MGA FEATURE NG {{AFTER-EFFECTS}}
Magdagdag ng motion tracking sa anumang video.
Subaybayan ang paggalaw ng isang object sa isang video. Alamin kung paano gamitin ang {{After-Effects}} para mag-pin ng graphical element sa object para gumalaw ang element nang maayos kasama ng camera.
Gumawa ng graphics na gumagalaw kasama ng video mo.
Gumawa ng dynamic na graphics na magpapahusay sa kasalukuyan mong footage. Gamit ang motion tracking, pwede kang gumawa ng text, mga logo, o graphics na maayos na sumusunod sa paggalaw ng mga kotse, tao, environmental effects, o kahit ng mismong camera.
Magdagdag ng text na gumagalaw.
Maglagay ng mga titik ng kanta sa likod ng isang mang-aawit, mahahalagang punto sa tabi ng isang tagapagsalita, o mga subtitle na kumokonekta sa audience.
Bigyan ng graphical na dating ang footage.
Gumamit ng motion tracking para magdagdag ng graphical effects sa footage sa totoong buhay. Magdagdag ng mga graphical overlay, magpakita ng mga detalye, at magsama ng cartoon effects sa live action
Gawing visual effects ang clip art.
Gawing vfx na may kuwento ang mga emoji at karaniwang simbolo. Magdagdag ng mga smiley face, dollar sign, word bubble, at marami pa sa live video.
Maglagay ng motion graphics sa video.
Itugma ang mga gumagalaw na object sa gumagalaw na graphics. Gumawa ng mga bar graph na napupunan habang gumagalaw ang mga sasakyan, o mga pie chart na may fill-in rotation effect.
Ganap na magkontrol gamit ang 3D motion tracking.
Kontrolin ang text sa mga X, Y, at Z axis. Sinusuportahan ng {{After-Effects}} ang mga gumagalaw na 3D object at pagdaragdag ng lalim sa iba pang motion tracking effects. Kontrolin ang paggalaw gamit ang single-point tracker, two-point tracking, o mga naka-customize na tracking point na nagbibigay-daan sa iyong tukuyin kung paano gagalaw ang mga graphical asset.
Kontrolin ang bawat detalye.
Masusing kontrolin ang tracking data, mga keyframe, at kung paano lumalabas sa timeline ang mga asset mo sa motion tracking.
Gumamit ng mga kasalukuyang asset nang walang kahirap-hirap.
Walang kahirap-hirap na gumagana ang {{After-Effects}} sa iba pang {{Creative-Cloud}} app tulad ng {{Adobe-Stock}}, {{InDesign}}, at {{Photoshop}}. Magdala ng mga asset mula sa iba pang proyekto at portfolio nang walang kahirap-hirap.
Paano magdagdag ng mga element sa motion tracking sa video sa {{After-Effects}}.
Pahusayin ang video gamit ang graphics ng motion tracking o text sa loob ng limang hakbang na ito.
- Idagdag ito:
I-import ang asset o i-type ang text na gusto mong idagdag sa footage mo. - Ilagay ito:
Ipuwesto ang graphic o text mo sa loob ng video at sa naaangkop na layer. - Simulan ito:
Pumunta sa Window › Tracker at ilipat ang playhead sa kung saan mo gustong simulan ang pagsubaybay. - Subaybayan ito:
I-click ang Subaybayan ang Paggalaw mula sa Panel ng Tracker at piliin ang mga track point sa text o graphic. - Igalaw ito:
I-click ang I-edit ang Target sa Menu ng Tracker, piliin ang layer na gusto mong subaybayan ng graphics o text, at i-click ang OK.
Magsimula sa motion tracking gamit ang mga tutorial na ito.
Makakuha pa ng mga detalye tungkol sa kung paano magdagdag ng motion tracking sa mga clip at kung paano mag-optimize ng footage para mas gawin pang kapansin-pansin ang pagsubaybay.
Maglapat ng motion tracking sa mga video clip.
Sundin ang mga hakbang na ito para magdagdag ng text, clip art, o iba pang larawan sa footage.
Magsubaybay, mag-stabilize, at mag-optimize ng footage.
Alamin kung paano i-stabilize ang paggalaw at gawing maayos hangga't posible ang pagsubaybay.