May mga tanong? Masasagot namin 'yan.

Ano ang {{Adobe Firefly}}?

Ang Adobe Firefly ay pamilya ng mga modelo ng creative na generative AI. Naka-embed sa mga flagship app ng Adobe at Adobe Stock ang mga feature na pinapagana ng Firefly.

Firefly ang natural na extension ng teknolohiyang ginawa ng Adobe sa nakalipas na 40 taon, na nakabatay sa paniniwalang dapat bigyang-kakayahan ang mga taong ipaalam ang mga ideya nila sa mundo tumpak kung paano nila naiisip ang mga ito.

Ano ang generative AI?

Ang Generative AI ay isang uri ng artificial intelligence na kayang isalin sa mga kamangha-manghang resulta ang text at iba pang input. Bagama't nakasentro ang talakayan tungkol sa teknolohiyang ito sa pagbuo ng AI image at art, marami pang magagawa ang generative AI bukod sa bumuo ng mga static na image mula sa mga text prompt. Gamit ang ilang simpleng salita at tamang generator ng AI, makakagawa ang sinuman ng mga video, dokumento, at digital experience, pati na makukulay na image at art. Pwede ring maging kapaki-pakinabang ang mga generator ng AI art para sa paggawa ng “mga creative na building block” tulad ng mga brush, vector, at texture na pwedeng magdagdag o humubog sa pundasyon ng mga bahagi ng content.
Ano ang ginagawa ng Adobe para matiyak na responsableng ginagawa ang mga AI-generated image?

Bilang bahagi ng aming trabaho na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinanay namin ang aming unang model ng Firefly sa content na may lisensya mula sa Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Nagsasagawa kami ng panloob na pagsusuri sa aming mga model ng generative AI upang mabawasan ang anumang mapaminsalang bias o stereotype. Nagbibigay din kami ng mga mekanismo ng feedback para makapag-ulat ang mga user ng mga output na posibleng may bias at nang maaksyunan namin ang anumang alalahanin.

Bilang karagdagan, ang Adobe ay nakatuon sa pagbuo ng tiwala at transparency sa digital na content gamit ang Content Credentials. Ang Content Credentials ay gumaganap bilang isang digital na "label ng nutrisyon" na maaaring magpakita ng mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ginawa at binago ang content, kabilang ang kung paano ginamit ang AI. Awtomatikong inilalakip ng Adobe ang Content Credentials sa mga image na ginawa sa Firefly upang ipakita na ang mga ito ay binuo ng AI. Ang antas ng transparency na ito ay nagbibigay sa mga creator ng paraan upang i-authenticate ang kanilang content at tinutulungan ang mga consumer na gumawa ng matalinong pagpapasya tungkol sa content na nakikita nila online.

Ito ang misyon sa likod ng cross-industry coalition na Content Authenticity Initiative (CAI). Ang CAI ay itinatag kasama ng Adobe noong 2019 at ngayon ay mayroon nang higit sa 3,300 miyembro kabilang ang mga tech company, organisayon ng balita, NGO, academia at higit pa. Nakikipagtulungan ang CAI sa Coalition for Content Provenance and Authenticity (C2PA) na organisasyon ng industry standards, na bumuo ng teknikal na detalye para sa provenance na teknolohiya na ginagamit sa Content Credentials.

Aling {{Creative-Cloud-apps}} ang may Firefly?

Sinisikap naming dalhin ang Adobe Firefly sa mga app ng Creative Cloud. Mga feature na pinapagana ng Firefly ay kasalukuyang makikita sa {{Photoshop}}, {{Illustrator}}, {{Adobe-Express}}, {{Substance-3D}}, {{InDesign}}, {{lightroom}} at {{Adobe-Stock}}.

Ano ang mga generative credit?

Ang iyong subscription sa Creative Cloud, Adobe Express, Firefly, o Adobe Stock ay may kasama nang buwanang generative credits na nagbibigay sa iyo ng access sa mga content creation na mga feature na pinapalakas ng Firefly. Alamin pa ang tungkol sa mga generative credit.

Anong mga wika ang sinusuportahan ng Firefly?

Inihahatid ng Firefly ang kakayahan ng generative AI sa mga audience sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsuporta sa mahigit 100 wika para sa mga input ng text prompt. Para sa pagsasalin ng audio at video, sinusuportahan ng Firefly ang higit 20 wika.

Ano ang pagkakaiba ng mga model ng Firefly Image?

Ang mas bagong henerasyon ng mga image generation model sa Firefly ay gumagawa ng mga image na mas maganda ang kalidad, mas mahusay ang interpretasyon ng mga prompt, at mas tumpak ang text sa mga image.
Saan kinukuha ng Firefly ang data nito?

Bilang bahagi ng aming trabaho na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinanay namin ang aming unang model ng Firefly sa content na may lisensya mula sa Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Binibigyan din namin ang aming mga customer ng kakayahang sanayin ang kanilang sariling Mga Custom Model upang madali silang makabuo ng content gamit ang kanilang sariling mga estilo, subject at/o brand language.

Sinasanay ba ng Adobe ang Firefly gamit ang editorial content ng Adobe Stock?

Hindi. Hindi ginagamit ang editorial content ng Adobe Stock para sanayin ang mga modelo ng generative AI ng Adobe Firefly.

Bilang customer ng Adobe, awtomatiko bang gagamitin ang content ko para sanayin ang Firefly?

Hindi. Hindi kami nagsasanay sa personal na content ng sinumang subscriber ng Creative Cloud. Para sa mga contributor ng Adobe Stock, bahagi ang content ng dataset sa pagsasanay ng Firefly, alinsunod sa mga kasunduan sa lisensya ng Stock Contributor.

Ano ang pamamaraan ng Adobe sa ethics sa generative AI?

Nag-develop at nag-deploy kami ng generative AI sa Adobe alinsunod sa mga prinsipyo namin ng pananagutan, responsibilidad, at transparency ng ethics ng AI. Basahin ang ethics ng AI sa Adobe para alamin pa ang tungkol sa pamamaraan at pangako namin na mag-develop ng generative AI sa paraang gumagalang sa mga customer namin at naaangkop sa mga pinapahalagahan ng kompanya namin.

Ano ang ginagawa ng Adobe para tiyaking ligtas para sa komersyal na paggamit ang Firefly?

Bilang bahagi ng pagsisikap ng Adobe na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinasanay namin ang aming paunang komersyal na model ng Firefly sa content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Ano ang Adobe GenStudio? Paano ito nauugnay sa Firefly?

Ang Adobe Firefly ay isang mahalagang bahagi ng Adobe GenStudio — isang generative AI-first offering para mabilisang magplano, gumawa, mamahala, mag-activate, at magsukat ng on-brand na content ang mga marketer. Native na ini-integrate ng Adobe GenStudio ang Adobe Experience Cloud at mga application ng Creative Cloud tulad ng Frame.io, Adobe Express, at mga Serbisyo ng Firefly para i-automate ang paggawa ng content nang malawakan.

Ano ang mga Serbisyo ng Firefly?

Ang mga Serbisyo ng Firefly ay isang komprehensibong hanay ng mga generative AI at creative na API, tool at serbisyo para sa paggagawa, pag-edit, at pag-assemble ng content, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga organisasyon na i-automate ang produksyon ng content habang pinapanatili ang kalidad at kontrol. Ang mga bagong kakayahan ng generative AI na ito na pinapagana ng Adobe Firefly ay tumutulong sa mga organisasyon na i-automate ang paggawa ng content at iangkop ito sa kanilang brand. Matuto pa rito|Rito tungkol sa Ano ang mga Serbisyo ng Firefly.