https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/substance3d/sticky-banner/default

Ano ang 3D character modeling?

Ang 3D character modeling ay ang praktikal na proseso ng pag-sculpt ng character. Pwedeng lubos na mag-iba ang prosesong ito depende sa tool na pipiliin mo. Kung gumagamit ka ng dedicated na tool sa paggawa ng character, posibleng pasimplehin ng software ang marami sa proseso, gayunpaman, baka malimitahan ka sa mga character na magagawa mo. Sa kabilang banda, malamang na hindi io-automate ng pinakamahusay na 3D modeling at sculpting software ang paggawa ng character. Dahil dito, magkakaroon ka ng higit na creative freedom.
grey 3D character model of medieval man
Image ni Juan Pablo Torres.

Ano ang naghihiwalay sa magandang 3D modeling software mula sa mahusay na 3D modeling software?

Kakailanganin ng bawat artist na sila mismo ang magpasya kung ano ang hinahanap nila sa 3D modeling software, lalo na kung umaasa silang gumawa ng mga 3D character gamit ito. Kasama sa ilang salik na posible mong pag-isipan ang:

• Presyo

• Experience ng user

• Customizability

• Pagpipiliang content

• Compatibility sa ibang software

Ang 3D art ay isang napakateknikal na proseso, na posibleng magpahirap para sa mga bagong artist na ganap na ipahayag ang kanilang mga creative na kakayahan sa simula. Sa pag-unawa na lahat ng software ay magkakaroon ng mahirap na learning curve, ang pagpili kung aling software ang paglalaanan mo ng oras ay isang mahalagang tanong na dapat sagutin.

Tandaang mainam ang mga creator ng character para sa mas mabibilis na resulta at karaniwang mas madadali ang learning curve ng mga ito. Magiging mas mahirap na pag-aralan ang tradisyonal na modeling software. Gayunpaman, kapag naging mas bihasa ka sa isang software, makakadiskubre ka ng higit na creative freedom.

Mga uri ng 3D character modeling.

Habang nagbabago at umuunlad ang teknolohiya, humuhusay rin ang paggawa ng 3D character. Sa pangkalahatan, may dalawang pangunahing paraan para sa modeling at sculpting na makikita mo ngayon.

Polygon modeling

Sa kasalukuyan, ang polygon modeling ay naging pinakasikat na uri ng paggawa ng 3D, at ginagamit ito sa karamihan ng software na available ngayon. Sa paraang ito, bumubuo ang isang artist ng 3D model sa pamamagitan ng paggawa ng mesh na binuo gamit ang mga 2D shape na tinatawag na mga polygon. Pwedeng mga triangle o quad ang bawat isa sa mga polygon na ito. Nabubuo ang isang polygon mula sa mga line segment. Ang mga segment ay pinagdurugtong ng mga vertex, at magkasamang bumubuo ang mga ito ng mga face.

Ang isa sa mga pinakasikat na 3D tool na available na gumagamit ng paraang ito ay Blender, na isang open-source na tool. Para pamahalaan ang mga limitasyon sa hardware, kailangang mag-ingat ng mga artist na limitahan ang bilang ng mga polygon na nire-render sa isang scene. Ibig sabihin nito, maraming oras ang posibleng magugol sa nakakapagod na paggawa ulit ng mga polygon, o pagharap sa retopology, ang proseso ng pagpapasimple sa isang mesh para maging mas mahusay ito.

Voxel sculpting

Ang voxel sculpting ay isang medyo bagong technique sa 3D na iniiwasan nang tuluyan ang pangangailangan para sa isang mesh. Pwede mong isipin ang voxel bilang ang katumbas sa 3D ng pixel. May mahalagang data ang bawat voxel na ginagamit ng software para mag-render ng image sa 3D.

Gumagamit ang Adobe Substance 3D Modeler ng voxel sculpting para bigyang-daan ang mga artist na mag-sculpt nang real time gamit ang mga digital tool na maingat na idinisenyo para gayahin ang clay sa totoong mundo. Mas gestural at natural ang pakiramdam ng pag-sculpt sa ganitong paraan kaysa sa paggamit ng mga polygon.

grey 3D model of old man’s face
Mga image ni Juan Pablo Torres.
grey 3D rendering of man in cloak from front, side, and back

Paano gumawa ng mga 3D character.

Gusto mo mang gumawa ng stylized na character o photorealistic na character, halos pareho lang ang mga pangunahing hakbang. Narito ang anim na tip namin para sa paggawa ng anumang character sa 3D.

