pdf-to-image

Paano mag-convert ng PDF sa JPG

Sundin ang madadaling hakbang na ito para baguhin ang PDF at gawing JPG, PNG, o TIFF gamit ang pang-convert ng image ng Acrobat:

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/frictionless/how-to-images/pdf-to-jpg-image-how-to.svg | Isang Adobe Acrobat na dokumentong nakaturo sa mga JPG o PNG na image file na ipinapakita ang proseso ng pag-convert ng PDF sa image.

  1. I-click ang button na Pumili ng file sa itaas, o i-drag at i-drop ang PDF mo sa drop zone.
  2. Piliin ang PDF na gusto mong i-convert sa image sa tulong ng pang-convert namin ng PDF sa JPG.
  3. Piliin ang gustong format ng image file.
  4. I-click ang I-convert sa JPG.
  5. I-download ang bago mong image file o mag-sign in para i-share ito.

Subukan ang aming libreng tool sa pag-convert ng PDF sa JPG

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/convert-files.svg | Dalawang file ng dokumento na may mga arrow na nagpapakita kung gaano kadali kang makakapag-convert ng mga PDF file online

Mag-convert ng mga PDF file sa mga JPG online

Gamitin ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat para gawing JPEG, PNG, o TIFF na format ng image file ang PDF mo. Koneksyon sa internet lang ang kailangan mo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/fast-pdf.svg | Mabilis na Pag-convert ng PDF

Mabilis na pag-convert ng PDF sa image

Drag and drop or upload the PDF document you want to convert to an image file. Pagkatapos ay piliin ang PNG, TIFF, o JPG na format na kinakailangan. Kino-convert ng Acrobat ang online na PDF file sa loob ng ilang segundo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/download-and-share.svg | Isang arrow sa pag-download na nagpapakita kung gaano kadaling i-download at i-share ang na-convert mong JPG file

Madadaling pag-download at pag-share ng file

Pagkatapos i-convert ng Acrobat ang PDF mo sa isang image file, pwede mo itong i-download sa isang click o sa pamamagitan ng pag-sign in. Kapag nag-sign in ka, pwede mo ring i-share ang image file mo sa iba.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/work-wherever.svg | Isang desktop icon na may checkmark na nagpapakita na pwede kang mag-convert ng PDF sa JPG gamit ang anumang platform o browser

Gamitin ang paborito mong platform

Gumagana ang tool sa pag-convert ng PDF sa image ng Acrobat sa anumang browser, kabilang ang Microsoft Edge at Google Chrome. Pwede ka ring gumamit ng anumang operating system na gusto mo.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/private-pdf.svg | Isang badge na may lock sa loob na kumakatawan sa paggalang ng Adobe sa privacy mo

Iginagalang namin ang privacy mo

Mahalaga ang privacy mo sa Adobe. Kung hindi ka magsa-sign in sa Acrobat para i-save ang file mo, made-delete ito sa mga server namin.

https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/seo-icons/best-pdf.svg | web browser na may pulang checkmark na nagpapahiwatig na magagamit ang tool na gawing PDF ang JPG sa anumang platform.

Ang pinakamahusay na pang-convert ng PDF sa JPG

Inimbento ng Adobe ang PDF format kaya mapagkakatiwalaan mo ang mga tool namin. Bibigyang-daan ka ng libre naming pang-convert ng PDF sa JPG na gumawa ng mga de-kalidad na JPG na image file na magiging kamukha ng inaasahan.

May mga tanong? May mga sagot kami.

Anong iba pang format ng image file ang pwede kong i-convert sa PDF?

Bibigyang-daan ka ng online na tool sa pag-convert ng Acrobat na mabilis na mag-convert ng PDF sa PNG, TIFF, o JPG image gamit ang anumang web browser. Piliin lang ang gusto mong format ng file. Ilang segundo lang ang proseso ng pag-convert ng JPG ng Acrobat, na naghahatid ng kalidad ng image na mapagkakatiwalaan mo.

Pwede mo ring subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa Mac o Windows. Bukod pa sa pag-convert ng mga PDF file sa mga format ng image file, bibigyang-daan ka ng mga PDF tool ng Acrobat na mag-convert ng JPG, BMP, GIF, Microsoft Word, PowerPoint, Excel, at iba pang format ng file sa PDF. Pwede ka ring mag-convert ng mga HTML webpage. Binibigyang-daan ka ng iba pang Acrobat Pro tool na mag-edit ng mga PDF, mag-merge ng mga PDF, mag-delete ng mga page ng PDF, at magbawas ng mga laki ng PDF file. Pwede ka ring magdagdag ng mga watermark at gumamit ng OCR functionality para mag-edit ng mga na-scan na dokumento.

Paano ako magko-convert ng PDF sa JPG sa telepono ko?
Sundin ang mga parehong hakbang para mag-convert ng PDF sa JPG file sa telepono o tablet mo. Piliin ang PDF file na gusto mong i-convert, piliin ang gusto mong format ng image file, at i-tap ang I-convert sa JPG.
Ano ang pagkakaiba ng JPG at PNG?
Magkaibang format ng image file ang JPG at PNG file. “Walang mawawala” sa pag-compress ng PNG file, na nangangahulugang walang mawawala sa kalidad sa tuwing bubuksan at ise-save ulit ang file. Bilang resulta, mas mataas na kalidad ito na format ng file kaysa sa JPG. Ang mga JPEG file, sa isang banda, ay madalas na mas maliit.
https://main--dc--adobecom.hlx.page/dc-shared/assets/images/shared-images/frictionless/create-an-account-image/create-an-account.svg | isang text bubble, pencil icon, at stacked PDF icon na kumakatawan sa mga libreng online Acrobat tool

Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre

  • Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
  • Magdagdag ng mga komento, sumagot ng mga form, at lumagda ng mga PDF nang libre
  • I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device

Gumawa ng libreng account Mag-sign in

Review url
https://www.adobe.com/reviews-api/dc/production/pdf-to-jpg
Title
I-rate ang experience mo
Hide title
true
Rating verb
boto, mga boto
Rating noun
star, mga star
Comment placeholder
Pakibigay ang feedback mo
Comment field label
Suriin ang Feedback
Submit text
I-send
Thank you text
Salamat sa feedback mo.
Tooltips
Hindi Mahusay, Hindi Masyadong Mahusay, Mahusay, Napakahusay, Talagang Mahusay
Tooltip delay
5
Initial Value
0

Subukan ang mga online na tool na ito ng Acrobat

Mag-convert mula sa PDF

Mag-convert sa PDF

Bawasan ang laki ng file

Mag-edit

Lagdaan at Protektahan

Mag-convert mula sa PDF
I-convert sa PDF
Bawasan ang laki ng file
Mag-edit
Lagdaan at Protektahan