Ano ang mga art style?
Mula sa mga prehistoric na painting sa kuweba hanggang sa postmodern na pixel art, ang bawat panahon ay nakagawa ng mga natatanging art style. Kadalasang lumilitaw ang mga style na ito bilang reaksyon sa mga trend na nauna sa mga ito. Halimbawa, ang Impressionism ay nangyari bilang pagsalungat sa Realism ng huling bahagi ng ika-19 na siglo, na reaksyon sa Romanticism na nauna rito.
Ayon sa kasaysayan, sinanay ang mga painter at sculptor sa mga sikat na style sa panahon nila, pero gamit ang mga AI art generator, makakagawa ang kahit sino ng art sa anumang style mula sa anumang panahon.
Bakit dapat magdagdag ng mga art style sa mga AI prompt mo.
Para makakuha ng magagandang resulta sa pag-generate ng mga image gamit ang AI, makakatulong ang pagkakaroon ng kaunting pagkaunawa sa kung paano gumagana ang AI art. Gumagamit ang mga AI art generator ng mga neural network, o ng napakakumplikadong mathematical system, para maghanap ng mga pattern sa malalaking dataset. Sinanay ang mga network na ito sa daan-daang milyong image para gawing larawan ang halos kahit anong i-type mo sa field ng prompt.
Kasama sa pagsasanay ng mga model na ito ang art sa iba't ibang style, kaya pwede mong ipagamit sa AI ang mga art style prompt. Sa halip na isulat ang bawat katangian ng style na gusto mong gamitin, makakatipid ka ng oras at pagod sa pamamagitan ng pagtukoy sa artistic movement na gusto mong ilagay sa prompt mo.
Sabihin nating gusto mong mag-generate ng isang image na hango sa Art Deco para sa isang party kung saan ipinagdiriwang ang 100 taon ng The Great Gatsby. Pwede mong i-type ang “lalaking nakasuot ng tuxedo na nakatayo sa harap ng cocktail bar” sa field ng prompt sa Firefly Text to Image Module at makakuha ka ng magagandang resulta. Pero kung idaragdag mo ang “Art Deco style” sa prompt mo, makakakuha ka ng mas magagandang resulta na mas tumpak na makukuha ang 1920s look.
Sa Firefly, hindi mo kailangang i-type ang “Art Deco style.” Pwede mong piliin ang Art Deco sa seksyong Mga Effect ng control panel sa kanan, at gagamitin ng Firefly ang kaalaman nito tungkol sa mga katangian ng Art Deco movement para mag-generate ng mga image na tugma sa Roaring Twenties aesthetic.
Kung hindi masyadong tumutugma ang Art Deco effect sa vision mo, isa lang ito sa mahigit 25 art movement na available sa control panel. Sa ilang minuto lang, mae-explore mo ang iba't ibang art style. Sa ganitong sitwasyon, posibleng mas bumagay ang Modernist o Cubist effect.
Prompt: lalaking nakasuot ng tuxedo na nakatayo sa harap ng cocktail bar, art deco style
Mga sikat na art style na masusubukan mo sa Firefly.
Bauhaus
Ang Bauhaus movement, na nagsimula sa Germany noong 1910s, ay nakatuon sa ideya na ang modernong design ay dapat simple, functional, at madaling i-reproduce para sa mga tao. Gamitin ang Bauhaus para gumawa ng mga image na may mga geometric na hugis at simpleng linya.
Impressionism
Simula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo sa France, sinubukang isalarawan ng mga Impressionist painter ang mabibilis na sandali. Mga tao at lugar sa araw-araw ang madalas nilang mga subject, at sa halip na ipakita ang mga ito nang makatotohanan, gumamit sila ng mga nakikitang brushstroke, at matitingkad at hindi pinaghahalong kulay para maipakita ang liwanag at pagiging natural. Subukan ang style na ito para mapukaw ang parehong pakiramdam ng pagkilos sa isang partikular na sandali.
