CREATIVE NA GENERATIVE AI
Adobe Firefly vs. Midjourney: Paano makakatulong ang Firefly na pabilisin ang creative workflow.
Alamin kung paano ka matutulungan ng pinakabagong generative AI na makita ang anumang ideya gamit ang mga AI creation.
Bakit naiiba ang Adobe Firefly?
- Makakagawa ang sinuman ng kamangha-manghang art na may simpleng interface — gamit ang kakayahang dalhin ang mga gawa mo sa mga Adobe app para i-edit o patuloy na gumawa sa mga ito.
- Gumagamit ang Adobe Firefly ng mga modelo ng generative AI na sumusunod sa prinsipyo ng pananagutan, responsibilidad, at transparency ng ethics ng Adobe AI.
- Idinisenyo and Firely na nababawasan ang exposure sa mapaminsala at mapanakit na content, yumayakap sa diversity, at gumagalang sa creative na komunidad.
Ligtas sa komersyong creative AI.
Magkaroon ng kumpiyansa sa paggawa gamit ang Firefly dahil alam mong ligtas ito para sa komersyal na paggamit. Hindi sinasanay ng Adobe ang model ng Firefly sa personal na content ng mga customer o content na kinuha galing sa web. Nagsasanay ang aming model upang pigilan ito sa paglikha ng content na lumalabag sa copyright o mga karapatan sa intelektwal na ari-arian.
Alamin pa|Alamin pa ang tungkol sa safe sa komersyal na creative AI
Paanong naiiba ang Adobe Firefly sa Midjourney?
Ang Adobe Firefly ay pamilya ng mga creative at generative na modelo ng AI para sa mga produkto ng Adobe. Inisyal na nakatuon sa pag-generate ng image at text effect, gumagamit ang Adobe Firefly ng library ng mga image na may open license at content mula sa pampublikong domain na nag-expire na ang copyright para gawing mga AI creation ang mga text na paglalarawan. Pwede itong gumawa ng big bang ng bath bomb mula sa ilang mapaglarawang parirala, o pwede itong magdagdag ng image sa text at gawing maganda at madamong design ang pangalan ng brand mo.
Bagama't nakatuon ang karamihan sa mga generative AI tool sa iisang functionality, magbibigay ang Adobe Firefly ng iba't ibang tool kalaunan. Magagawa ng mga user ng Firefly na mag-alis ng mga distraction sa mga larawan, baguhin ang mood ng isang video, magdagdag ng mga bagong element sa mga illustration, subukan ang mga opsyon sa design, magdagdag ng texture sa mga 3D object, pati ang gumawa ng mga digital experience. Kasama sa mga kasalukuyang plan para sa Firefly ang mga integration sa mga workflow ng Adobe na magbibigay-daan sa iyong ilipat ang iyong AI-generated na content sa mga Creative Cloud tool katulad ng Adobe Illustrator at Photoshop.
Ang karagdagang functionality na ito na may seamless na end-to-end na pag-edit ay ang kaibahan nito sa iba pang platform katulad ng Midjourney, DALL·E, at Stable Diffusion.
Text-to-image prompt: Isang bubuyog na nakaupo sa isang bulaklak ng dahlia habang naliliwanagan ng buwan.
Paano binibigyang-priyoridad ng Firefly ang creative community ng Adobe.
Mahalaga para sa aming bumuo ng mga model ng generative AI na sumasalamin sa pangako ng Adobe na bibigyang-priyoridad ang creator.
Para gawin ito, nagsanay ang unang modelo ng Firefly sa Adobe Stock imagery alinsunod sa kasunduan sa Lisensya ng Stock Contributor, content na may bukas na lisensya, at content ng pampublikong domain na may nag-expire na copyright. Ang layunin ng pagsasanay sa Firefly tulad nito ay maiwasan ang paggawa ng anumang lumalabag sa copyright ng mga artist, photographer, at masisipag na creator. Sa madaling salita, lahat ng ginawa sa Firefly ay idinisenyo para maging safe sa komersyal para sa mga indibidwal at enterprise creative teams.
Pwede mong basahin ang tungkol sa aming model ng kompensasyon para sa mga contributor sa Adobe Stock na ang content ay ginamit sa dataset para sanayin ang mga model ng Firefly. Hindi nagsasanay ang model ng Firefly sa personal na content ng mga customer ng Adobe Creative Cloud.
Sa pamamagitan ng paggawa sa mga modelo ng pagbabayad para sa mga creator at pagtataguyod para sa mga open standard, ginagawa ng Adobe ang Firefly sa tulong ng at para sa komunidad ng mga maker para mapahusay at mabigyang-kakayahan nito ang creative work para sa mga propesyonal at hobbyist.
Mga gamit para sa Adobe Firefly.
Narito ang ilang kapana-panabik na paraan kung paano mo magagamit ang Adobe Firefly:
- Pag-iisip ng hitsura ng science fiction o fantasy world
- Pag-explore ng iba't ibang istilo at texture sa wordmark ng isang negosyo
- Paggawa ng mga nakakakalmang ambient na landscape
- Pagtingin sa kung paano mababago ng mga natatanging istilo ang mga photorealistic na image na ginawa sa Firefly, mula sa mga portrait hanggang sa photography ng kalikasan
- Paggawa ng mga proof of concept para sa graphics ng website
- Pagsubok ng mga bagong paraan para mamukod-tangi gamit ang mga shot ng produkto, photography ng pagkain, at marami pa
Text-to-image prompt: Pagmamaneho ng kotse sa Mars.
Posibleng magustuhan mo rin