Ano ang 3D Modeling?
Ang 3D modeling ay ang proseso ng paggawa ng mga 3D object gamit ang specialized na software. Pwedeng i-stage ang mga model na ito kasama ng iba pang visual effects para gumawa ng mga buong scene para sa still imagery o animation. Kahit sino ang pwedeng magsimula sa 3D modeling sa tulong ng mga angkop na tool.
Para saan ginagamit ang 3D modeling?
Saan natin nakikita ang 3D modeling ngayon.
Narito ang ilang karaniwang halimbawa ng 3D modeling. Tandaan, minsan ay dahil sa sobrang makatotohanan ng mga model na ito, maaaring mahirap mapansin na isang na-render na image ang tinitingnan mo noong una pa lang.
1. Entertainment at media
Malawakang ginagamit ang 3D modeling sa VFX, mga video game, pelikula, at TV. Hindi bihirang makakita ng mga produksyon na ginawa gamit lang ang 3D software.
2. Arkitektura at real estate
Gumagamit ng 3D modeling ang mga arkitekto at designer para gumawa ng mga detalyadong virtual na representasyon ng mga gusali, looban, at landscape. Lubos na kapaki-pakinabang ang mga model na ito sa pagpapakita ng vision ng designer sa mga potensyal na investor, kliyente, at sa publiko.
3. Design ng produkto at pagmamanupaktura
Ang 3D modeling ay isang mabisa at makakalikasang paraan ng pagbubuo ng mga prototype, pag-visualize ng mga ideya sa produkto, at pag-simulate ng functionality bago ang produksyon. Makakapagpino ng mga ideya at makakagawa ng maraming bersyon ang mga designer bago ma-finalize ang isang produkto.
4. Mga industriya ng automotive at aerospace
Ginagamit ang 3D modeling sa design at pagsusubok ng mga sasakyan at kasangkapan ng mga ito, pati na sa pag-advertise at marketing ng mga ito. Maraming patalastas ng mga kotse at airliner ang nagtatampok ng imagery na binuo sa 3D na sa sobrang makatotohanan ay halos imposible nang masabi na hindi totoong footage ng camera ang mga iyon. Nagbibigay-daan ang 3D sa mga makatotohanang simulation, na magagamit sa pagsusubok ng ideya o sasakyan bago ito buuin.
5. Medikal at pangangalagang pangkalusugan
Ginagamit ang 3D modeling sa medical imaging at surgical planning. Magagamit ang mga tumpak na recreation ng mga organ, buto, at tissue para tumulong sa diagnosis, pagpaplano ng paggamot, at medikal na pananaliksik.
6. Virtual reality (VR) at augmented reality (AR)
Mahalaga ang 3D modeling sa paggawa ng mga immersive na experience. May ilang gamit ang VR at AR at magagamit ang mga ito sa halos kahit anong industriya.
7. Edukasyon at pagsasanay
Ginagamit ang 3D modeling sa mga kontekstong pang-edukasyon para magturo ng mga konsepto sa iba't ibang asignatura, mula sa biology hanggang sa geography, at kahit kasaysayan. Nagbibigay-daan ito sa mga estudyante at propesyonal na makipag-interact sa mga virtual na model at simulation sa mga ligtas at kontroladong environment. Isang magandang halimbawa nito ay ang paglipad ng mga piloto sa isang flight simulator.
Mga image ni Giona Andreani.
Ang proseso ng 3D modeling sa isang sulyap.
Pagbuo ng konsepto
Pag-model
Pag-texture
Pag-render at pagproseso
Mga image ni Giona Andreani.
Tingnan kung ano'ng posible.
Kapag pinagsama-sama ang lahat ng yugto ng 3D modeling, makakagawa ng kamangha-manghang gawa ang mga artist at designer. Narito ang ilang halimbawa sa totoong buhay mula sa iba't ibang industriya, na nagtatampok ng kayang gawin ng 3D modeling.