Cubism
Sa Cubist style, na pinasikat nina Pablo Picasso at Georges Braque sa unang bahagi ng 1900s, hinahati-hati ang mga element para gawing mga geometric na hugis at sinusubukang ipakita ang mga subject mula sa lahat ng anggulo. Kung kaya, sa karamihan ng mga gawa ni Picasso, hindi pantay ang mga mata at may dalawang ilong ang subject, isa sa profile, at isa sa three-quarter view. Kapag pinili ang Cubism style, awtomatikong mage-generate ang mga image na puno ng mga geometric na hugis at anggulo.
Psychedelic
Ang psychedelic art ay may posibilidad na paghaluin ang matitingkad na kulay at mga pattern na umiikot-ikot para makagawa ng mga distorted at surreal na image. (Isipin ang mga poster ng concert mula sa huling bahagi ng 1960s.) Tinitiyak ng Psychedelic style na, anuman ang prompt mo, ang mga resulta ay tila panaginip at hindi inaasahan.
Steampunk
Nagmula ang Steampunk art sa steampunk genre ng science fiction, na kung saan nagtagpo ang ika-19 na siglo na Victorian style at steam engine technology, at ang science fiction at fantasy. Bibihisan ng Steampunk effect ang mga subject mo ng mga makalumang damit (may goggles paminsan-minsan) at magje-generate ito ng mga maganda at mukhang kumplikadong machine.
Surrealism
Simula noong 1920s, sinubukang ipakita ng mga Surrealist ang unconscious na isipan at mga panaginip bilang paraan para mas ganap na maipakita ang kabuuan ng karanasan ng tao. Naaangkop ang style na ito para sa mga paglalarawan ng panaginip o pagpapakita ng mga mas kakaibang sandali ng buhay.
Synthwave
Isang genre ng electronic na musika ang Synthwave mula sa unang bahagi ng 2000s, pero isa rin itong visual style na ibinabalik ang mga action at sci-fi TV show noong 1980s. Kinakikitaan ito ng matitingkad na pink, purple, at teal, at para itong nagdaragdag ng vibe ng Miami noong 1980s sa prompt mo.
Paano magdagdag ng mga art style sa mga prompt mo sa Firefly.
Pwede kang magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng text prompt gamit ang ideya mo. (Kung kailangan mo ng mas marami pang payo, tingnan ang mga hakbang na ito para makagawa ng AI generated art.) Pagkatapos ay direktang idagdag ang pangalan ng art style na gusto mong gamitin sa field ng prompt. Kung hindi ka sigurado kung aling style ang posibleng babagay sa ideya mo, pwede mong sundin ang mga hakbang sa ibaba para sumubok ng iba't ibang art movement mula sa control panel.
- Buksan ang Firefly.
Pumunta sa Text to Image module sa Firefly. - Hanapin ang control panel.
Mag-click sa isa sa mga sample na image para buksan ang control panel. - Mag-browse sa Mga Movement.
Sa seksyong Mga Effect ng control panel, i-click ang Mga Movement. Mag-scroll pababa sa listahan at mag-click sa artistic movement na gusto mong gamitin. - Idagdag ang prompt mo.
I-type ang prompt mo sa field ng prompt. (Makakuha ng mga tip sa kung paano magsulat ng mga epektibong prompt.) - Mag-generate.
I-cick ang Mag-generate at tingnan ang mga resulta. - Pinuhin.
Baguhin ang o magdagdag sa prompt mo, sumubok ng ibang movement, o magdagdag pa ng direksyon sa pamamagitan ng pagpili mula sa mga menu na Kulay at Tone, Lighting, at Composition. Pwede mo ring subukan ang mga negatibong prompt para mag-alis ng mga element sa mga resulta.
Magbigay pa ng gabay sa style sa Firefly gamit ang Generative Match.
Gayahin ang style ng isang partikular na image sa pamamagitan ng pagdaragdag ng reference image sa Firefly. Pwede kang mag-upload ng sarili mong image o maglagay ng reference ng style mula sa na-curate na gallery sa control panel. Pumili ng mga reference image batay sa texture, medium, style, lighting, at marami pa.
I-edit ang isang bahagi ng isang image gamit ang Generative Fill.
Prompt: dj na husky na aso na may sunglasses, nakalabas ang dila, at nakalagay ang paw sa spinner, long-time exposure, digital art