Ano ang mixed reality?
Ang mixed reality (MR) ay isang emergent technology na pinagsasama ang virtual reality (VR) at augmented reality (AR). Dahil sa mga mixed reality headset gaya ng Microsoft HoloLens, nagiging posible sa mundo ng gaming ang mga mixed reality experience. Ang mga head-mounted display na ito ay may mga camera na tuloy-tuloy na iminamapa ang environment ng nagsusuot. Kapag naglalaro ka ng mga laro para sa mga device na ito, pwedeng maglakad-lakad sa aktwal na mundong kinaroroonan mo at magpahinga sa sofa mo ang mga character.
VR vs. AR vs. MR: Ano ang pagkakaiba?
Virtual reality (VR)
Sa isang VR experience, papasok sa isang computer-generated na simulation, kung saan may mahalagang papel ang equipment. Kapag nagsuot ng VR headset, talagang hindi mo makikita ang tunay na mundo, at dadalhin ka nito sa mga ganap na virtual na mundo. Inililipat ng napakaraming sensor at teknolohiya ng headset ang mga galaw mo sa virtual na mundo. Pagkatapos ay ginagamit ang impormasyong ito para alamin ang mga galaw mo (kung minsan ay ipinapakita sa katumbas na avatar) sa virtual na mundo.
Augmented reality (AR)
Sa mga AR experience, naglalagay ng mga digital object sa tunay na mundong nasa harap mo. Ang AR ay naglalagay ng digital content na mas nagpapaganda sa nakikita mo, at makikita mo sa pamamagitan ng espesyal na AR glasses o sa pamamagitan ng camera sa telepono mo, tablet mo, o iba pang device.
Mixed reality (MR)
Pinaghalo ang VR at AR sa mixed reality. Nilikha ng mga mananaliksik na sina Paul Milgram at Fumio Kishino ang salita noong 1994 para ilarawan ang continuum sa pagitan ng ganap na tunay at ganap na virtual na environment. Ngayon, tumutukoy ang mixed reality sa mga environment kung saan nag-i-interact ang mga aktwal at virtual na bagay nang real-time — at kung saan pwede kang makipag-interact sa aktwal at virtual na component. Nangangailangan ito ng headset na may transparent lens o camera, para makikita mo pa rin ang tunay na mundo. Tandaan na ang Windows Mixed Reality headset ay isang VR headset na may camera.
Mga pagkakaiba sa mundo at hardware.
- Mundo: Sa VR, hindi mo talaga makikita ang totoong mundo. Sa AR at MR, pwede bahagi ng experience ang totoong mundo, at pwede itong mapaganda o mahaluan ng mga digital na element.
- Hardware: Kailangan mo ng device para sa lahat ng tatlong experience. Sa VR, magsusuot ka ng headset para hindi mo talaga makita ang tunay na mundo. Sa AR, pwede kang gumamit ng device gaya ng smartphone para paganahin ang experience. Sa MR, gagamit ka ng glasses o headset tulad ng Microsoft HoloLens, HTC Vive, o Magic Leap na magbibigay-daan sa iyong patuloy na makita ang totoong mundo.
Mga paggamit ng VR, AR, at MR.
Entertainment
Sa pagsikat ng mga VR headset gaya ng Oculus sa mga mainstream na audience, napakaraming aplikasyon ng VR sa gaming at pelikula. Maraming magagawa sa mga VR na laro, na kumukuha ng inspirasyon sa mga blockbuster na pelikula, makasaysayang setting gaya ng medieval na Europe o Prohibition-era na Chicago, at mga paboritong laro sa arcade. Dahil sa pandemya ng COVID-19, maraming theatrical director ang gumamit ng VR para gumawa ng mga dramatikong gawa kahit na sarado ang mga teatro, habang sinusulit din ang mga kakaibang posibilidad ng format na nagbibigay-daan sa mga audience na maging mga character o pumili ng mga sarili nilang katapusan.
Marami ring paggamit ang AR sa industriya ng entertainment, kasama ang pelikula at gaming. Ang Pokémon Go (2016) na siguro ang pinakakilalang halimbawa ng AR app na naging viral, noong nababad ang milyon-milyong tao sa buong mundo sa isang mundong tinitirhan ng mga cartoon character kung saan ang realidad — at ang user environment—ay medyo mas mahiwaga.
Dahil MR ang pinakabago sa tatlong teknolohiya, nagsisimula pa lang itong gamitin sa entertainment. Ang Angry Birds FPS ay isang spatial na gaming experience na gumagamit ng Magic Leap headset para mag-superimpose ng mga baboy sa espasyo mo sa tunay na buhay.
Iba pang industriya: Pangangalagang pangkalusugan, arkitektura, edukasyon
Ginagamit na sa maraming industriya ang VR at AR, kasama ang arkitektura, pangangalagang pangkalusugan, at edukasyon. May magagandang aplikasyon ang mga teknolohiya ng mixed reality na unti-unti nang ginagamit.
Nagdulot ng malaking pagbabago ang mga VR experience sa industriya ng arkitektura sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong maglibot sa mga konseptwal na gusali. Kung dati, kailangan pang bumiyahe nang malalayo ng mga kliyente para makakita ng 3D model, ngayon, pwede nang ma-experience ang site sa virtual na paraan ng kahit sinong may headset at “susi” sa virtual na gusali — ibig sabihin, access sa isang app at sa proyekto. Sa AR, makakagawa ang mga tao ng mga virtual na pagbabago sa mga tunay nilang living space: Makikita mo kung ano ang magiging hitsura ng bagong furniture sa sala mo, o kung ano ang magiging epekto ng iba't ibang kulay ng pintura sa space mo.
Sa pangangalagang pangkalusugan, makikita ng mga naghahangad na maging surgeon ang proseso sa pananaw ng mga mas sanay na surgeon sa tulong ng virtual reality, habang maihahanda ng mga scripted na scenario ang mga surgeon para sa mga biglaang pangyayari at mabibigyan-daan silang sanayin ang magiging tugon nila sa mga ito. Marami ring potensyal na gamit ang MR sa pangangalagang pangkalusugan, at sa tulong nito, makakagamit ang mga surgeon ng MR-powered na X-ray vision para makita ang nasa ilalim ng balat ng pasyente at mga daluyan ng dugo at buto niya habang may operasyon.
Ang lahat ng tatlong teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mga immersive at pang-edukasyong experience, na ginagawang mas nakakaengganyo ang pag-aaral sa silid-aralan, at gumagawa ng mas malalawak na oportunidad sa pagsasanay sa iba't ibang sitwasyon.