DESIGN
Gumawa ng mga custom na design ng newsletter at email campaign.
Alamin kung paano gawin nang mahusay ang susunod mong newsletter gamit ang mga tool na available sa Adobe InDesign at Adobe Spark.
I-upgrade ang iyong mga update sa email sa tulong ng magagandang newsletter.
Mahalaga ang anyo at function kung gusto mong magpadala ng balita o mag-email sa mga kliyente na may mga pakikipag-ugnayang babasahin talaga nila. Kung ang newsletter mo ay madaling mapasadahan ng tingin o nakakaengganyong tingnan, mas malamang na pagtuunan ng pansin ng mga tao ang aktwal na content. Alamin kung paano mag-design ng newsletter na pulido, propesyonal, at magandang tingnan gamit ang Adobe InDesign at Adobe Spark.
Gamitin ang Adobe InDesign para gumawa ng mga layout ng newsletter.
Ang mga advanced na feature at design tool sa InDesign ay magbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa bawat element ng newsletter mo. Kung gusto mong gumawa ng mga kumplikado at detalyadong layout mula sa umpisa, pinakamainam na opsyon ang InDesign. Buuin ang lahat mula sa mga spread ng magazine hanggang sa design ng email gamit ang pamantayang ito sa industriya para sa lahat ng bagay na pini-print at dine-design.
Gumamit ng mga baseline grid para gabayan ang design mo.
Mahalaga ang mga baseline grid para matulungan kang mag-align ng mga object, gumawa ng mga column, mag-snap ng mga object sa grid, at marami pa. Hindi lalabas sa pinal na dokumento ang mga nako-customize na grid na ito; nagsisilbing gabay lang ang mga ito, tulad ng graph paper. Mainam para sa mga newsletter ang grid-based na design; kapag isinasaayos mo ang design mo sa paligid ng grid, likas nitong pinagmumukhang geometric, proportional, at nakakaengganyong tingnan ang mga element.
Magkaroon ng ganap na kontrol sa typography.
Gamit ang mga Paragraph Style, makakagawa ka ng mga typographic na preset para sa mga font, spacing, kulay, at iba pa. Gumawa ng mga adjustment sa level ng mga indibidwal na titik, gaya ng kerning, leading, at tracking, gamit ang mga Character Style. Pwede ka pa ngang mag-thread ng mga text frame para awtomatikong mag-flow ang mga salita mo sa pagitan ng magkakahiwalay na text box.
Mabilis na magdagdag at mag-format ng mga larawan.
Ang mga feature sa pag-automate gaya ng Content-Aware Fit ay sini-scale at nire-reposition ang mga image para tulungan kang makuha ang pinakamagandang bahagi ng bawat image sa frame. Pwede mong i-drop ang mga sarili mong image sa layout, o pwede kang mag-browse at mag-license ng matataas na kalidad na image mula sa Adobe Stock sa mismong InDesign para magdagdag ng kapansin-pansing visual sa mga newsletter mo.
Gamitin ang Adobe Spark bilang newsletter creator.
Kung gusto mong mabilis na gumawa ng mga post sa social media o email newsletter na maayos tingnan, nang walang kailangang kasanayan sa design, pinakamainam na opsyon ang Adobe Spark. Gamit ang Adobe Spark, pwede kang gumawa ng bagong proyekto sa mismong browser mo o i-download ang mobile app para gumawa nito nang mabilisan.
Mga propesyonal na theme at template.
Pumili ng theme na tumutugma sa style mo na may mga na-curate na layout, kulay, at font. Makakatulong sa iyo ang mga theme na mabilis na makagawa ng maayos at on-brand na hitsura. Pwede mong i-personalize ang mga libreng template ng newsletter para tumugma sa mga kulay o kit ng brand mo, o huwag itong baguhin, para sa napakapulidong hitsura.
Mag-drag at mag-drop ng content.
Isa ang Adobe Spark sa mga pinakasimpleng newsletter maker na pwede mong gamitin, ang malaking dahilan ay isa itong drag-and-drop na editor. Nangangahulugan itong magagawa mong buuin ang newsletter mo gamit ang mga predesigned na block o ilipat ang dati nang content sa mga template para sa personal na style. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-drop ng text, mga element ng design, at mga sarili mong larawan para gumawa ng sarili mong newsletter.
Mag-export para sa anumang medium.
Mula sa mga web page hanggang sa mga PDF file, piliin ang angkop na laki at format para sa newsletter mo. Pumili mula sa dose-dosenang preset na pinakamainam para sa anumang application, mula sa mga mobile device hanggang sa naka-print na papel. Kapag handa ka na, direktang mag-share sa social media mula sa Adobe Spark, o i-download sa device mo at i-save ito para sa ibang pagkakataon.
Pumili ng propesyonal na newsletter software na may mga advantage.
Gusto mo mang pagandahin ang design ng email ng maliit na negosyo mo o panatilihing updated ang komunidad mo sa social media, makakagawa ka ng newsletter na namumukod-tangi gamit ang mga Adobe app. At sa Adobe Creative Cloud All Apps plan, pareho mong masusubukan ang InDesign at Adobe Spark para makuha ang mga benepisyo ng bawat isa.