May kaunting debate tungkol sa kung ano ang tunay na unang 3D game. Para sa ilan, ang titulong ito ay para sa Battlezone ng 1980, na gumamit ng wireframe vector graphics para mag-render ng mga 3D na tanke — bagama't makakagalaw lang ang mga mismong tanke sa dalawang dimension. Para sa iba, ang titulong ito ay para sa Quake ng 1996, na posibleng unang larong nagtampok ng mga level na binubuo ng mga silid sa ibabaw ng mga silid, na tunay na nagbibigay sa manlalaro ng posibilidad na makagalaw sa 3D space. Kasingdami ng mga kandidato ang mga kahulugan ng tunay na 3D, kaya't nagpapatuloy ang talakayan.
Nagbago na ang panahon.
Ngayon, mas madalas magsama ang mga laro ng malalawak at kumplikadong 3D na mundo. Makakagalaw ang mga manlalaro sa mga cityscape, o kahit sa mga buong planeta, nang kasingdali ng paggalaw sa tunay at pisikal na mundo. Immersive at nakakamangha ang mga environment. Pinapahalagahan ang mga laro hindi lang dahil sa playability o nakakaengganyong mechanics ng mga ito, pero dahil din sa tunay na kagandahan ng mga ito.