Solusyon para sa 3D texturing gamit ang Adobe Substance 3D
Madalang maging gray, flat, at blangko ang mga 3D character; sa halip, malalaman ang kanilang mga kuwento sa kalumaan ng kanilang mga damit, o kulay ng kanilang mga pisngi.
Ang isang masining na ginawang 3D character ay posibleng maging maganda, o posibleng maging nakakasindak — pero higit sa lahat, mamumukod-tangi ito, at kitang-kita ang personalidad nito sa isang sulyap. At ang texture ng character na iyon — ang detalyadong surface layer na bumabalot sa model — ay may mahalagang gampanin sa pagsasaad sa dating na iyon.
Gayundin, hindi kagubatan ang isang 3D na tanawin ng kagubatan na may mga flat at gray na puno. Ang isang kapani-paniwalang atmospheric na kagubatan ay produkto ng mga pakiramdam na pinupukaw nito — halimbawa, sa pamamagitan ng kulay at nabubuong pattern sa balat ng mga puno, o pagkakaayos ng mga pine needle sa sahig ng kagubatan. Puwedeng kakaunti ang puno at maliwanag sa kagubatan o puwedeng hitik ito sa puno at madilim. Muli, mahalaga dito ang mga texture ng scene — isinasaad sa mga ito hindi lang ang mga kulay at pattern na nakikita sa mga surface, kundi pati ang impormasyon gaya ng reflectivity ng mga surface na iyon.
Mahalagang bahagi ang paggawa ng mga 3D material, at proseso ng pagte-texture para mailapat ang mga material na iyon sa mga model o scene, sa kabuuang 3D workflow. Narito ang kaunti pang impormasyon tungkol sa proseso.
Ano ang 3D na pagte-texture?
May patong-patong na iba't ibang layer ng texture ang bawat 3D object. Ang mga texture ay puwedeng maging mga simpleng umuulit na pattern hanggang sa mga larawang ginawa para lang sa isang partikular na 3D model, at posibleng gawing mga photorealistic at nakakapukaw na character at kapaligiran ng mga ito ang mga simpleng hugis at scene.
Puwedeng mga solid na kulay ang mga 3D material, o puwedeng mas detalyadong simulation ng isang material ang mga ito tulad ng damo, graba, o bato. Ang data sa isang 3D material ay karaniwang naglalaman ng impormasyon kaugnay ng mga element tulad ng kulay, o kumbinasyon ng mga kulay nito, tindi ng reflectivity nito, o kung ito ay ganap na opaque o medyo translucent.
Ang 3D na pagte-texture ay ang proseso ng pagdaragdag ng mga texture sa isang 3D object. Kasama dito ang: paggawa ng mga texture (mula sa mga larawan o mula sa simula), paglalapat ng mga texture sa mga 3D object, paglalagay ng lighting sa scene, at paglalapat ng mga panghuling detalye.
Mga technique sa 3D texturing.
Para gumawa ng mga texture mo, mayroon kang tatlong pangunahing technique. Puwede kang mag-paint at gumawa ng mga texture mo nang manual; puwede kang mag-scan ng mga material sa totoong buhay at gawing mga texture ang mga ito; at puwede mong hayaang mga algorithm sa computer ang gumawa ng texture para sa iyo na isang prosesong kilala bilang procedural generation. Kadalasan, gumagamit ang mga artist ng kumbinasyon ng lahat ng tatlong pamamaraan.
Kapag ginawa mo ang mga texture mo nang manual, magkakaroon ka ng malawak na creative control at freedom. Puwede mong ilagay ang mga sarili mong disenyo kasama ng texture, o puwede kang magdagdag ng mga element tulad ng mga gasgas o pagkaluma. Binibigyang-daan ka ng pamamaraang ito na tumukoy ng istilo; halimbawa, pwede mo itong gamitin para gumawa ng mga texture para sa isang cartoon-style na video game, na may sarili nitong natatanging hitsura. Ang application tulad ng Adobe Substance 3D Painter ay akma para magkaroon ng ganap na kontrol sa lahat ng texture ng isang natatanging 3D object.
Gayunpaman, puwedeng matrabaho ang pag-paint at paggawa ng mga texture sa ganitong paraan, lalo na para sa mga napakadetalyadong surface, o kung gusto mong mabilis na maipakita ang realism. Dito mapapatunayang kapaki-pakinabang ang procedural generation. Ang mga technique sa procedural na pagte-texture ay may mga smart na algorithm na gumagawa sa mga bahagi ng pagte-texture na nakakaubos ng oras mo o mahirap para sa iyo. Halimbawa, magagawa sa texturing application na maglagay ng maliliit na bato sa mga baradong bitak, o maglagay ng maliliit na gasgas o mga kupas na kulay sa mga nakalantad na edge, batay sa geometry shape at orientation. Mayroon ng mga smart na technique na ito ang lahat ng Substance 3D application, pero ang Substance 3D Designer ang magbibigay sa iyo ng pinakamalawak na kontrol para buuin ang mga technique mo mula sa simula.