1. Fashion.
Tingnan kung paano gumagamit ng 3D ang Hugo Boss para pahusayin ang mga proseso nito.
2. Design ng produkto.
Tingnan kung paano nile-leverage ng Puma at INDG ang mga Substance 3D app at AR para tumulong na magdisenyo ng mga nakakamanghang sapatos.
3. Entertainment.
Ang napakagandang proyektong ito, ang End of Summer, ay ginawa ng mga mahuhusay na artist mula sa Adobe, at itinatampok kung ano ang posible gamit lang halos ang mga tool ng Substance 3D.
Mga tip para sa 3D modeling.
Narito ang ilang tip na tatandaan kapag gumagawa ng 3D modeling:
1. Maging magaling sa mga pangunahing kaalaman.
Pangangailangan ang pagbubuo ng matibay na pundasyon sa mga pangunahing prinsipyo sa 3D modeling at ang pag-aaral kung paano mahusay na magagamit ang mga tool na available sa software mo. Magiging mas malinis ang mga model mo, at mas masusulit mo ang oras mo.
2. Aralin ang mga shortcut sa keyboard at pag-optimize sa workflow.
Minsan napakakumplikado ng 3D software. Maraming tool at pamamaraan na available sa mga creator, kaya lubos na mapapadali ng pagiging kumportable sa mga shortcut ang ginhawa mo habang gumagawa. Pabibilisin nito ang workflow mo, pahuhusayin ang productivity, at gagawin nitong mas epektibo ang buong proseso.
3. Gumamit ng mga reference.
Ang paggamit ng mga reference ay hindi lang magandang paraan para maplano at ma-visualize ang isang proyekto, matitiyak din nitong makatotohanan ang 3D model mo, at mayroon itong mga tumpak na sukat, hugis, at detalye. Nagbibigay ang mga reference ng matibay na pundasyon at makakatulong ang mga itong mapanatili ang visual fidelity. Pag-isipang gumawa ng isang mood board na may maraming iba't ibang reference para padaluyin ang creativity at pag-iisip ng ideya.
4. Mag-explore ng iba't ibang technique.
Palaging natututo ang magaling na 3D artist. Kapag patuloy mong sinasanay ang mga 3D skill mo at palagi kang nag-aaral ng mga bagong tool at technique, lalago ka bilang artist at designer. Mag-explore ng iba't ibang technique at software tulad ng polygonal modeling, o sculpting para matulungan kang bumuo ng mas malawak na skillset.
Makakuha ng content, magkaroon ng inspirasyon, at maging creative.
Mga Madalas Itanong
PARA SAAN GINAGAMIT ANG 3D MODELING?
ANO ANG MGA HALIMBAWA NG MGA 3D MODEL?
ANO ANG IBA'T IBANG URI NG 3D MODELING?
1. Polygonal modeling. Ito ang pinakakaraniwang ginagamit na technique. Kabilang dito ang paggawa ng mga 3D model sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga polygon (kadalasan ay mga triangle o quad) para hubugin ang mesh ng object. Ito ay
2. Sculpting. Ang sculpting ay isang technique na gumagaya sa mga tradisyonal na pamamaraan ng pag-sculpt sa digital na environment. Gumagamit ang mga artist ng mga virtual na tool para kontrolin at hubugin ang isang digital na surface. Mahusay ang technique ito sa paggawa ng mga organic at napakadetalyadong model, tulad ng mga character. Sa tulong ng mga angkop na tool, akma rin ito para sa hard-surface modeling.
3. Mga procedurally generated model. Kabilang sa procedural modeling ang paggawa ng mga model sa tulong ng mga algorithm na gumagamit ng mga predefined na parameter. Mainam ito sa pagbuo ng mga kumplikadong estruktura, lupain, o element ng arkitektura. Karaniwan ang procedural generation sa paggawa ng mga malalawak na environment para sa mga video game, pelikula, VFX, at simulation.