Inirerekomendang hardware para sa pinakamagandang 3D experience.
Para masulit ang toolset ng Adobe Substance 3D, dapat matugunan ng computer mo ang ilang partikular na minimum na kinakailangan.
Noong lumapag ang Apollo 11 sa buwan noong 1969, higit na mas mababa ang computing power ng pinagsama-samang system nito kaysa sa modernong telepono. Sa mga sumunod na dekada, tuloy-tuloy na bumuo ang mga developer ng software na nakakagawa ng mga napakapambihirang bagay. Pero, ang hindi maiiwasang kapalit ay ang unti-unting pagtaas ng computing power na kailangan para mapatakbo ang ganitong software.
Para masulit ang toolset ng Adobe Substance 3D, dapat matugunan ng computer mo ang ilang partikular na minimum na kinakailangan. Partikular kapag gumagamit ng 3D software, kailangang gumawa ng computer mo ng napakaraming computation kada segundo — kaya kapag mas maganda ang performance ng computer mo, mas maayos at mas maginhawa ang 3D experience mo sa kabuuan.
Narito ang ilang rekomendasyon para sa hardware na malamang ay kakailanganin mo para magkaroon ng masaya at maayos na 3D experience.
Ang kahalagahan ng computer na may magandang performance para sa 3D rendering.
Kahit may iba't ibang kinakailangan sa hardware ang bawat application, maraming PC ang hindi makakapagbigay ng maayos na performance na kailangan mo kapag lumilikha sa 3D. Kapag hindi natutugunan ng computer mo ang minimum specifications, pwede kang makaranas ng mga problema, gaya ng hindi gaanong detalyadong graphics at mas matatagal na pag-render, pati na rin mga pabago-bagong frame rate at pag-crash ng computer. Para matiyak na magiging maayos ang 3D experience, kailangan mo ng high-performance at workstation-class na PC.
Ang mga workstation-class PC ay may nakatalagang GPU para mag-render ng 3D nang real time, pati na rin mas malaking storage at memory, at mas mahigpit na seguridad para paganahin ang protektahan ang mga proyekto mo. Makakapagbukas ang mga ito ng mga high-res at multilayered na file sa maraming application — kaya talagang naaangkop ang mga ito sa mga workflow ng 3D.
Magaganda ang naging experience namin sa pagpapatakbo ng mga tool ng Substance 3D sa mga computer na gawa ng HP, lalo na sa high-performance na Z brand nito. Kasama sa ilang kalamangan ng Z para sa mga workflow ng 3D ang:
- Mga mahusay at naka-customize na configuration para sa real-time na 3D rendering
- Mga high-speed processor, NVIDIA graphics card, at maraming opsyon sa storage at memory sa mga desktop device at laptop
- Mga VR-ready na laptop at desktop para sa de-kalidad na paggawa at paggamit ng mga VR experience
- Mga color-critical na display na idinisenyo para sa ganap na katumpakan ng kulay
- Remote Boost software, na nagbibigay-daan sa iyong kumonekta sa remote na paraan sa PC mo at gamitin ang mga kakayahan nito mula sa anumang device
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano tumutugma ang mga tool ng Substance 3D sa mga 3D desktop at notebook ng Z by HP, tingnan ang page ng HP tungkol dito.
Mga rekomendasyon sa GPU para sa 3D design.
Ang mga pangunahing kinakailangan kapag nagsisimula sa 3D ay pagkamalikhain, malikot na isip, at kagustuhang matuto. Bukod pa rito, sobrang makakatulong din ang computer na kayang gumawa sa 3D nang walang kahirap-hirap.
Mahalaga ang system na may malakas na GPU kapag gumagamit ng mga creative application, mula pag-edit ng video hanggang pag-design, pati na rin sa 3D. Kapag nakatutok ka na sa 3D creative design, ayaw mong makahadlang ang system — gusto mong magpatuloy lang. Mahalaga ito lalo na kapag gumagawa ng mabibigat na gawain sa 3D tulad ng pagte-texture, pag-model, at pag-render. Kapag malakas ang GPU, makakagawa ka nang mas mabilis, at ng mas malalaking proyekto. Magiging mas kaunti ang oras mo sa paghihintay at mas marami ang oras sa paggawa.
Ang computer mo ay pwedeng magkaroon ng CPU na may integrated GPU (isang mahalagang built-in na bahagi ng computer mo, na nakadepende sa memory ng computer), o isang discrete GPU (isang nakatalagang piraso ng hardware, na may sariling memory). Kadalasan, ang mga nakatalagang discrete GPU ay magbibigay ng mas magandang experience sa paggamit ng 3D software kaysa sa mga integrated GPU, at mas madaling matutugunan ng mga ito ang mga kinakailangan sa pagpapatakbo ng Adobe 3D software.
May iba't ibang GPU na mapagpipilian. Nasubukan ng mga team namin ang mga tool ng Adobe 3D sa mga NVIDIA RTX GPU, at naging positibo ang resulta nito. Para alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng mga NVIDIA RTX graphics card, tingnan ang mga sumusunod na resource:
Mga rekomendasyon sa VR headset
Pwede mong gamitin angSubstance 3D Modeler (beta) app sa desktop o sa virtual reality mode, nang nagpapalipat-lipat sa dalawa kung kinakailangan. Ang paggawa sa VR ay nagbibigay ng katangi-tanging makatotohanang experience sa pag-model at nagbibigay ito sa iyo ng access sa mga controller ng six degrees of freedom, na nagbibigay sa iyo ng mas direktang kontrol kapag ginagawa mo ang scene mo.
Gayunpaman, para gamitin ang Modeler sa VR, kakailanganin mo ng isang VR headset. Compatible ang Modeler sa Oculus Rift, sa Oculus Rift-S, sa Oculus Quest, at sa Oculus Quest 2 na may Oculus Link cable.
Alin sa mga headset na ito ang magbibigay ng pinakamagandang VR experience? Syempre, ang anumang depinisyon ng "pinakamaganda" ay depende sa tao, pero inirerekomenda ng mga team namin ang Oculus Quest 2 na may Oculus Link cable — ang headset ay magaan at may napakataas na resolution, na nagbibigay ng napakagagandang image.
Mga rekomendasyon sa camera
Ang camera ay isang kapaki-pakinabang na tool sa pagkuha ng visual data, lalo na kapag gumagawa ng mga materyal sa Substance 3D Sampler o Substance 3D Designer. Hindi naman kailangang-kailangan ng professional-level camera — naging maganda rin ang gawa ng mga material artist gamit ang mga phone camera nila.
Kung nasa punto ka na na gusto mong gumawa ng mga high-quality na virtual photograph sa Substance 3D Stager, makakatulong na magkaroon ng 360° camera para makuha ang isang buong environment. Ang mga camera tulad ng Ricoh Theta, ng GoPro MAX, at ng Insta360 ay nakakakuha ng mga 360° panorama, na pwedeng gamitin para gumawa ng mga photorealistic na virtual photograph gamit ang pag-render at pag-composite sa 3D.