Paano mag-convert ng PDF sa Excel online
Sundin ang madadaling hakbang na ito para gawing PDF ang isang Microsoft Excel file:
- I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.
- Piliin ang PDF na gusto mong i-convert sa XLSX na format ng file.
- Panoorin kung paano awtomatikong ikino-convert ng Acrobat ang PDF mo sa Excel.
- I-download ang na-convert na file o mag-sign in para i-share ito.
Subukan ang aming libreng pang-convert ng PDF sa Excel
Gawing mga Excel file ang mga PDF
Gamitin ang pang-convert namin ng PDF sa Excel para gawing mga Microsoft Excel spreadsheet ang mga file mo. I-drag at i-drop lang ang PDF mo, at pagkatapos ay i-download ang na-convert na Excel file sa isang click o sa pamamagitan ng pag-sign in.
Mag-convert ng PDF sa XLSX nang mabilis
Gawing Excel file ang isang PDF sa loob ng ilang segundo gamit ang tool sa pag-convert ng PDF sa Acrobat. Ililipat ng Acrobat ang mga PDF table at iba mo pang content sa mga row at column ng Excel na pwede mong i-edit.
I-edit ang Excel file mo nang libre
Pagkatapos mong i-convert ang PDF na dokumento mo sa XLSX, pwede mong i-edit ang file sa Microsoft Excel para sa web mula mismo sa Acrobat. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-sign in.
Mag-download o mag-share nang walang kahirap-hirap
I-download ang bago mong Excel na dokumento sa desktop mo, o i-share ito sa isang kaibigan o kasamahan pagkatapos mag-sign in. Pwede mo ring kolektahin ang feedback ng lahat sa isang file online.
Gumawa sa kahit anong platform
Pwede kang mag-convert ng mga PDF sa mga Excel na dokumento gamit ang anumang web browser. Gumagana rin ang proseso ng pag-convert sa anumang operating system, kabilang ang Mac, Windows, Linux, iOS, at Android.
Ang pinakamahusay na pang-convert ng PDF sa Excel
Inimbento ng Adobe ang PDF na format ng file at naghahatid ito ng mga de-kalidad na online na PDF tool. Kung gusto mong gumawa gamit ang pinakamahusay, subukan ang mga Acrobat tool namin.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Bilang nag-imbento ng PDF na format ng file, titiyakin ng Adobe na gagawa ang tool sa pag-convert sa Excel mula sa PDF ng Acrobat ng de-kalidad na file na pwede mong gawin sa Mac o Windows. Ililipat kaagad ng functionality ng Acrobat ang data at content mo sa PDF papunta mismo sa nae-edit na Excel spreadsheet, kung saan pwede mong i-edit ang mga row at column.
Pwede mo ring subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw para mag-convert ng mga image tulad ng mga PNG file, mag-edit ng mga PDF gamit ang optical character recognition (OCR technology), magdagdag ng mga annotation, mag-split ng mga PDF, paliitin ang mga file, mag-convert ng mga Microsoft 365 file sa PDF, at mag-export ng mga PDF sa mga Microsoft Word na dokumento at PowerPoint presentation.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device