1. Bumuo ng konsepto ng mga character mo.

Isang teknikal na proseso ang 3D. Ang pagsisimula mula sa wala sa isang 3D space ay posibleng maging napakahirap. Gumamit ng concept art at mga 2D reference para manatili kang nakatuon at gabayan ang mga pagpili mo kaugnay ng proportion at hitsura ng character.

2. Simulan ang pag-model ng character.

Pagkatapos mong bumuo ng konsepto ng character mo, oras na para magsimulang mag-model. Huwag mong madaliin ang sarili mo. Magsimula sa mga pangunahing hugis para i-block out ang figure, pagkatapos ay magdagdag ng detalye mula roon. Isaalang-alang ang malaki hanggang sa maliit—ihuli ang pinakamaliliit na detalye.

3. I-texture ang character mo.

Pagkatapos ma-model ang character mo, posibleng naiisip mo kung ano ang susunod na gagawin. Ang isang mesh nang ito lang ay hindi kailanman magmumukhang higit pa sa isang sculpture na gawa sa clay. Ang pagte-texture ay ang paraan kung paano binibigyang-buhay ng mga 3D artist ang isang object sa pamamagitan ng paglalagay ng mga texture at materyal sa surface nito.

Pag-isipang gumamit ng mahusay na app gaya ng Adobe Substance 3D Painter para matulungan kang perpektong ma-texture ang character mo. Pwede kang gumamit ng mga smart material at mask para i-paint ang bawat detalye sa surface ng model mo nang real time.

4. I-rig ang character mo.

Tulad ng kahit sinong tao, kailangan din ng mga model ng mga buto. Parang ganoon na nga. Ang pag-rig ay ang proseso ng paglalagay ng mga joint sa isang object, para marunong ang 3D software kung paano kontrolin ang mesh para sa pag-pose at pag-animate. Mahalagang hakbang ito na nangangailangan ng tulong ng 3D software at maiging pagsunod sa pinakamahuhusay na kagawian para maisagawa.

Kapag nagawa nang maayos, makukuha mo ang kahit anong buto o joint at mailalagay mo ang model mo sa kahit anong posisyong gusto mo. Sa tulong ng ilang software, magagawa mong "i-weight paint" ang mga bahagi ng mesh mo para matulungan ang bawat buto ng rig na maglagay ng kontrol sa wastong bahagi ng mesh. Malalaman mong may mali sa pag-animate at pag-pose kung kakaibang bumabaluktot ang mesh mo habang gumagalaw ito.

5. I-render ang character mo.

Ang pag-render ay ang huling hakbang sa proseso ng paggawa ng mga image at video ng character mo. Isipin mong para itong pag-record sa camera o pagkuha ng snapshot. Gumagamit ng lighting at effects ang mga 3D renderer para makagawa ng style at pagkamakatotohanan, tapos nagka-capture ang mga ito ng mga image o sequence ng video ng mga animation.
3D rendering of old man’s face
Image ni Juan Pablo Torres.

I-explore ang mga posibilidad sa game character design software gamit ang Adobe Substance 3D.

Maraming mapagpipiliang opsyon ang mga artist, lalo na sa gaming at paggawa ng VFX. Nagbibigay ang Adobe Substance 3D ng mga app na nangunguna sa industriya tulad ng Substance 3D Designer at Painter, pati na ang lahat ng tool na kailangan mo para matapos ang karamihan ng nasa karaniwang 3D pipeline, lahat sa isang madaling i-manage na subscription.

Sa tulong ng limang mahusay na app at napakalaki at tuloy-tuloy na lumalawak na library ng content, magandang pandagdag ang mga Adobe Substance 3D plan sa kahit sinupamang character na ile-leverage ng isang artist sa kabuuan ng proseso ng game design.

Mga Madalas Itanong

GAANO KATAGAL GUMAWA NG ISANG 3D CHARACTER?

Talagang nakadepende ito sa kasanayan ng artist, kung gaano kasalimuot ang proyekto, at uri ng software na ginagamit. Habang makakabuo ng mga stock na resulta ang ilang creator ng character sa loob ng ilang minuto, posibleng tumagal nang mga linggo o kahit mga buwan para maperpekto ang isang custom na character.

MAGKANO ANG GASTOS SA PAGGAWA NG 3D CHARACTER?

Posibleng umabot sa ilang libong dolyar o higit pa ang presyo ng mga propesyonal na idinisenyong 3D character depende sa kung gaano kasalimuot at sa kasanayan ng artist ng character. Para sa maraming creator, nakakaengganyo kung sila mismo ang gagawa ng mga character.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/substance3d/bottom-blade-cta-s3d-collection