Dapat mong gamitin ang Mga Serbisyo at Software sa responsableng paraan at hindi mo dapat gamitin ang Mga Serbisyo at Software sa maling paraan. Halimbawa, hindi mo dapat gawin ang mga sumusunod:
6.1 gamitin ang Mga Serbisyo at Software nang walang nakasulat na lisensya o kasunduan sa Adobe, o nang labag dito;
6.2 kopyahin, baguhin, i-host, i-stream, i-sublicense, o i-resell ang Mga Serbisyo at Software;
6.3 bigyang-daan o payagan ang iba na gamitin ang Mga Serbisyo at Software gamit ang impormasyon ng iyong account;
6.4 ialok, gamitin, o payagan ang paggamit o pag-access sa Mga Serbisyo at Software sa isang negosyo ng mga serbisyo sa computer, third-party na serbisyo sa outsourcing, sa pamamagitan ng membership o subscription, batay sa service bureau, nang may time-sharing, bilang bahagi ng naka-host na serbisyo, o sa ngalan ng sinumang third party;
6.5 gumawa ng database o dataset gamit ang, nang kasama ang, o nang binubuo ng mga Adobe Content File para sa mga layunin ng engineering;
6.6 i-access o subukang i-access ang Mga Serbisyo at Software sa anumang paraan maliban sa interface na ibinibigay o pinapahintulutan namin;
6.7 iwasan ang anumang paghihigpit sa pag-access o paggamit na itinakda para maiwasan ang ilang partikular na paggamit ng Mga Serbisyo at Software;
6.8 Magbahagi o gumawa ng Content, kasama ang Creative Cloud Customer Fonts, o kung hindi man ay masangkot sa asal na lumalabag sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari ng kahit sino. Ang ibig sabihin ng “Mga Karapatan sa Intelektwal na Pag-aari” ay copyright, mga karapatang moral, trademark, trade dress, patent, trade secret, hindi patas na kumpetisyon, karapatan sa privacy, karapatan sa publisidad, at anupamang karapatan sa pagmamay-ari;
6.9 Magbahagi o gumawa ng anumang Content o makisangkot sa gawi na labag sa batas, nakakapinsala, nagbabanta, bastos, marahas, mapang-abuso, mapaminsala, mapanira, mapanirang-puri, malaswa, mahalay, nanghihimasok sa privacy ng iba, mapoot, o kung hindi man ay katutol-tutol;
6.10 Magbahagi o gumawa ng anumang Content na nagse-sexualize sa mga menor de edad o inilaan para mangasiwa ng mga hindi naaangkop na pakikipag-ugnayan sa mga menor de edad, iba pang user ng Adobe, o sa publiko;
6.11 magpanggap bilang sinumang tao o entity, o maling isaad o kung hindi man ay maling sabihin ang iyong affiliation sa isang tao o entity, kasama ang hindi paghahayag ng naaangkop na ugnayan sa pag-sponsor o pag-eendorso kapag nag-iwan ka ng review;
6.12 tangkaing i-disable, sirain, o wasakin ang Mga Serbisyo at Software;
6.13 i-upload, ipadala, i-store, o gawing available ang anumang Content, kasama ang Creative Cloud Customer Fonts, o code na naglalaman ng anumang virus, nakakapinsalang code, malware, o anumang component na idinisenyo para magdulot ng pinsala o maglimita sa functionality ng Mga Serbisyo at Software;
6.14 abalahin, gambalain, o pigilan ang sinupamang user sa paggamit sa Mga Serbisyo at Software (tulad ng pangso-stalk, pananakot, pangha-harass, o pang-uudyok o pagsusulong ng karahasan o pananakit sa sarili);
6.15 makisali sa mga chain letter, junk mail, pyramid scheme, phishing, spamming, o iba pang hindi kaaya-ayang mensahe;
6.16 makisangkot sa mga mapanlinlang na aktibidad, tulad ng panloloko sa pagbabayad at refund;
6.17 maglagay ng advertisement ng anumang produkto o serbisyo sa Mga Serbisyo maliban kung may paunang nakasulat na pag-apruba namin;
6.18 gumamit ng anumang pamamaraan ng data mining o katulad na pamamaraan ng pangangalap at pag-extract ng data kaugnay ng Mga Serbisyo at Software, kasama ang data scraping para sa machine learning o iba pang layunin;
6.19 artipisyal na manipulahin o gambalain ang Mga Serbisyo at Software (tulad ng pagmamanipula ng mga pagpapahalaga sa Behance o paghimok sa mga user na pumunta sa mga third-party na site);
6.20 gumawa ng mga Adobe account para sa layunin ng paglabag sa Mga Tuntunin o sa aming mga patakaran (o iba pang uri ng mga pagkilos na ginagawa ng Adobe), kasama ang, pero hindi limitado sa, paggawa ng mga pekeng account, o para sa pag-iwas sa pagwawakas ng account;
6.21 manipulahin o kung hindi man ay ipakita ang Mga Serbisyo at Software sa pamamagitan ng paggamit ng framing o katulad na teknolohiya sa pag-navigate; o kaya ay
6.22 lumabag sa naaangkop na batas.