https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/business/teams/explore-cct-blade

Bakit mo dapat piilin ang Photoshop para sa mga team.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/business/teams/photoshop/cct-ps-icon-1.svg

Gumawa ng mga de-kalidad na marketing material.

Mag-edit ng mga larawan ng produkto at headshot gamit ang mga tumpak na tool. Mag-composite ng mga naka-print na ad, web at email banner, brochure, mockup, at marami pa.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/business/teams/photoshop/cct-ps-icon-2.svg

Makatipid ng oras gamit ang generative AI.

Gumawa at mag-edit nang mas mabilis gamit ang mga feature ng generative AI na binibigyang-daan kang madaling mag-alis ng mga abala, magdagdag ng mga bagong element, at mag-expand ng image mo.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/business/teams/photoshop/cct-ps-icon-3.svg

Mapanatag sa mga secure na feature para sa negoyo.

Protektahan ang intelektwal na ari-arian mo gamit ang mga history ng bersyon sa loob ng 180 araw at pagkontrol ng asset mula sa naka-centralize na Admin Console.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/business/teams/photoshop/cct-ps-icon-4.svg

Mag-streamline ng mga proyekto ng grupo.

Panatilihing naka-sync ang mga grupo at naaangkop sa brand ang mga asset gamit ang mga naka-share na library at tool para sa madaling pag-share at pagsusuri.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/business/teams/media_17292f9f66b306f1aa3a77e669dd1f2ca3fc9d355.mp4#_autoplay

Panatilihing consistent ang mga branded na content sa lahat ng surface.

Mag-design ng graphics para sa mga on-brand na banner, flyer, post sa social media, at marami pa. Idagdag ang mga ito sa mga naka-sync na Library sa Creative Cloud para magamit sa kahit saan.

Sulitin ang mga larawan mo.

Gumawa ng mga detalyadong pag-edit sa mga composite para sa mga propesyonal na larawan na tumutugma sa hitsura at dating ng brand mo.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/business/teams/media_122122cf405c531d392d7e943eb122688628bff95.mp4#_autoplay

Paghambingin ang mga plan para sa mga maliit na negosyo.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/merch/creativecloud/business/teams/photoshop/mini-compare/photoshop-teams/default

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/merch/creativecloud/business/teams/photoshop/mini-compare/cc-all-apps-teams/default-intro

Tumuklas pa ng mga creative app para sa mga maliit na negosyo.

Mga madalas itanong

Ano ang pagkakaiba ng Photoshop para sa mga indibidwal at Photoshop para sa mga team?
Idinisenyo ang Photoshop para sa mga team para sa mga negosyo, anuman ang laki na nangangailangan ng mga creative app, maraming lisensya ng user para sa mga miyembro ng team, at secure na pag-access sa mga file ng kompanya. Ang Photoshop para sa mga indibidwal ay para sa mga single na user
Available ba ang Photoshop nang walang subscription?
Available lang ang Photoshop para sa mga team bilang bahagi ng isang Creative Cloud plan, na may kasamang mga pinakabagong feature, update, font, texture, effects, at marami pa.
Ano ang mga pangunahing paraan ng paggamit ng mga negosyo sa Photoshop?
Binibigyang-kakayahan ng Photoshop ang mga negosyo na makagawa ng de-kalidad na visual na content para sa iba't ibang layunin, kasama ang photography at pag-retouch ng produkto, mga mockup ng website at app, mga marketing campaign, mga presentation, at mga panloob na komunikasyon.
May libreng bersyon ba ng Photoshop para sa mga team?
Walang libreng bersyon ng Photoshop para sa mga team, pero pwede kang magsimula sa free trial ng Photoshop para ma-experience ang mga kumpletong kakayahan nito. Para sa mga libreng opsyon, ang Adobe Express ay mahusay para sa basic na graphic design, at available ang Photoshop Express at Photoshop Camera nang libre sa mobile.
Mayroon bang available para sa team namin na mga resource sa pagsasanay para sa Photoshop?
Oo, dedikado ang Adobe sa pagtulong sa team mo na gumawa ng de-kalidad na content. Pwede kang mag-access ng maraming hands-on na tutorial, video, at artikulo sa Adobe Learn.
Paano ko maidaragdag o maaalis ang mga miyembro ng team sa plan ng Photoshop?
Mina-manage ang mga miyembro ng team sa pamamagitan ng Adobe Admin Console. Madaling makapagdaragdag o makapag-aalis ang mga administrator ng mga lisensya ng user sa Adobe Admin Console. Pwedeng i-reassign ang mga lisensya ng user anumang oras.
Paano kung aalis ang isang miyembro ng team sa organisasyon?
Mina-manage ang mga miyembro ng team sa pamamagitan ng Adobe Admin Console. Madaling makapagdaragdag o makapag-aalis ang mga administrator ng mga lisensya ng user sa Adobe Admin Console. Pwedeng i-reassign ang mga lisensya ng user anumang oras.