Bakit mo dapat piliin ang Premiere Pro?
Pinapabilis ng AI ang mga workflow mo.
Punong-puno ang Premiere Pro ng mga AI na feature na pinapagana ng teknolohiya ng Adobe Sensei — gaya ng Color Match, Auto Ducking, at Morph Cut — para hindi mo na kailangang gumawa ng matrabahong gawain at makapaglaan ka ng mas maraming oras sa pagiging creative.
Tinutulungan ka ng Text-Based na Pag-edit na gumawa ng mga rough cut nang mabilis.
Mag-edit ng mga video nang walang kahirap-hirap gaya ng pag-edit ng text. Awtomatikong mag-generate ng transcript gamit ang Speech to Text, maghanap ng dialogue, at i-copy at i-paste ang text para panooring mabilis na mabuo sa timeline ang kwento mo.
Tingnan kung paano gumawa ng nakakamanghang mga video gamit ang Premiere Pro.
Mag-edit at mag-trim nang may buong katumpakan.
Ginagamit sa industriyang mga tool na makakatulong sa paggawa mo ng perpektong kuwento. Madaling magtakda ng panimula at pangwakas na mga punto para sa iyong mga clip gamit ang tatlong-punto na pag-edit. Gamitin ang naka-stack ("pancake") na mga timeline para ilagay ang source ng footage sa iyong rough cuts gamit ang mas makaunting pagpindot. At mag-trim gamit ang mga tool na tutulungan kang mag-ripple, mag-roll, mag-slip, o mag-slide edit ng mga puntos para mahanap ang tamang cut nang mabilis.
Magdagdag ng nakakakuha ng atensyon na mga transition sa video, mga effect, at mga titulo.
Pumili sa daan-daang built-in na mga effect sa video at mga transistion, o magsimula gamit ang dinisenyo ng mga propesyonal na mga template at pagkatapos ay i-adjust ang mga ito para makagawa ng mga likhang sarili mo.
I-customize ang mga kulay mo.
May kasamang malakas na pagwawasto ng kulay sa video at mga grading na tool ang Premiere Pro. Awtomatikong ibalanse ang iyong mga kulay gamit ang AI, gumamit ng mga propesyonal na color wheel at mga kontrol sa kurba para i-adjust ang lahat o ang isang bahagi ng frame, at tingnan ang iyong mga resulta gamit ang mga built-in na video scopes.
I-adjust ang tunog at maghalo ng musika para makagawa ng magandang tunog.
Bawasan ang ingay at pagandahin ang dialogue gamit ang mga propesyonal na tool sa tunog, at magdagdag ng advanced na mga effect habang inaaral mo ang disenyo ng tunog. Mag-browse ng mga music track, gumamit ng AI para awtomatikong ipasok ang mga ito sa iyong mga clip, at lagyan sila ng lisensya — lahat ng iyan sa loob ng Premiere Pro.
Mabilisang makakuha ng puna at ibahagi ang iyong pinal na video.
Makakuha ng puna mula sa mga collaborator sa pamamagitan ng Frame.io — kasama ito sa Premiere Pro at bahagi ng iyong Creative Cloud subscription. Awtomatikong muling i-frame ang iyong pinal na video para sa vertical na mga platform, at i-export nang madali sa YouTube, Vimeo, at Facebook o gamitin ang iyong sariling mga preset.
Hanapin ang Creative Cloud plan na angkop para sa iyo.
Premiere Pro Single App
₱1,046.00/buwan
May kasamang 100GB ng cloud storage, Adobe Fonts, at Adobe Portfolio.
Alamin pa
Creative Cloud All Apps
₱1,495.00/buwan ₱2,642.00/buwan para sa unang taon. Tignan ang mga kundisyon
Makakatipid ng 40% na diskwento sa unang taon sa buong creative toolkit para sa Video, Photography, Design, at iba pa.
Mga estudyante at guro
₱997.00/buwan
Makatipid ng mahigit 60% sa 20+ Creative Cloud app — kabilang ang Premiere Pro.
Tingnan ang mga tuntunin | Alamin pa
Negosyo
₱1,898.00/buwan kada lisensya
Kunin ang Premiere Pro at ang lahat ng Creative Cloud app at mga eksklusibong feature sa negosyo.
Alamin pa
Bumili sa pamamagitan ng telepono: +65 3157 2191