Gumawa ng mga background ng presentation na bagay sa gawa mo.

Alamin kung paano gumawa ng makatawag-pansing visuals para sa susunod mong sales pitch o marketing presentation gamit ang mahuhusay na tool sa pag-design, kapaki-pakinabang na tutorial, at template ng PowerPoint presentation.

Isang collage ng iba't ibang slide mula sa PowerPoint presentation

Ipahayag ang mga ideya sa pamamagitan ng mga nakakaengganyong slideshow.

Para sa mga presentation ng negosyo, magagawa ng magandang slideshow na iparating ang mensahe mo at idetalye ang proposal mo sa mga mas maikli at mas madaling maunawaang bahagi. Sa pamamagitan ng lahat ng data, larawan, infographic, at video mo, matutulungan ka ng mga slideshow na gumawa ng nakakaengganyo at hindi malilimutang presentation na nagdudulot ng pangmatagalang impression sa audience mo.

Kung gumagamit ka ng Google Slides, mga Microsoft PowerPoint presentation, o Keynote slideshow, matutulungan ka ng presentation na maganda ang pagkakagawa na makabenta, makapagsara ng deal sa negosyo, o maiparating ang susunod mong malaking ideya.

Mga patok na background ng presentation.

Bagama't magkakaiba ang content ng bawat slideshow, pwedeng magkakapareho ang design ng background ng presentation. Nagbibigay ito sa brand mo ng kumpletong dating at binibigyang-daan nito ang lahat sa team mo o sa kumpanya mo na gamitin ang magkakaparehong layout ng slide. Kapag gumawa ka ng mga sarili mong background ng slide, pwede mong i-save ang mga ito bilang tema ng PowerPoint at gamitin ulit ang mga ito para sa mga presentation sa hinaharap.

Isang PowerPoint slide na may custom na background

Mag-customize ng mga template para sa brand mo.

Bagama't palagi mong ginagamit ang isa sa mga libreng template ng background ng PowerPoint na available sa Microsoft Office, magmumukhang mas propesyonal at pasadya ang brand mo dahil sa custom at nae-edit na template ng design. Magsimula sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kulay ng brand mo, font, at logo ng kumpanya sa design ng background mo. Mula roon, pwede kang mag-explore ng mga gradient, hugis, at pattern na angkop sa style guide ng kumpanya mo.

Apat na magkakaibang design ng layout ng slide na may mga mock-up na image at text

Gumawa ng iba't ibang layout.

Depende sa presentation mo, mangangailangan ka ng iba't ibang layout ng slide para umangkop at mag-customize. Posibleng mga text box lang ang kailangan ng ilang slide, samantalang dapat magpakita ang iba ng mga image o infographic. Matutulungan ka ng mga tamang visual na ilarawan ang isang punto o gumawa ng argumento, kaya tiyaking hindi ka maaabala ng design ng background mo sa content ng slide mo. Posible ring mangailangan ka ng mga slide na nagpapakita ng mga chart o graphics, kaya pumili ng tema ng kulay na makakatulong sa iyong i-highlight ang data nang hindi sumasalungat sa design ng background.

Mga tip para sa pag-design ng mga sarili mong background ng presentation.

Isaalang-alang ang audience mo.

Habang pumipili ka ng mga kulay at imagery, tandaan ang brand at audience. Patok ang iba't ibang kulay at design sa iba't ibang tumitingin. Para sa malaking tech company, pwedeng makatulong ang minimalist at pastel blue na background na mabawasan ang mga abala at maituon ang presentation sa data. Sa kabilang banda, kung mayroon kang kapana-panabik na lifestyle brand, pwedeng mas mainam ang design ng abstract na background na may matingkad na kulay para matulungan kang magbenta ng mga produkto at ipahayag ang sigla ng brand mo. Maghanap ng kaunting inspirasyon sa presentation, at tiyaking naaayon ang diskarte mo sa mga layunin ng kumpanya mo.

Gawin itong nababasa.