Kahit na ang mga procedural na technique ay may mga limitasyon pagdating sa paggaya ng isang bagay mula sa tunay na mundo. Para matugunan iyon, puwede kang “mag-scan” ng mga surface — sa madaling salita, magre-record ka ng larawan ng isang surface. Puwedeng isang simpleng larawan ito na kinuha mo gamit ang telepono mo, o puwede kang gumamit ng high-tech na machine sa pagsukat ng surface. Puwedeng gamitin ang scan na ito para gumawa ng ganap na virtual na material para sa mga proyekto mo sa pagte-texture. Lubos na nakakatulong ang Substance 3D Sampler sa bahaging ito — kaya nitong gawing digital na materyal ang isang larawan sa ilang hakbang lang.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga texture: mga tiling texture at natatanging texture. Ginagawa ang isang natatanging texture para sa isang partikular na modelo, o surface; sa pangkalahatan, isa itong "naaayon sa form" na texture na hindi puwedeng gamitin sa iba. Sa kabilang-banda, ginagawa ang isang tiling texture para takpan ang anumang flat na plane. Kung gusto mo, at sa tulong ng kaunting pagsisikap, puwedeng itago ang mga edge ng ganitong material para “ma-tile” ng 3D artist ang texture, para matakpan ng isang napakaliit na texture ang mga napakalaking surface.
Paano gumawa ng mga texture gamit ang Adobe Substance 3D.
Gawing mga texture ang mga larawan gamit ang Substance 3D Sampler.
Ang isa sa pinakamahuhusay na paraan para gumawa ng mga photorealistic na 3D texture ay ang paggamit ng mga larawan ng mga bagay sa tunay na buhay, at pagkatapos ay pag-import ng mga larawan sa Substance 3D Sampler. Ginagamit ng Sampler ang Adobe Sensei, ang AI technology ng Adobe para gawing mga magagamit nang 3D material ang mga larawan. Pagkatapos ay madali nang mailalapat ang mga material na ito sa mga texture kung kinakailangan.
Sa pamamagitan ng opsyong Gawing Material ang Larawan, sinusuri ng Sampler ang mga larawan ng texture ng surface para hanapin ang mga umbok, tupi, smoothness, at reflection sa material. Bumubuo ang AI ng larawan ng hitsura ng surface na ito at ini-interpolate nito kung paano ito puwedeng ilapat sa isang malawak na area ng surface.
Puwede mo ring i-import ang mga sarili mong larawan mula sa Adobe Photoshop o Photoshop Lightroom at gawing mga 3D texture ang mga ito. Madaling i-import sa Sampler ang mga larawang na-edit at pinaganda mo sa Lightroom o kinuha sa Adobe Stock, para gawing nagagamit na 3D material. Sa ganitong paraan, puwedeng maging madamong surface sa isang 3D scene ang isang larawan ng tunay na damo, o posibleng maging surface ng isang 3D polygonal na butiki ang isang larawan ng balat ng butiki sa tunay na buhay.
Hindi kailangang gamitin ang mga material na ginawa sa ganitong paraan sa kasalukuyan nitong kalagayan; puwedeng baguhin ang mga ito para umangkop sa mga pangangailangan mo. Halimbawa, puwede mong baguhin ang kulay ng isang fabric material, o puwede kang magdagdag ng mga detalye gaya ng mga bitak o maliit na bato sa sementadong sidewalk.
Gumawa ng mga texture mula sa simula gamit ang Substance 3D Designer.
Maglagay ng mga texture sa mga 3D object gamit ang Substance 3D Painter.
Magbibigay-daan sa iyo ang Substance 3D Painter na ilagay ang mga materyal mo sa mga 3D asset, mga character man o iba pang model, o mga kumpletong environment. Gamit ang system ng mga layer — na alam ng kahit sinong nakagamit na ng Photoshop — puwede kang mag-paint, magsama-sama, at mag-customize ng mga texture mo. Kasama sa Painter ang mga feature tulad ng mga smart material at smart mask; kung gusto mong gumawa, halimbawa, ng object na itinapon sa dagat, puwede mong gamitin ang mga feature na ito para mabilis na “mag-paint” ng mga detalye tulad ng gasgas sa edge, o pagkasira dulot ng pag-ihip ng hangin mula sa isang partikular na direksyon.
Idinisenyo ang Painter nang isinasaalang-alang ang smart at epektibong workflow. Isang dahilan lang ito kung bakit ito ang texturing tool na pinipili sa iba't ibang creative industry.
Iba't ibang resource sa 3D texturing.
Tandaang hindi mo talaga kailangang gumawa ng mga sarili mong texture bilang bahagi ng 3D workflow. May ilang online na resource na nagbibigay ng mga nakahanda nang materyal na magagamit sa mga 3D na proyekto mo. Kasama sa mga resource na ito ang library ng 3D asset sa Adobe, na may libo-libong 3D material na pwedeng gamitin nang walang binabago o pwedeng baguhin para sa mas naka-personalize na hitsura.
Gayunpaman, para sa mga gustong gumawa ng kanilang sariling mga texture, ibinibigay ng toolset ng Substance 3D ang lahat ng kailangan mo, anuman ang pamamaraang gusto mo.
Bigyang-buhay ang lahat.
Anuman ang source ng mga 3D material mo, kailangang magmukhang makulay at makatotohanan ang mga ito kapag inilapat mo ang mga ito sa mga 3D object o ginamit mo ang mga ito sa mga graphical environment. Sumusunod ang mga materyal na ginawa sa toolset ng Substance sa mga prinsipyo sa physically based rendering (PBR) na tinitiyak na tama ang pag-reflect ng mga ito ng liwanag, at mukhang makatotohanan ang mga ito sa lahat ng pagkakataon.
Partikular na ginawa ang Painter para bigyan ang mga artist ng madali at epektibong workflow na nagbibigay-daan sa iyong maglaan ng mas maraming oras sa mga creative na pagsisikap mo. Bukod pa rito, sinusuportahan ng Painter ang one-click na pag-export sa Substance 3D Stager at Photoshop, at sinusuportahan din nito ang paggawa ng mga custom na template ng pag-export — na isang madaling gamiting feature na idinisenyo para mas mapadali ang gawain mo.