CRM Operations & Technology.

Ginagamit ng PGi ang Acrobat Sign Solutions para aprubahan ang mga pagbabago sa kontrata at makakuha ng pahintulot ng mga European na customer sa European Union’s General Data Protection Regulation (GDPR). Bukod pa rito, palaging alam ng mga sales rep ng kumpanya kung paano sinusukat at nire-reward ang performance nila dahil lumalagda ang mga bago at kasalukuyang personnel sa mga commission pack at binagong tuntunin sa commission gamit ang Acrobat Sign Solutions.

Multiple e-docs on mobile and tablet devices

Gawing bahagi ng strategic plan mo ang mga e-doc gamit ang Acrobat Sign.

Mas kailangan ngayon ng kumpanya mo na bawasan ang pagkaantala ng negosyo at panatilihin ang pagpapatuloy ng negosyo, habang nagpaplano para sa hinaharap. Lalong mahalaga ito para sa mga kontroladong industriya tulad ng mga serbisyong pinansyal at ng pamahalaan, pati na rin pangangalagang pangkalusugan at life sciences. Napakahalaga na ngayon ng seguridad at pagsunod, lalo na't lumilipat ang mga empleyado sa remote na pagtatrabaho.

Mag-send, lumagda, at sumubaybay ng mga e-signature nang walang kahirap-hirap, para maging mas mahusay na partner ang negosyo mo — na nagpapatibay sa mga ugnayan ng customer at kliyente habang nakakatipid ka ng pera. Mabilis na magdagdag ng mga electronic signature sa anumang dokumento sa ilang click lang.

Bumilis sa tulong ng Acrobat Sign

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/fragments/seo-articles/acrobat-color-blade