Ang mga presentation ay naglalayong mabilis maunawaan. Kung naaabala ka ng background mo sa impormasyon, o mahirap basahin ang text dahil sa gradient na kulay, kakailanganin mong subukan ulit. Tiyaking mataas ang contrast sa pagitan ng text at background, at magdagdag ng kaunting white space na magdidirekta sa mata ng tumitingin at gagawa ng visual breathing room. Ayaw mong maging siksik sa sobrang daming impormasyon ang slide, kaya mag-iwan ng space para sa mga larawan at visual na idaragdag mo sa ibang pagkakataon.

Isang slide ng pamagat ng PowerPoint presentation na may custom na background

Isang slide ng "content na may caption" ng PowerPoint presentation na may custom na background

Panatilihin itong pare-pareho.

Kung gumagamit ka ng iisa at de-kalidad na image sa background o serye ng mga abstract na hugis, gawing pare-pareho ang slideshow mo. Bagama't pwedeng magkakaiba ang mga slide sa isa't isa, tiyaking iisang visual na tema ang nag-uugnay sa lahat ng ito. Kung gumagamit ka ng mga slideshow para sa mga marketing o sales presentation, tiyaking tumutugma ang mga ito sa iba pang marketing material mo. Gusto mong magsabi ng pinag-isang kwento tungkol sa brand mo, ang pare-parehong aesthetic ay magandang simula.

Iba't ibang paraan para i-customize ang mga background mo.

Walang iisang paraan para bumuo o mag-design ng slideshow. Ang Adobe ay may mga tool na makakatulog sa iyong gumawa at mag-customize ng mga kamangha-manghang presentation.

Magsimula sa graphics mo.

Sa halip na gumamit ng clip art sa presentation mo, i-level up ang mga marketing material mo sa pamamagitan ng pagbuo ng sarili mong graphics at mga texture ng background sa Adobe Illustrator at Photoshop. I-highlight ang mga kulay ng brand mo sa pamamagitan ng paggawa ng graphics at mga chart gamit ang iisang palette o tema ng kulay, at pagkatapos ay i-edit ang mga larawan mo nang perpekto sa Photoshop bago idagdag ang mga ito sa panghuling design ng slide.

I-browse ang mga template.

Gamit ang Add-on ng Adobe Stock para sa Google Slides, madali kang makakapag-browse ng mga template ng presentation at mga asset sa Adobe Stock habang nagtatrabaho ka. Sa halip na gumamit ng mga placeholder image, pwede kang mag-preview ng mga larawan at graphics sa template ng design mo bago mo bigyan ng lisensya o bilhin ang mga ito. Binibigyang-daan ka nito na matiyak na magiging magkakaugnay ang panghuling design bago magsagawa ng kahit anong pagbili.

Umasa sa Mga Library mo.

Sa pamamagitan ng Integration ng Mga Library sa Creative Cloud at PowerPoint, madaling i-access ang mga larawan at design na naka-save sa Mga Library mo habang nag-eedit ka ng mga PowerPoint slide mo. Binibigyang-daan ka nito na walang kahirap-hirap na maglipat ng mga stock image, larawan, vector graphics, at marami pa nang direkta sa mga PowerPoint presentation mo mula sa gusto mong Adobe app.

Isang slide na "content na may caption" sa PowerPoint at interface ng Library sa Adobe Creative Cloud na naka-superimpose dito

Buuin ang mga slide mo.

Magagawa mo ring gumawa ng presentation sa InDesign at i-save ang slideshow bilang PDF para walang kahirap-hirap na i-share ito. I-set lang ang mga dimension ng page mo sa InDesign, kunin ang mga larawan, design, at video mo mula sa Mga Library mo, at idagdag ang mensahe mo. Mula roon, pwede mong i-export ang slide deck mo para i-share ito sa team, mga kliyente, at audience mo.

Paano mo man i-design ang isang presentation, maipapahayag ng mga tamang visual ang mahalagang mensahe mo at matutulungan ng mga ito ang brand mo na gumawa ng mahahalagang koneksyon sa audience.

Mag-explore ng mga app na makakatulong sa mga presentation mo na mamukod-tangi.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/cc-teams/resources/how-to/teams-plans