Gawing mga artwork ang mga salita gamit ang Adobe Firefly bilang isang AI painting generator.
Hindi mo kailangan ng pintura o sobrang oras para gumawa ng frame-worthy na likhang sining, kailangan mo lang ng isang ideya at kakayahan ng generative AI.
I-explore kung ano ang posible gamit ang Firefly.
I-level up ang creativity mo gamit ang Firefly.
Text to image prompt: paglubog ng araw na kulay lila sa ibabaw ng sapa sa style ng videogame.
Walang hanggan na inspirasyon — sa loob ng maikling panahon.
Makatipid ng oras sa brainstorming sa pamamagitan ng pagsubok ng mga ideya mo sa Firefly. Gawin ulit sa mga paborito mong prompt at subukan ang mga halimbawang prompt mula sa gallery ng Firefly para simulan ang creative na proseso mo. Pwede ka ring gumawa ng mga reference image para sa mga proyektong art mo — sa Firefly, hindi ka mawawalan ng mga bagong ideya kahit kailan.
Mahuhusay na opsyon sa pag-customize.
Kapag ginagamit ang Text to Image generator ng Firefly bilang AI painting tool, pwede mong pagsama-samahin ang iba't ibang style gaya ng “oil painting” at “palette knife” para pagandahin ang mala-painting na hitsura. At pwede mong mas i-adjust pa ang image mo sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga opsyon sa Kulay at Tone, Composition, at Lighting — halimbawa, ang isang malamlam na color palette na may mahinang lighting ay makakapagbigay sa gawa mo ng antique vibe.
Magagandang tool sa pag-edit.
Kapag nakapag-generate ka na ng image na gusto mo, pwede kang gumawa ng mga naka-target na pagbabago gamit ang Generative Fill, na nagbibigay-daan sa iyong piling i-edit at palitan ang mga bahagi ng artwork mo. I-click lang ang icon ng Generative Fill na nasa itaas ng bawat na-generate na image. O dalhin ang mga AI-generated painting mo sa Photoshop o Illustrator para lalo pang i-customize ang mga ito gamit ang mga tumpak na tool sa pag-edit.
Paano gamitin ang Firefly bilang isang AI painting generator.
- Magsimula sa Firefly.
Bisitahin ang Firefly.adobe.com at mag-sign in sa Adobe account mo. Kung wala ka nito, pwede kang gumawa nang libre. Kapag naka-log in ka na, piliin ang opsyong Text to Image sa homepage, na magbubukas ng isang workspace kung saan pwede kang mag-type ng isang prompt para i-generate ang artwork mo. Kapag ginamit mo ang Firefly, makakakuha ka ng access sa isang set na numero ng mga generative credit. Alamin pa ang tungkol sa mga generative credit. - Magsulat ng text prompt.
I-type sa field ng prompt ang gusto mong makita. Maging deskriptibo. Halimbawa, “Isang unicorn na nasa isang mahiwagang kakahuyan, napakadetalyado, concept art, pantasya.” Makakuha pa ng mga tip sa kung paano magsulat ng AI art prompt text para sa Firefly. - I-generate ang image mo.
Kapag masaya ka na sa prompt mo, pindutin ang button na I-generate at makikita mo na ang mga resulta sa ilang segundo lang. Kapag na-generate mo na ang resulta mo, subukang gawing Art o Graphic ang Uri ng Content para makakuha ng mala-painting na hitsura. - I-customize ang mga setting mo.
Pwede mong i-customize ang hitsura ng artwork mo sa pamamagitan ng pagbabago sa mga setting sa page ng mga resulta. Paglaruan ang mga opsyon sa estilo para tuklasin ang mga effect katulad ng watercolor, pop art, at marami pa. Pwede mo ring baguhin ang orihinal na prompt at i-refresh ang iyong mga resulta. - I-download ang painting mo.
Kapag naperpekto mo na ang masterpiece mo, i-click ang button sa pag-download sa itaas ng image para mag-save ng JPEG sa device mo.